Chapter 4
MANLILIGAW
Ang piping bingi na saksi sa pag-niig nila Analiza at Rodel ay walang iba kundi ang paslit na si Max.
Nagising ito nang madaling araw upang gumamit ng palikuran ngunit ang nadatnan niya ay si Rodel na kumakatok sa pinto ng tiyahin niyang si Analiza. Matalinong bata rin si Max, tahimik lang. Naisip niyang baka may gawing masama ang hardinero dahil ano naman ang kailangan nito sa disoras ng gabi kay Analiza.
Palihim niyang sinundan si Rodel. Ngunit hindi niya inaasahan ang susunod niyang makikita. Bigla na lang pinasok ni Rodel si Analiza sa loob ng kuwarto. Gustuhin man niyang sumigaw at humingi ng tulong ngunit napangunahan siya ng takot. Masyadong malakas at agresibo si Rodel. Nasa mukha nito na talagang gagawan niya ng masama si Analiza.
Walang magawa si Max kundi panoorin kung paano halikan, yapusin, at samantalahin ni Rodel ang kahinaan ng kanyang tiyahin. Alam niyang masama at hindi angkop sa batang gaya niya na makialam at makita ang ganitong mga bagay. Pero natuod ang kanyang mga paa sa kanyang kinaroroonan, sa likod ng pinto kung saan sinadya yatang hindi isara ni Rodel o dahil sa sobrang sabik nito sa kanyang tiyahin.
Ang inosente niyang kaisipan ay namulat na dahil sa kanyang nasasaksihan.
Hindi niya maintindihan kung bakit ang dalawang nagyayakapan, naghahalikan, ay matindi ang galit sa isa't isa samantalang taliwas ang sinasabi nila sa kanilang ipinapakita.
Nasaksihan niya ang mga bagay na hindi dapat nakikita ng isang walong taong gulang na batang gaya niya. Pero ang ginagawa nila ay talaga namang pumupukaw sa atensyon ni Max. Ganoon pala ginagawa ang pakikipag-talik.
Nakatakip na lang ng bibig si Max nang nalaman niyang may anak pala ang tiyahin niya at ang hardinero ng hacienda. Iyon nga lang ay hindi pala ito nabuhay.
Dahan-dahan nang umalis si Max nang nagsisisigaw na si Analiza at tumitindi na ang kanilang emosyon.
"Nalaglag siya. Kasalanan mo 'yon! Kaya pwede ba Rodel! lumayas ka na sa hacienda. Lumayas ka na sa buhay ko!"
Niyakap ni Rodel si Analiza ng mahigpit at iyon na lang ang huli niyang nakita bago niya lisanin ang silid ng tiyahin.
Samantalang nagpatuloy lang sa pagyapos si Rodel kay Analiza. Hindi na rin niya mapigilan ang lumuha. Ngayon niya ipinagluluksa ang anak na sinasabing nalaglag ni Analiza dahil sa kasalanan niya.
"Bakit hindi mo sinabi sa'kin? Karapatan kong malaman dahil ako ang ama—” Hindi na masambit ni Rodel ang susunod na sasabihin dahil sa sakit na nadarama.
Kung hinayaan na lang sana sila ni Don Alejandro noon, sana'y buhay pa ang anak nila.
Tanging yakap na lang sa isa't isa ang nakapagpa-hupa ng puso nilang nag luluksa. Nakatulog sila ng magkayakap, naka hubo't hubad, tanging kumot ang saplot sa kanilang nag iinit na katawan.
Kinabukasan, naging maaliwalas na ang mukha ni Analiza. Iba na ang kanyang ngiti. Lalo na kapag nasa tabi-tabi si Rodel. Madalas silang nakikitang magkasama, sa hardin, sa bayan, pati na rin sa kwarto ng dalaga sa kadiliman ng gabi.
Si Rodel na isang hardinero ay naging isa na ring driver, kusinero, at utusan ni Analiza. Halata sa kilos ni Rodel na muli niyang sinusuyo ang dating nobya.
Wala naman na si Don Alejandro para sila ay hadlangan sa naudlot nilang pag-iibigan. Si Don Lando naman ay paralisado na ang kalahating katawan at wala nang magawa pa.
Parang bumalik sila sa pagiging teen-ager. Masugid na nanligaw si Rodel kay Analiza. Dinadalhan niya ng bulaklak tuwing umaga, ipinagluluto ng almusal, madalas ay breakfast in bed pa. Hinaharana, minamasahe, binibigyan ng tsokolate, at kung ano ano pang bagay na makakapagpa ngiti sa dalaga upang maibigay na nito ang inaasam niyang 'oo’.
Ngunit isang umaga, bigla na lang may lalaking dumalaw kay Analiza, mukhang ang edad ay bente singko lang. Matipuno ang pangangatawan, alaga yata sa gym, matangkad, at gwapo.
Kung hindi nagkakamali si Rodel, bunsong anak ito ng alkalde ng kanilang bayan. Maraming kababaihan ang nahuhumaling sa binatang 'yon. Kilala sa pagiging maangas.
Pinatawag ni Analiza si Rodel sa sala habang magkatabi sa sofa. Masayang ng nag-uusap ang dalawa. Tumigil lang nang dumating na siya.
"Oh, andiyan ka na pala. Paki-ayos nga itong bulaklak na dala ni Macky tapos i-display mo sa kwarto ko," utos ni Analiza kay Rodel.
Labag man sa kalooban ni Rodel, kinuha niya ang bulaklak na bigay ng Macky na 'yon.
"Assistant mo ba 'yan?" tanong ni Macky na tinutukoy si Rodel.
"Ah hindi, hardinero lang dito 'yan," sagot naman ni Analiza na tila kinakahiya si Rodel.
