Kabanata 2
Crush
"Talaga ba, tinulongan ka n'ya? Ay sana ako rin, kahit madapa lang sa harapan n'ya masaya na ako atleast siya ang magbabangon sa akin." Tumaas ang kilay ko kay Maicy habang pulang-pula ang mukha sa akin.
"Ano naman sinabi mo? nagpasalamat kaba? Ano sabi?" Tila kumikinang ang mga mata nito habang nagsasalita.
Sumimangot ako sa kanya bago mag salita, "Wala, ginawa lang daw niya kung ano ang sa tingin niyang tama." Bumaling ang tingin ko sa bintana ng aming room.
"Ayy, ganon lang? Ang sungit naman ni Father Teo," sabi nito sa akin na mukhang nadismaya rin dahil umayos na'ng upo at hinarap ang kanyang cellphone.
Napabuntong hininga nalang ako sa naging reaksyon niya. Maya pa ay nag umpisa na ang klase namin, pero wala doon ang isip ko, dahil okupado pa rin ni Matteo at ang pangi-snob niya sa akin ang nasaisip ko ngayon. Iniisip ko ngayon kung paano ba niya ako mapapansin.
Nang sumapit ang P.E lesson namin ay mas lalo akong nawalan ng gana, dahil hindi pa man masyadong magaling ang sugat ko ay heto at patatakbohin kami sa field. Kahit sinabi ko na sa Guro namin na kagagaling ko lang sa aksidente ay hindi pa rin daw ako exempted sa pagtakbo.
Naghihimutok na nagpapalit ako ng rubber shoes sa bench habang katabi si Maicy na hinihintay akong matapos.
"Paano naman kasi wala ka palang pilay at galos nalang iyang nasa binti mo paanong hindi ka pwedeng tumakbo ngayon?" Sita nito sa akin.
"Ang inet kaya oh?" Maktol ko at tiningnan ang tila may sumisingaw na gasul sa oval shape field.
"Tss.. badtrip talaga tong si mata e!" Halukipkip pa ni Maicy habang masama ang tingin sa Guro namin sa P.E.
"Wait! Hindi ba si Father Teo iyon?" Bigla nitong hinila ang braso ko para tumayo.
"Saan? Saan?" Naghahadali kong hanap.
"Ayon oh!" Turo nito sa mga kadete na nagma-martsa sa gilid ng field.
Bigla ang kaba ko nang makilala siya sa isa mga naroon. Pakiramdam ko ay bumalik ang lakas ko at ginanahan tumakbo ngayon sa field.
"Biruin mo balak pa yatang mag sundalo niyang si Father."
Sinulyapan ko lang siya sa kanyang sinabi saka na bumaba sa bleacher para makihalubilo sa mga kaklase naming naghahanda na sa pagtakbo.
"Audrey rose Silvia." Tawag sa amin ng Guro, na agad pumila sa mga katabing studyante para maghandang nang tumakbo.
"Ready? Get set go!" Malakas na sigaw ni Mr. Tan.
Halos sabay nga kaming tumakbo ni Maicy. Kahit hindi pa tinatawag ang pangalan niya para tumakbo ay sumabay ito sa akin.
Isang ngiti ang namutawi sa aking labi at sa bandang gitna ay bumagal ang paghakbang ko bagay na sinabayan niya. Madadaanan kasi namin sila Matteo na nagpa-practice ng C.A.T.
"Hi boys!" Kaway ni Maicy sa mga ito, at dahil nandoon ang Gurong si Sir. Martinez ay hindi nila kami pinansin.
Ang ginawa ko ay huminto ako para ayosin ang sintas ng rubber shoes kong suot. Kagaya ko ay huminto rin si Maicy na mabilis na binaklas ang pag kakasintas ng kaniyang rubber shoes saka muling ibinalik sa pagkakasintas.
Doon ko siya tiningala habang nakatikas pahinga. s**t lang dahil napakatikas nga niyang nakatayo sa harap ko habang diretso lang ang tingin. Kaya ang ginawa ko ay tumayo ako para ipantay ang tingin niya saakin.
Swerte ko at hindi nagkamali dahil sa akin mismo nakatitig ngayon, dahil hindi siya pwedeng lumingon dahil sa command ay kinuha ko ang pagkakataon para ngitian siya ng matamis.
Naputol lang ang tingin ko sa kanya dahil sa pagpito ni Mr. Tan saamin ni Maicy, kaya kumaripas na kami ng takbo habang puno nang tawanan pabalik sa starting line.
Wala na akong pakialam kung mababa ang record na nakuha ko sa track and field basta mahalaga ngayon ay masaya akong nasulyapan siya.
Habang nagbibihis sa locker room ay 'di namin maiwasang pagkwentuha ang nagyari kanina.
"Nakita mo ba yon? Ang gwapo niya habang naka suot ng patig," Bida ko na nagpapalit ng uniform.
"Si Zandro nakita mo ba? Seryosong seryoso ang mukha kanina." Halakhak ni Maicy sa akin na siya kong nilingon.
"Zandro? Who's Zandro?" Tanong ko sa kanya habang nakakunot ang noo.
"Sus, hindi mo kilala?? Heartrob kaya 'yon sa school, next to Matteo." Halatang kinikilig pa ito habang nagkukwento.
"Hindi ko siya kilala." Pinal kong sinabi.
"Eh paano naman kasi kay Matteo lang nakatuon ang dalawang mata mo." Buska nito sa akin.
"Masi-sisi mo ba ako kung siya lang nakikita ng mga ito?" Itinuro ko pa ang dalawang mata ko dito.
"Sus pagnakilala mo si Zandro wag moko sisi-sihin pag naduling 'yang dalawang mata mo," aniy pa bago ako tinalikuran.
Paglabas namin ng locker room ay hindi maiiwasang madaanan ang locker ng mga boys kaya rinig sa loob ang hiyawan ng mga kalalakihan habang nagkukwentuhan.
Sigurado akong nandoon sa loob si Matteo dahil nagumpisa nang lumabas ang mga kadete na kanina ay kasabay namin natapos.
"Hoy ano? Hihintayin mo bang lumabas? Audrey pang i-stalk na yang ginagawa mo." Mariing sabi nito sa akin na biglang hinila ang kamay ko.
Kaya ang ending ay tambay kami ngayon sa corridor para simpleng hintayin ang paglabas nila.
"Tama ba 'tong ginagawa natin? Pang i-stalk na talaga ito." Reklamo nito sa akin.
"Ssh, ayan na sila," mahina kong bulong na mabilis kinuha ang cellphone na kunwang may tinatype doon na kung ano.
"Hi, Zandro!" Narinig kong bati dito ni Maicy at dahil wala naman akong balak itong pansinin ay hindi na ako nag aksaya pang sulyapan ito.
"Hi, Maicy, Audrey." Buo ang boses na sabi nito. Doon ko lang inangat ang mata ko sa kanya para sandaling matigilan.
"Ang galing mo kanina sa field pinanood ka namin diba Audrey, diba?" Pagsiko nito sa akin na tahimik lang na nakamasid sa kanya.
Matangkad ito gaya ni Matteo, kayumangi rin ang kulay na may malamlam na mata na parang nangungusap. Sadya yatang mapula ang labi nito na medyo binagayan ng matangos niyang ilong, pati ang buhok nitong barbers cut ay bumagay sa kakisigan niya.
"Diba, Audrey?" Macy said in her tight lips bago ako sikohin muli.
"Ha? Ah, oo." Wala sa loob kong sagot.
"By the way I formally introduce my self to you guy's, I'm Zandro and you are Audrey rose Silvia right?" nilahad nito ang malinis na kamay saakin na agad ko namang inabot.
Asan ang spark? tanong ko sa sarili. habang nakatitig sa gwapo niyang mukha.
Doon lumabas si Mateo na dala ang kanyang Backpack na kasama ang mga kaklase..
Nakita kong bumaba ang tingin nito saaming kamay bago umiiling na nilampasan kami.
"Ah ako nga pala si Maicy blanco Panibon, short for Maicy." Na hinila ang kamay ni Zandro saakin.
Habang abot tanaw ko siyang sinundan ng tingin ay di ko maiwasang manghinayang. Nakagat ko ang labi dahil mukang nakita niya ata na mag kahawak kami ng kamay nitong si Zandro.
"Pano mauna na ako, may klase pa kasi ako." kaway nito saamin ni Maicy.
"Bye Zandro!" kaway din nitong si Maicy sa huli.
"Diba ang gwapo? panis ang Mateo mo." siko pang muli nito saakin, tinignan ko siya ng masama hindi dahil sa sinabi niya kundi sa nakakadami na siya ng pag siko saakin dahil sumasakit na ang tagiliran ko.
"Tara na nga!" hila ko dito para tumungo na sa susunod na klase namin.
Matapos ang klase ay mabilis akong umuwe para abangan ang palagiang pag papastol ni Teo tuwing hapon sa rancho.
Marahil ay tama si Maicy pang i-stalk na nga itong ginagawa ko, pero hanggat hindi niya nalalaman na may pagtingin ako sa kanya wala akong dapat ikabahala.
Agad akong naupo sa tambayan ng mga trabahor habang hawak ang baon kong sandwich at bote ng juice..
Ilang sandali pa ay natanawan ko na siyang palapit sa kwadra habang hawak ang mahabang patpat..
Sandali pa niya akong sinulyapan ng matanawan niya akong naka upo malapit sa kwadra. Naunahan man ako ng hiya para batiin siya ay di ko naman nakalimutang ngitian siya ng maluwang..
Yumukod ito saakin ng bahagya matapos ay sandaling itinaas ang waway na suot matapos ay ibinalik ulet tanda ng pag galang saakin.
Pumasok ito sa loob ng kwadra,ilang minuto pa siya doon bago lumabas at inumpisahan ang pag papastol.
Habang nag papastol ay hinubad nito ang kanyang waway na suot dahil sa malilim na ang paligid, hinubad din nito ang kanyang T-shirt na suot matapos ay isinampay sa kanyang malaking balikat.
Sinulyapan ko ang Sandwich na ginawa ko matapos ay bumalik ang tingin sa kanya.
'Sana magustohan niya ang sandwich na gawa ko' usal ko sa langit habang na ngu-nguyakoy na naka upo.
Napatuwid lang ang upo ko ng maglakad na ito pabalik sa kwadra na pastol-pastol ang mga kambing papasok sa malaking kwadra.
Humugot muna ako ng malalim na pag hinga bago ko pinasyang tumayo at bitbitin ang sandwich kong gawa.
"Hi!" bati kong salubong sakanya.
Bumaba ang tingin niya saakin, matapos ay sa Sandwich kong hawak.
"Ah, para pala sayo." na atubiling inabot sa kanya ang Sandwich.
"Salamat busog pa ako." Malalim ang boses niyang sabi na mabilis akong nilampasan.
Nakagat ko ang labi ko, at pumikit ng mariin, ilang beses pa akong humugot ng paghinga bago siya sinundan sa loob ng kwadra..
"Para talaga sayo ito, sige na wag kana mahiya." naka ngiti kong sabi, na nasa totoo lang ay pina ngingi-nigan na ako ng tuhod.
Humarap ito saakin na naka kunot ang Noo, matapos ay binalik ang pansin sa ginagawa.
Napalunok ako dahil sa hindi niya pag pansin saakin,lunok ko ang pride na muling mag salita.
"Ayaw mo ba?" muli kong tanong, hindi ko na maiwasang panginigan ng boses sa huli kong sinabi kaya doon niya ako hinarap at ginitigan, ganoon ko nalang siya tiningala dahil sa akin nitong katangakaran.
Sandali pa niyang pinag sawa ang mata saakin bago humugot ng pag hinga.
Nagulat ako ng kinuha niya ang Sandwich sa aking kamay matapos ay ipinatong sa malapad na paletang malapit sa kanya.
"Salamat." iyon lang ang sabi niya na muli akong tinalikuran..
"Ahh.. pedeng manood?" sabi ko pa sa kanya habang busy sa pag papakain ng mga kambing.
Hindi ito sumagot kaya puwesto ako sa tabi niya.. Habang pinanonood ko siyang mag pakain. Ako naman ay di mapakali sa tabi niya dahil sa matinding kabang isipin na katabi ko siya ngayon.
"Want to try?" Nabigla ako dahil sa kanyang sinabi, na inaabot saakin ang ilang damo.
"Okay lang ba?" Ngumiti ako sa kanya nang matamis, muli ay hindi ito sumagot imbes ay kumuha ng bagong damo para ibigay saakin, na atubile kong kinuha.
Dahil sa bago lang ito saakin ay di ko maiwasang kabahan habang naka umang ang kamay ko sa mga kambing.
Napapatili ako pag alam kong lalapit na sila para kainin ang mga damong hawak ko kaya napapaatras ako sa takot.
Narinig ko ang mahina niyang pag tawa sa naging reaksyon ko.
"Huwag kang matakot, hindi naman na ngangagat yang mga yan." Sabi nito habang nakatuon ang pansin sa mga kambing.
"Malay mo sugorin ako,at kagatin." sabi ko dito na tila ayaw ng ibigay muli ang damong hawak.
"Its alright Rose hindi sila na-nanakit." mahina niyang sabi, na nag angat pa ng labi na nakatingin sa kambing nang sulyapan ko.
Tama ba yung narinig ko? tinawag niya ako sa second name ko? no body called me on my second name,kahit sila Mom and Dad, maging si ate Nikka ay di ako tinatawag na Rose.
"Come on, try to feed them again Rose." marahan niyang sabi, pero dahil takot parin ako ay ayoko talagang ilapit ang kamay ko sakanila.
"Let me help you." sabi nito na hinawakan bigla ang kamay ko para ilapit sa mga kambing, hindi ako naka pag react dahil sa bigla niyang ginawa, sobra din ang lapit namin sa isa't-isa dahilan ng di ko normal na pag hinga.
Nang sa wakas ay naabot na ng kambing ang damo ay agad niyang binitawan ang pulsohan ko..
"Salamat." hiyang-hiya kong sabi.
Hindi na muli pa itong nag salita, dahil umalis na ito sa tabi ko at lumipat naman sa kwadra ng mga kabayo, kaya sinundan ko siya..
"Ayan naba ang bagong paganak na bisiro?" tanong ko sa kanya habang hihimas ang makintab na buhok nito. Tumabi muli ako sa kanya para dampian din ang buhok ng bagong panganak na bisiro.
Bumaba ang tingin niya saakin, matapos ay sa paa ko..
"Kamusta ang paa mo?" tanong nito saakin, na tinukod ang dalawang siko sa kahoy..
"Ayos naman na, konting galos nalang, nakatakbo na nga ako kanina." nahimigan ko pa ang pag tawa ko ng bahagya na pinanood lang niya.
Napawi ang ngiti kong iyon dahil sa titig niya saakin.
"Ah,kaklase mo pala si Zandro?" pagdakay natanong ko dahil sa wala na akong mai-topic.
"Magkakilala na kayo?" tanong nito.
"Hmm..kanina." sabi ko na ngumiti sa kanya, kumunot ang noo ko sa tanong niya, diba nakita pa niya? sabi ko sa isip.
"Good, he's smart." sabi pa nito na itinuon ang pansin sa Bisiro na natutulog.
Tumango lang ako sa kanyang sinabi, ewan ko pero parang pabor siyang nakilala ko si Zandro kaya napa buntong hininga nalang ako.
"Gumagabi na, baka hinahanap kana sa inyo." pagdakay sabi nito, na umayos ng tayo bago mamulsa..
"Ala pa naman sila Daddy, okay lang." sabi ko na sinulyapan siya, doon ko unang nakitang nag igting ang panga niya saakin.
Muli napabuntong hininga ito bago suotin ang T-shirt at kunin ang waway niya bago pinasyang maglakad
"Ihahatid na kita." na nag pauna nang lumabas ng kwadra.
Sinulyapan ko ang Sandwich na ginawa ko para sa kanya na naiwanan niya, kaya kinuha ko iyon bago pasyang sumunod sa kanya.
Habang naglalakad ay di ko siya maiwasang titigan, ang katawan niyang batak sa trabaho na kahit sira sira ang suot napantalon sa binti ay bakit ang lakas padin ng dating niya? napailing ako nang ma-alala na gusto pala nito ang mag Pari.
Sanay ay malayo pa ang Mansyon namin pero hindi,sandali lamang namin narating iyon.
"Salamat sa pag hatid." nahiya kong sabi..
"Wala iyon." sagot nito na tangka na sanang tatalikod pero muli ko siyang tinawag.
"Teo, naiwan mo yung Sandwich mo." tila namula ako dahil ng lingonin niya ako ay nagtama ang mga mata namin..
"Salamat." Ngumiti ito saakin sak iyon inabot na nagpawala ng natutulog kong paru-paro sa tiyan.
"You're welcome." naka ngiti ko ring sabi.
"Pano, mauna na ako?" sabi pa nito..
"Ah, pedeng magtanong?" sabi ko kaagad sa kanya, na hinintay ako muling magsalita, sandali pa akong nag atubili bago muling mag salita.
"Pede ba ulit akong pumunta sa kwadra bukas?" sabi ko na hinintay ang magiging sagot niya..
Sandali pa niya akong tinitigan bago,muling napa buntong hininga.
"Sige, walang problema." sagot niya na tinalikuran na ako para umalis..
Na iwan akong maluwang ang ngiti dahil sakanyang sinabi.