"Guys! Nandito na kami sa likod," sigaw ni Tine mula sa likod ng bahay namin. Pababa pa lang kami ni Mea ng hagdan ay rinig na agad namin ang matinis niyang boses. Sa tingin ko ay inaasar na naman siya ng kambal. Halos lahat sila ay naka-jogging pants maliban kay Belle na naka-shorts. Pang-volleyball yata iyon o Basketball na pambabae. Kami naman ni Mea ay naka-jogging pants din at may knee pad na suot sa loob. Nakatali ang buhok naming mga babae para hindi humarang sa mukha namin. Ang mga lalaki naman ay nakaT-shirt lang at shorts. Hinahanda na nila ang mga gagamitin namin sa pag-Football. "Ngayon lang ako makakapaglaro ng Football. Kayo ba?" tanong ni Reima. Hawak niya ang isang bola ng Football at sinisipat iyon na parang ngayon lang nakakita noon sa malapitan. "Ako rin, ngayon pa