Napasalubong ang kilay ni Rodel habang pinagmamasdan si Analiza na galak na galak na kausap ang binatang kay angas ng dating. Nananadya ba ito?
Naroon din si Don Lando na naka-upo sa wheelchair, tahimik sa sulok. Wala siyang boses para makialam sa nangyayari sa loob at labas ng hacienda. Ang dating makapangyarihang Don ay isa na lamang alagain.
“Doc Liza, una pa lang kitang nakita, alam ko sa sarili ko na gusto na kitang makasama habambuhay. Ikaw na ang makakapag bago sa'kin," mahabang turan ni Macky. Pagkatapos ay naglabas ng singsing. "Will you marry me, Miss Analiza Montero?"
Kapwa nagulat sina Rodel at Analiza dahil sa biglaang wedding proposal ni Macky.
Ngunit ang mas kagulat-gulat ay ang pagtango-tango ni Analiza at paulit-ulit na sinabing “oo”.
Hindi na mapigilan ni Rodel ang sarili. Hindi niya matanggap ang nangyari. Hinagis ng padabog ang hawak nitong bungkos ng bulaklak. Sinugod niya si Macky at hinila sa kwelyo nito. Nanlilisik ang mga mata ni Rodel sa galit. Hindi niya napigilan ang sarili na suntukin sa mukha ang binatang nagtangkang yayain ng kasal ang babaeng pinakamamahal.
Pinagsusuntok niya nang pinagsusuntok ang mukha ni Macky at hindi na magkandarapa sa kakasigaw maawat lang si Rodel.
"Rodel! Anong ginagawa mo? Tumigil ka nga! Oh for goodness sake, please!" pakiusap ni Analiza.
"Ako? Anong ginagawa ko? We just had s*x last night! tapos magpapakasal ka sa gagóng 'to? Nakaka-putangina ka naman!“
Mabuti at dumating agad si Fernan na kanang-kamay ni Don Lando, para awatin si Rodel.
"Damn you! You spoiled fúcking brat! Don't mess with me, faggot. I'll rot your fúcking life in hell!“ sigaw ni Rodel kay Macky na galit na galit. Halos mapatid na ang ugat sa lalamunan.
Hindi na nakaporma pa ang kaawa-awang binata. Hilong-hilo sa natamo niyang mga suntok mula sa nagngangalit na kamao ni Rodel.
Hinila ni Rodel si Analiza papuntang kwarto nito at agad sinara ang pinto. Tinulak niya ng malakas si Analiza kaya napahiga ito sa kama. Pumaibabaw agad siya at marahas na pinaghahalikan. Pilit na kumakawala ang dalaga dahil nasasaktan ito sa pagiging marahas niya.
"Ano 'yon? Ginagago mo talaga 'ko!" sigaw ni Rodel matapos pakawalan si Analiza.
Isang malakas na sampal ang ganti nito sa kanya. "Ang kapal talaga ng pagmumukha mo! Ikaw pa talaga ang may gana na magsabi niyan! Akala mo ba hindi ko alam?" biglang huminahon si Analiza tila naubusan na ng lakas. Tumulo na lang ang luha niya at ayaw niya ng magsalita pa.
“Sabihin mo na. Kung ayaw mo na sa akin, tama na. Sana hindi mo na lang ako pina-asa—”
Pinawi ni Analiza ang luha niya at matiim na tumitig sa mga mata ni Rodel. “Gusto na kitang kalimutan. Magpapakasal na lang ako sa iba. Tama na pananakit mo sa'kin.“
Babangon na sana si Analiza ngunit hinablot ni Rodel ang pulsuhan niya. Hindi siya papakawalan nito hanggat hindi nasasagot ang mga katanungan.
"Ang alin ba? Ano bang kinakagalit mo?"
"Hindi mo talaga alam? Palihim kayong nagkikita ni Betty.”
Matahimik si Rodel. Totoo kasing pinuntahan siya ni Donya Betty sa kwarto ni Analiza disoras ng gabi matapos nilang magsiping ni Analiza. Hindi niya alam na nagising ito at sinundan sila.
Binuksan ni Analiza ang drawer niya at may hinugot na brown envelope. Hinagis niya ito sa pagmumukha ni Rodel. Kopya ito ng mga titulo ng lupa at mga ari-arian ng mga Montero na nasa pangalan na ni Rodel.
“Paano mo ipapaliwanag 'yan? Paanong ang isang hamak na hardinero ay makakabili ng malaking bahagi ng ari-arian namin?“
“Hamak na hardinero? 'yan lang talaga ang tingin mo sa'kin?“
“Rodel, mamahalin ba kita kung maliit ang tingin ko sa'yo? Hinangaan kita hindi lang sa itsura mo, kundi sa kalooban mo. Sampung taon, Rodel, walang pumalit sa'yo. Ikaw lang sa buong hacienda ang may matayog na pangarap—”
“Then, why don't you trust me!“
"Tama na, Rodel. Tama na ang lahat ng sama ng loob na naramdaman ko dahil sa'yo. Sampung taon... kinaya ko naman nang wala ka. Puro pasakit lang ang dala mo sa'kin. Baka sa ibang lalaki talaga ako liligaya. Wala na akong pakialaman kung anong ginawa mo, gusto ko na lang bumuo ng masayang pamilya. At hindi ikaw ang makakapag bigay no’n sa'kin."
"Do you want to know the truth?" seryosong turan ni Rodel. Kahit papaano ay napukaw niya ang atensiyon ni Analiza.
“Alam mo ba kung ano ang nangyari sa loob ng sampung taon na wala ka? Huh Liza. Makinig ka at sasabihin ko sa'yo!"
-------
TO BE CONTINUED...