Kabanata 20 Rivalries Abot-abot ang kaba ko habang nakaharap kay Matteo. Hindi kasi ako makapag salita ngayon. "Excuse me." Tumalikod ako sa kanya sandali para kausapin ito. "I tried calling you earlier pero di kita ma contact. So what's up?" Tanong ko pa na nilingon lang si Matteo na nasa aking likuran. "I'm here at the lobby, pwede kabang bumaba?" Natutop ko ang bibig sa nalaman, agad bumalong ang excitement sa puso ko na makita siya kaya mabilis ang ginawa kong pag harap kay Matteo. "I'm sorry I need to go." Paalam ko sa kanya pero mahigpit niyang ginagap ang pulsuhan ko para pigilan. "Sino yung tumawag?" Kunot noo niyang tanong. "One of my friend, I really have to go Mr.Gallador thanks for this wonderful night." Ngumiti ako sa kanya matapos ay hinila na ang kamay ko na malaya