Kabanata 19 Dance Bumalik ako sa loob ng suite na nagpupuyos sa inis. "Oh anong nangyare saiyo?" Takang tanong nito sa akin. Hindi ako sumagot imbes ay humalukipkip lang ako ng upo sa magarang sofa. "I'll go check kung saan ang room ni Ricky and Zandro, I'll be back in a minute." Matapos noon ay tuluyan na itong lumabas ng naturang silid. Pinasya ko nalang na maligo, para kahit papaano ay maibsan ang inis na nagsisimulang bumangon sa sarili. Ano naman kung magkasama sila sa Iisang kwarto? May relasyon naman sila eh, so which means-- Bigla ang pag iling na ginawa ko sa isiping may gagawin silang himala sa silid na iyon. Imposibleng naman mag jack-en-poy lang ang dalawang iyon magdamag? Hindi ko na alam kung paano ko pa na apply ng maayos ang shampoo sa buhok ko dahil sa sobrang in