1 - Big Ball of Fire

964 Words
CAULI'S POV "Huh!" napasinghap ako. Habol ko ang hininga at nagpalinga-linga ako sa paligid. Panaginip! Akala ko totoo na. Mabilis akong napatingin sa orasang nasa dingding ng aking kwarto, madaling araw pa pala.Agad kong hinagilap ang isang pares ng tsinelas ko at nagmamadaling bumaba papuntang kusina para uminom ng tubig. Pakiramdam ko kasi, totoo ang mga 'yon at pati t***k ng puso ko ay nagsiunahan sa pagkabog.  Agad kung binuksan ang ref, kumuha ng isang pitsel at agad na nilagok ang laman no'n. Uhaw na uhaw ako sa mga sandaling ito dala na siguro sa masamang panaginip ko na gusto akong patayin. Makailang lagok pa ako nang may naramdaman akong kakaiba sa likuran ko. Muntik ko ng mabitawan ang bagay na hawak ko sa takot nang makita si Kiely.  "Kainis ka, alam mo ba 'yon?" inis na pakli ko sa kanya at inilapag sa mesa ang pitsel na hawak ko. "Nauuhaw rin kasi ako ate kaya gumawi ako rito," pagdedepinsa pa niya sa sarili niya sabay hagikhik. Inikot ko ang aking eyeball at hindi na pinansin ang sinabi ng 12 years old kong kapatid. Matabil kasi ang batang 'to at parang hindi nauubusan ng sasabihin at paliwanag.  "O siya, mauna na akong pumanhik sa itaas mahal na prinsesa." Pairap ko siyang tinalikuran.  "E, ate Cauli hintayin mo na lang ako. Sabay na tayo." Nag-make a face ako at hindi siya pinansin. Tiyak na makikipagkwentuhan lang sa'kin 'yang kapatid ko. Bago ako humakbang patungong hagdan, sandali akong natigilan at napasigaw sa subrang gulat. Isang malakas na pagsabog na halos ikagiwang ng aking pag-iisip. "Ano 'yon ate?" Agad na yumakap sa'kin si Kiely. Nakaramdam ako ng takot pero 'di ko pinahalata sa kapatid ko, ayaw ko siyang takutin. Parang ang pagsabog na 'yon ay pamilyar sa'kin at kasunod no'n ay naririnig ko ang malakas na sigawan sa paligid. Mga taong nagpapanic, natataranta at nagkakagulo. "Kiely umakyat ka sa kwarto mo, dali!" Ayaw ko sanang mataranta pero pakiramdam ko nasa panganib ang buhay namin. "Pero ate, natatakot ako." Nagsimula na siyang umiyak sa tabi ko kaya wala akong magawa kundi hawakan na lang ang kamay niya at iginiya siya sa kanyang kwarto.  Nasa gitna pa lang kami ng hagdanan ay parang uminog ang buong kapaligiran. Nagsihulog ang mga babasaging painting namin sa sala at pati mga mamahaling vase at iba't ibang babasaging gamit ay nabasag. "Hindi maganda 'to!" Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya at bumaba kami ulit. Hindi kami safe sa hagdanan at mas lalong hindi kami safe kung pupunta kami sa mga silid namin. "Ate, lumilindol! Baka may pumutok na bulkan. Magtago tayo sa ilalim ng mesa." Hinila ako ni Kiely upang magtago kami sa ilalim ng mesa. Wala akong magawa kundi ang mapasunod sa kapatid ko. Baka nga may bulkang pumutok kaya lumilindol at parang mabibiyak ang sahig na pinag-aapakan ng aming mga paa. Pero teka lang, wala naman bulkan dito sa'min. Kung iisipin, nasa malaking City kami nakatira kung saan makikita ang mga nagtataasang building at establisyemento. Kung ipaghahambing sa noon at ngayon, nasa modernong panahon na. Halos gawa ng teknolohiya at nagmamahalang gadgets na ang umiikot sa kapaligiran. "God!" naisambit ko nang muli kaming makarinig ng malakas na pagsabog. Halos masira ang eardrum ko sa impact na ginawa no'n at pati isip ko ay parang ayaw mag-function sa nararamdamang pagkakataranta. "Galit yata ang Diyos, ate!" "Stay here lit'l sis, pupunta ako sa labas. Titingnan ko kung ano ang nangyayari." Matapos kong sabihin 'yon ay agad ko ng tinakbo ang pintuan at mabilis na pinihit ang knob upang makalabas ako. "God!" naulit ko pag-usal ang katagang 'yon nang makita ko ang kabubuan ng paligid. Mga taong nagsisigawan, tumatakbo at buong mundo yata nagkakagulo sa mga sandaling ito. Kitang-kita ko kung paano nagsisunog ang mga bagay na nasa kalayuan at ramdam ko ang init no'n sa aking balat. Mga building at establisyemento na parang papel lang na nasusunog. Ang mas nakakagulat at nakakasindak ay ang mga naglalakihang nilalang na siyang gumagawa ng sunog! "Cauli!" Si papa 'yon ang humila sa'king kamay.  Kung 'di niya ba ako agad nahila, malamang tinamaan ako sa apoy na patama sa gawi ko. Saka ko lang naisip na kailangan naming umalis dahil kung hindi, mukhang madadamay kami sa sunog na gawa ng mga nilalang na 'di ko alam kung saan nanggaling. Nahaluan na rin ako ng takot at pagkataranta tulad ng mga tao sa labas. Ang lakas ng pintig ng puso ko at isabay pa ang malalakas na sabog sa kapaligiran naming, na sinasabayan din ng pag-inog. "Asan ang kapatid mo?" pasigaw na tanong ni papa ng mahila niya ako papunta sa loob ng bahay. "Andito ako papa!" narinig kong sigaw ni Kiely at nanatili pa rin nakatago sa ilalim ng mesa sa mga oras na ito. "Take Kiely with you. Susunod kami ng mama mo at kapatid. Mauna na kayong magtago! Sa pinagtayuan ng ref may sekretong lagusan do'n sa sahig. Masusunog tayo ritong lahat!" kalmadong saad ni papa pero nakikita ko sa kanyang mata ang laking takot at taranta ng mga oras na ito.  Sino ba ang hindi matatakot gayong isang kislap lang ng mata ay parang biglang naglaho ang lahat. Gusto ko pa sanang itanong sa kanya kung katapusan na ba ng mundo. Hindi kasi ako mahilig magsimba at dalawa sa isang taon lang ako pumapasok ng simbahan. Ang tanging alam ko, basta nasusunog na ang mga kapaligiran at may mga nilalang na hindi kamparananiwan ay katapusan ng mundo na ito para sa'kin. Pero bago ko pa naitanong kay papa 'yon, tumalikod na siya at tinakbo ang hagdanan. Alam kong ang aking ina ang pupuntahan niya at ang isa ko pang kapatid na si Daisylee. Wala na akong sinayang na panahon nang marinig ko ang mga nakakangilong tunog na umalingawngaw sa paligid, mabilis kong tinakbo ang kinaruruunan ni bunso at hinila siya patungong sa lagusan na sinasabi ni papa. Pero bago pa namin naitulak ang Ref, biglang nag-apoy na ang buong paligid namin... 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD