Chapter 6

1368 Words
JIM Nang makalabas silang dalawa, saka ulit nagtanong si Jix tungkol sa babaeng kasama ng duwendeng iyon. Ano bang mayro'n sa babaeng iyon? She's just typical girls in this world. Nothing more. She's plain. "Mommy? Akala ko ba sa amin siya? Taga-bantay namin?" Gago ba 'to? Taga-bantay namin iyon? E, mukhang kami pa magbabantay roon. Tignan mo nga itsura nu'n. Hindi lang ako makasabat dahil may atraso pa kami ni Jin kay Mommy. Pero, malakas manampal si Mommy, ha! Bakat iyong kamay niya sa kaliwang pisngi ko. Tapos, may hang-over pa kami ni Jin. Matutulog na lang ako mamaya sa office. "Binabawi ko na, Jix. Kay Jasmine na siya." Napabuntong-hininga na lang ang good boy naming kakambal. Ano ba kasing hinahabol niya roon sa babaeng iyon? Maganda at matangkad lang naman iyon. Hindi kami binabalingan ni Mommy nang tingin. Maski tapunan, wala man lang. Talagang nagalit namin siya. "I'm done!" Sabay tayo nila Daddy. No choice kung hindi tumayo na rin. Nang papunta sa gate, na kita namin ang dalawa na nagkukwentuhan sa swimming pool. Tinignan ko si Jix, at todo tingin doon sa babae. What's here name again? I forgot! Dahil naka-ban kaming dalawa ni Jin sa kahit anong bagay. Kotse ni Jix ang gamit namin. Naka-kumpuskate ang aming mga keys, atm's and of course no clubbing in one month. Dude, hindi namin kaya! Hindi mapakali si Jix habang nagmamaneho at ramdam namin iyon ni Jin. Iisa lang naman ang mga takbo ng utak namin. Kapag may problema ang isa, alam namin. "s**t! Dahil sa inyo iyon, e! Tangina!" Pagkapasok palang namin sa office ito na agad ang bungad niya. Ano ba pinuputok ng butchi nito? Aba't gago! "Ano ba hinuhimutok mo diyan, ha?" Jin asked. Kapag ako napuno kay Jix sasapakin ko 'to kahit kakambal namin ni Jin ang isang to. "Kasalanan niyo kasi! Alam niyo bang iyong babaeng iyon, taga-bantay natin! Pero, napunta kay Jas! s**t talaga!" Napahilamos si Jin sa sobrang gulo ng sinabi nitong si Jix. Ganito ba talaga kapag matalino? Ni-hindi ko nga maintindihan ang pinapaliwanag niya sa amin. Mag-e-explain na nga lang sa amin, binibigyan pa kami ng sakit ng ulo. "Siraulo ka! Ayusin mo iyong usapan! Sino ba kasi iyong babaeng iyon? Ang dami-daming babae rito sa Pilipinas, malay ba namin kung sino iyon? Naka-fling na ba natin iyon? Naka-one night stand, ha, Jix? Tngina, gulong-gulo na ako sa mga sinasabi mo, masakit pa rin ang ulo ko dahil sa hang-over kagabi." Naka-ubob na sabi ni Jin habang hinihilot ang kanyang magkabilang sentido. Oo nga naman, maging ako nahihilo at sumasakit na rin ang ulo ko dahil sa daming paligoy-ligoy na sinasabi ni Jix sa amin. "Pinapauwi ko kasi kayo kahapon pero ayaw niyong makinig sa akin!" Puro daldal wala naman kaming maintindihan. Kwineluhan ko siya at, "umayos kang gago ka, masasapak kita, Jix. Sino ba iyong babaeng iyon? Sumasakit na ulo ko sa mga sinasabi mo. Hindi naman namin maintindihan niyang mga sinasabi mo." Inalis niya ang kamao ko sa kanyang polo, "Siya si Miya!" Miya? Sa mobile legends? Aba! Gago nga! Malay namin kung sinong Miya. Malala na ang isang ito. "Kaka-Mobile Legends mo iyan." Sabat ni Jin. "Bobo niyo naman. Kapatid ko ba kayo?" Ah, gago! Namemersonal na siya. Umupo siya sa kanyang swivel chair at tinignan kami ni Jin. "Si Miya..." Nakita niyang 'di kami umiimik, "langya naman, hindi niyo maalala?" Tumango kami sa kanya. Short memory. "Si Miya iyong babae na para sa atin. Nahanap na siya nila Daddy!" Sabay kaming tumingin sa isa't-isa ni Jin. "Oh s**t!" "Seryoso ka ba? Maraming Miya sa mundo, Jix. Miya nga lang alam natin sa kanya, e." Seryoso sabi ni Jin sa kanya. Tama. Malay mo mali? Aasa na naman kaming tatlo. "Sila Daddy ang nakahanap. Hindi p'wedeng magkamali sila Daddy. Nag-imbistiga na sila. Then, tama, siya si Miya." Aniya sa amin. "Oh s**t!" Napatulala ako sa sinabi niya. Seryoso ba siya? "Really?" Maging si Jin na nakaubob ay napaangat at tinitigan si Jix. "Nagsasabi ka ba ng totoo?" Umupo ako sa chair na nasa harapan niya. Tumango ito sa amin, "oo, 100% na siya iyong Miya na matagal na natin hinahanap. Iyon nga lang malabong mapalapit sa atin. Mukhang sinasabi na ng kapatid nating babae na masasama kayong dalawa." Iyong duwendeng iyon! "Gagawa tayo ng paraan. Gagamitin natin si Jin. His charms!" Sabi ko rito at hinarap ang mukha ni Jin. "Walang babaeng hindi nahumaling dito." Dugtong kong sabi. "Walang effect. Hindi siya katulad ng mga babaeng nakikilala natin. Kailangan natin makuha ang loob ng kapatid nating si Jasmine. Siya lang pag-asa natin." Oh no! No way! Sa pandak na iyon? "My choice pa ba tayo?" Ani ni Jin. "Wala na. I-babytalk niyo rin ang isang iyon. At, magpakabait tayo kay Mommy. Atin naman talaga siya. Kung hindi lang dahil nahuli kayo." Pinapaalala pa niya. Alam na nga namin ang kasalanan namin. Bad timing. After ng office, pumunta kami sa flower shop at bumili ng sunflowers and roses. Kay Mommy ang roses at ang sunflowers ay para kay Miya. Nagpapalakas lang. And, dumaan din kami sa bilihan ng mga toys and chocolates para sa duwende naming kapatid. Sisipsip kami roon. Siya lang ang pag-asa namin para makalapit kay Miya. Kahit ayokong gawin ito, ang maging sipsip sa kapatid naming duwende ay no choice kami. Kailangan namin siya. Kaya titiisin ko muna ito hanggang mapalapit sa amin si Miya. "Ready na? Try to baby talk Jasmine, okay?" Bilin sa amin ni Jix. Ngayon palang nasusuka na ako. Ewan ko ba pero 'di ko makasundo iyong duwendeng iyon. Masyadong maldita kasi lalo nu'ng binuhusan niya ng juice iyong ka-date ko dati. Hindi raw sinasadya pero tapon lahat sa damit ng ka-date ko. Nang makarating sa bahay, agad naming nakita ang dalawa. Nasa swing sila at tinitignan ang langit. Kaya tumingin din kami, wala naman maganda. Mga babae talaga. Lumapit kami sa mga ito. May binulong ang duwende. Talagang siniraan na kami nito. "Hi!" Ani ni Jix. Tumingin muna siya kay Jasmine, "H-hi! Nasa loob Mommy niyo." She's cute. "You know me already, right?" Tumango siya sa sinabi ni Jix, "ipapakilala ko naman ang dalawang kakambal ko, He's Jin," sabay turo kay Jin na may hawak ng roses, "and, this is Jim." Ako na may hawak ng toys and chocolates ng duwende. Ngumiti lang kami rito pero 'di kami pinansin. Wala na. Mukhang 'di na maganda pagkakakilala sa amin nito. "Okay. Nice to meet you!" Mahinhin nitong sabi. "This is for you, sunflowers." Ramdam ko ang landi sa boses ni Jix. Tangina. Alam din naman pala niya kung paano lumandi. "Sorry, hindi ako mahilig sa mga bulaklak. Thanks pero 'di ko matatanggap." She replied. Napatanga kami sa sinabi niya. Parang napahiya kami, ha? Siya lang ang babaeng tinanggihan kami. Sa gwapo naming ito? May narinig kaming tumawa, "iba siya sa mga babaeng nakikilala niyo mga kuya. Hihi!" Sabay tawa nito. "Pahiya kayo?" Sabay tawa na naman nito. Tngina. Isa pa! Ibibitin ko na 'tong patiwarik! "Hindi ka ba mahilig?" Umiling siya kay Jix. "Sorry, may allergies ako sa mga bulaklak." Sabay ngiti niya sa amin. Oh, kaya naman pala. Sumilip si duwende sa likod ko. "Ano iyan? Wow! Toys and chocolates! That's mine, kuya Jim? Akin na! Akin na!" Pilit niyang kinukuha sa akin ang paper bags. "No!" Madiin kong sabi. "Why?" Nanunubig na ang mata ng duwende. Iiyak na iyan. Hindi ko siya pinansin at papasok na sana kami sa sala ng marinig namin siyang pumalahaw. "They're bad, ate Miya! I told you they are monster and bad guy! Huwag kang lalapit sa kanila. Huhu." Bigla kaming napahinto at lumingon kami sa kanila, nakita naming matalim na tingin niya sa amin. Tangina. Natatakot ba ako? Niyakap lang niya ang kapatid namin at may sinasabi rito. "Shhh... Don't worry, bibili na lang tayo. Sumakit sana mga ngipin nila. Bad guys..." Sinasabi niya iyon habang nakatingin pa rin sa aming tatlo. Sabay-sabay kaming tuminging sa isa't-isa at para kaming nanigas sa mga kinatatayuan namin. Oh s**t. Bad moves. to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD