Chapter 7

817 Words
MIYA Nakatulog tuloy agad si Jasmine dahil sa kakaiyak. Hindi tuloy nakakain ng dinner. Kasalanan talaga ng tatlong iyon. Grabe! Pumapatol sa kapatid! Ang cute ng kapatid nila tapos papaiyakin lang? Tama nga si Jas, masasama talaga ugali ng tatlo. Sana talaga sumakit mga ngipin nila. "Hindi sasakit ngipin namin. Hindi naman namin kinain, e. Nasa freezer." Nagulat ako ng may nagsalita sa likod ko. Si? Sino nga 'to? Kumunot ang noo ko, alam kong hindi si Sir Jix 'to. Wala kasing hikaw iyon sa left ear, e. Ngumisi siya sa akin, "I'm Jin. Ang pinaka-charming sa kanilang tatlo." Wow! Ang yabang! Inismiran ko siya at hindi na lang pinansin. Ang yabang-yabang hindi naman siya ka-gwapuhan ni Do-hyun. Ininom ko na agad ang milk ko para makaalis na ako. Naaalibadbaran talaga ako sa mga mukha nila. Lalo na kanina, 'di naawa sa kapatid nila. "Grabe! Talagang iniiwasan mo kami?" Nakita niya kasing binottom-up ko ang gatas ko at nilapag ito sa sink. Sarap tarayan pero baka masapak ako nito. Lalo na iyong Jim, halata ang pagiging mainitin ang ulo. Siguro laging nasa guidance office iyon nu'ng nag-aaral pa siya. Hindi ko siya pinansin at umakyat na lang ako kung sa'n ang kwarto ko. Narinig ko pa ang sinabi niya bago ako makapasok sa k'warto. "Mahuhulog ka rin sa amin!" What? Neknek niyo! Hindi ko siya pinansin at humiga sa kama. Never akong maiinlove sa inyo. Sa ugali niyo pa nga lang hindi na kayo pumasa sa akin. Mainlove pa kaya sa inyong tatlo? Never. Lumabas ako sa k'warto ko at sumalubong sa akin si Jasmine na naka-pantulog pa, "Good morning ate Miya!" Masayang bati niya sa akin. "Good morning also!" Bati ko sa kanya pabalik at sabay kinurot ang kanyang magkabilang pisngi. "Rise and shine, ate! Mommy told me na aalis tayo!" Sabi nito. Sumunod siya sa akin loob. Buti na lang naligo na ako. Hindi kasi ako sanay na lumalabas ng k'warto na hindi pa ako nakakaligo. "Really? Sabi ni Tita?" Pagtatanong ko rito habang pababa kaming dalawa. Tumango ito sa akin, napaka-cute talaga niya. Kinurot ko nga ulit ang kanyang pisngi. "Cute mo!" Tumawa lang siya. "Pero, before tayo aalis, kakain mo na raw! Come on na ate Miya! Let's eat! I'm hungry!" Sabay hawak nito sa kanyang tiyan. "Nakatulog ka kasi agad kagabi." Sabi ko rito at agad na lumabas. "Good morning babygirl namin!" Kapag nga naman minamalas, oh?! Nakasabay pa namin silang tatlo. Agad na nagtago si Jasmine sa likuran ko "I'm scared..." Sinamaan ko sila nang tingin. "Wooh! Teka! Wala kaming ginagawa, ha?" Sabay taas nung Jim na iyon. Nakilala ko siya. Dahil sa hikaw niya sa kanyang kilay. Ewww. "Mukha niyo palang kasi nakakatakot na!" Sabi ko sa mga ito at pinangaikutan sila ng mata. "Tara na, Jasmine. Baba na tayo. Huwag mo silang pansinin." Yaya ko rito at nilagpasan silang tatlo. Narinig ko na lang sa kanila ay, "grabe..." Nagkukwentuhan sina Tito Carlos and Tito Carl about sa business. Bakit sila Tito naka-formal attire, itong tatlong itlog na 'to mga nakapambahay? "Iha, Miya, pupunta tayong mall mamaya. May ipapakilala ako sa'yo. Paniguradong magugustuhan mo siya." Ngumiti ako sa sinabi ni Tita. "Mommy, si kuya Cooper po ba iyong ipapakilala mo sa kanya?" Lumingon ako kay Jasmine. Sinong Cooper? "Mommy, No way!" Napalingon kami agad kay Jix na napatayo at masama ang tingin sa Mommy nila. "Bakit no way? Magkikita kami ng Tita Celeste niyo kasama si Cooper." Sabay taas ng kilay ni Tita. Tumingin si Tita sa akin, "may boyfriend ka ba, iha?" Umiling ako rito. Wala pa kasi sa plano ko iyon. "Good! Iyon naman pala, e! What do you think, Carlos? Ipapakilala ko siya kay Cooper. Cooper is nice and good boy, iha. Bagay kayong dalawa. Perfect match." Ngumiti na lang ako sa sinabi ni Tita. Hindi ko naman kilala kung sino ang tinutukoy niya, e. Pero, alam ko namang hindi naman niya ako ipapahamak. Kaya okay lang. "Ano ba ang gusto mo sa lalaki, Miya?" Napatingin ako kay Tito Carlos. "Hmm... Mabait po, matalino and hindi po sakit sa ulo." Sabi ko at yumuko. That's my ideal guy. "Hala! Mommy! Na kay kuya Cooper iyong hinahanap niya!" Masiglang sabi ni Jasmine. Lumingon siya sa akin, "mabait si kuya Cooper. Matalino rin iyon tapos maka-diyos. Bagay na bagay kayong dalawa." Ngumiti na lang ako. "I'm excited! Come on, Miya, are you done na ba?" Tumango ako rito. "Jasmine, magbibihis na tayo para makaalis na rin agad." Tumayo kami at nag-excuse ako kila Tito. "We're good boy naman, ha? Mas gwapo pa nga tayo roon sa Cooper na iyon. Bagay talaga pangalan niya sa Coopal!" Rinig kong sabi ni Jim. "Boys!" Sita sa kanila nila Tito. Ayon na lang ang narinig ko at sinundan na sila Tita. Anong problema ng tatlong iyon? Mga adik siguro sila? itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD