KABANATA 4

3135 Words
Kabanata 4 Misa "Anong nangyare? Kwento ka naman." Siko sa akin ni Ate Nikka habang nasa kusina kami kinagabihan. Sumimangot ako sa kanya at kunwa'y ginagawang abala ang sarili sa paggawa ng Crema de fruta. "Wala." tipid kong sinabi dito. Hmm.. talaga lang huh? Eh para saan naman iyang graham na ginagawa mo?" "Para bukas diba Sunday bukas? Kaya gumawa ako nito." Ngumiti na ako sa kanya habang binubuhusan ng cream ang biscuit. "Ngayon mo lang ginawa iyan, may pagbibigyan ka ano?" Tudyo nito sa akin. "Yong lola ni Teo." Hndi kona napigilan pang sabihin. "Si Lola Yolly?" Lumapit ito sa ginagawa ko at tinikman. Agad ko namang tinapik ang kamay niya, "Baka mapanis." Sita ko dito. "Sus, para titikam man lang eh, d'yan ka na nga!" Iniwan ako nito at tumungo na sa sala kung saan naroon sila mommy. Nang matapos ko ang ginagawa ay dumiretso na rin ako sa salas kung saan sila na nonood ng TV. "Oh tapos kana?" tanong pa ni ate na tinabihan ko sa pag-upo. Tumango lang ako sa kanya, matapos ay tinuon na rin ang tingin sa telebisyon. "Kamusta ang pangangabayo mo kanina, Audrey?" Sumulyap ako kay daddy na may hawak na dyaryo na inayos ang kanyang salamin habang nakatingin sa akin. "Ayos lang po dad, naging mabait po si Hoover ngayong araw." Ngumiti pa ako dito. "Si Mateo, kamusta?" Si mommy naman ang nagtanong sa akin. "Naka-alalay naman po siya sa akin, mom." Tipid ko muling sagot. "Mabait din ba si Lola Yolly?" Biglang singit ni Ate Nikka, na siya kong ikinalingon kay daddy na ngayon ay binaba ang dyaryong hawak. "Ah, napadaan po kasi kami sa kubo nila, kaya bumaba kami sandali." nai-ilang kong paliwanag. Tumitig pa ito sa akin sumandali bago itaas muli ang dyaryo para basahin. Agad na binalingan ko si Ate Nikka na busy na sa panood habang puma-papak ng popcorn. Inismiran ko lamang ito bago ko pinagkasya ang sarili sa panood ng TV. ** Maaga kaming nagising kinabukasan para magsimba sa aming bayan. Bumaba ako sa hagdanan na suot ang bistidang bagong bili ni mommy para sa akin habang naka-braided ang mahaba kong buhok. "Aba ang ganda naman ng dalaga ko." Bulalas ni Mommy sa akin habang sinisipat ang ayos ko. "Paano may pinag papagandahan," wika ni ate na ikinalingon dito ni daddy. "Ang ibig niya pong sabihin pinaghahandaan ko po ang pag sisimba." Mabilis kong agaw ng pansin nila. "Tss.." Narinig kong ismid ni ate bagay na inirapan ko nalang. Hindi ko nakalimutang dalhin ang isang Tupper ware ng graham na ginagawa ko para kay Lola Yolly, habang daan patungong simbahan ay di mawaglit ang kaba sa puso ko, dahil sa makikita kong muli si Matteo. Isa-isa na kaming pumasok sa simbahan na agad tumuon ang pansin sa unahan kung saan nandoon ang mga sacristan. Agad na hinanap ng mata ko si Matteo. Lumuwang ang ngiti ko dahil natanawan ko siya na nakaupo katabi ng ilang sacristan habang hinihintay lumabas si Father Tomas. Pumwesto na kami sa dati naming upuan sa unahan, kung saan abot tanaw ko siya mula dito. Maya pa ay lumabas na ang pari at nag-umpisa ng tumugtog ang piano para kumanta ang choir. "Bayan umawit ng papuri, sapagkat ngayon ika'y pinili.." "Iisang bayan, iisang lipi, Iisang Dyos, Iisang hari" Bayan umawit ng Papuri.." As usual boses ko nanaman ang na ngingibabaw sa lahat habang malawak ang ngiting sumulyap sa kumakanta ring si Teo na nasa gilid lang. "Manalangin tayo." Buo ang boses na salita ng pari. "Luwalhati sa Diyos at sa kaitaasan, sa lupa'y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya. Pinupuri ka namin, dinarangal ka namin, sinasamba ka namin, Ipinag bubunyi ka namin. Panginoong Diyos na hari ng langit, Diyos amang makapangyarihan sa lahat." Habang sinusundan ang panalangin ng pari ay 'di ko maalis ang titig kay Mateo, malas lang dahil hindi man lang niya ako masulyapan kahit konti. "Sa pagkat ikaw lamang ang banal, ikaw lamang o Jesukristo, ang kataas-taasan, kasama ng Espirito Santo sa kadakilaan ng Diyos Ama.. Amen." "Amen," Bigkas ko sa malakas na boses. Ramdam ko ang siko ni ate Nikka sa akin na hindi ko nalang pinansin. "Magsi-upo po ang lahat," wika ng babae na nasa unahan. Habang nagmi-misa ay pilit kong hinuhuli ang tingin niya sa!akin pero bakit ang ilap niya? Bagay na ikina sasama ng loob ko. Nagdasal ako na sana ay magbago pa ang isip niya, na wag nang ituloy ang pag-pa-pari. Masama man sa mata ng Diyos ay wala na akong magagawa, madami naman diyang iba na handang maglingkod sa kanya, pero sana 'wag nalang si Matteo. Pumikit pa ako ng mariin habang kinaka-usap ang Diyos ng mataimtim. Hanggang sa dumating ang oras nang komunyon agad na kaming tumayo ni ate para pumila. Napangiti ako ng maluwang dahil siya ang nasa tabi ni Father Tomas na hawak ang lalagyan Ostia. Habang palapit ay labis ang aking pananabik. My heart thumping so hard and my lips were trembling. Hanggang sa tumapak ako sa harapan nila Father Thomas. "Katawan ni Kristo." Mahinang sabi ni Father Tomas sa akin na hindi ko agad nasagot dahil katuon ang pansin ko kay Matteo na nag-iigting ang panga habang nakasalubong ang kilay sa akin. Sumulyap ako kay Father na hinihintay na tanggapin ko ang kumonyon. Inulit pa nito ang kaniyang sinabi. "Katawan ni Kristo." "A-Amen." My lips said. Namumula ang mukha na tinangap ko ang Ostia habang nakatingin kay Matteo. Ngumiti pa ako dito bago ako mag sign of the cross at talikuran siya. Hindi pa ako nakaka-upo nang hilahin ako ni ate para lumuhod. "Mahiya ka nga Audrey, hindi ito ang tamang lugar para magpapansin ka kay Teo." Mariin niyang bulong sa akin habang nakaluhod at nakayuko. "Bakit ba? Nag kumonyon lang naman ako." Bulong ko. Narinig ko pa itong nag buntong hininga bago muling naupo. Naiwan akong nakaluhod at umusal ng pagpapatawad sa nagawa kanina. Natapos ang misa ay hindi na muli pa akong pinansin ni Ate Nikka bagay na pinagkibit balikat ko nalang. "Lola Yolly!" Tawag ko sa matanda habang kausap ang ilang taga bario. "Señorita, Audrey kamusta kayo?" Magalang nitong bati sa akin. "La, Audrey nalang po." Nahihiya kong sambit. "Naku, dalagang dalaga na pala ang bunso ni Eduardo, napaka gandang bata!" Bulalas ng aleng kausap nito kanina. "Oo, nga aba'y kung hindi lang mag papari ang apo kong si Mateo, baka pinaligawan ko na dine kay Audrey." Tila kuminang pa ang mga mata nito noong sabihin iyon. "Sacristan palang naman si Matteo, malay mo pag nag kolehiyo iyan mag bago pa ang isip." Singit pa muli nito na tinangoan ko naman. "Lola.." Sabay-sabay kaming lumingon sa may-ari ng tinig na iyon. Si Matteo na halatang madilim ang mukhang tumingin sa akin matapos ay ngumiti kay Lola Yolly. "Matteo, apo nariyan kana pala, halika na't umuwe." Aya dito ni lola. "Sige po." Nilampasan ako nito at inakay na ang kanyang lola. "Paano mauna na kami sa inyo." Paalam sa amin ni lola. Bumaba ang tingin ko sa paper bag na may lamang graham na ginawa ko para sa kanya. Labis ang panghihinayang ko na hindi ko ito nabigay kay Lola Yolly kanina. "Audrey, halika kana hija!" Tawag sa akin ni mommy na agad ko namang sinunod, habang daan pauwi ay wala akong kibo. Maging si ate ay parang galit sa ginawa ko sa simbahan. Muli ay bumaba ang tingin ko sa paper na nasa aking paanan. Sinulyapan ko ang bintana at natanawan ko sila na kababa lang ng trycicle. "Ah, Daddy pwede po bang pakihinto?" Agad kong sinabi. "Bakit hija may bibilin kaba?" tanong nito na sumulyap sa!akin sa rearview mirror. "I-aabot ko lang po itong ginawa kong graham para kay Lola Yolly." Lakas loob kong sabi na sumulyap pa kay ate Nikka na umiling ng bahagya. "Sige, hihintayin ka namin," sabi pa ni Daddy. "Ah, Dad magpapahatid nalang po ako kay Matteo." Mabilis kong sinabi. "Hindi ba nakakahiya hija?" tanong ni mommy, paano ay Linggo ngayon at wala itong pasok sa rancho. "Hayaan n'yo nalang,kesa mangulit pa dito." Singit ni Ate Nikka na tumaas ang kilay sa akin. "Ikaw ang bahala, basta magpapahatid ka kay Matteo." Bilin ni daddy sa huli. Lumuwang ang ngiti ko sa sinabing iyon ni daddy, matapos ay inihinto na nito para huminto sandali. "See you later." Pahabol kong paalam sa kanila na isinara na ng tuluyan ang pinto ng kotse. Nakangiti kong tinanaw ang sasakyan namin palayo sa lugar, matapos ay sumulyap sa gawi kung saan patungo ang bahay nila Matteo. Inumpisahan ko nang maglakad sa gilid ng kalsada habang tirik ang araw, tagaktak ang pawis ko habang binabay-bay ang mga iskinitang madadaanan patungong sa looban. "Diba iyan yung bunsong anak ng mga Silvia? bakit narito iyan?" Narinig kong bulong ng mga ito nang madaanan ko. "Baka kila Yolly ang punta." Narinig ko pang sinabi. Diniretso ko pa ang daan at ilang sandali pa ay natanaw ko na ang bukirin kung saan naroon ang Nag-iisang kubo na sakop ng aming lupain. Ngumiti ako nang matanawan ko siyang nakahubad habang nakatalikod sa akin. Inilang hakbang ko pa daan at sa huli ay nasa kanila na akong bakuran. "Matteo." Mahina kong tawag sa kanya. Agad itong lumingon sa akin na bakas ang pagkagulat nang makita ako. Nahihiyang yumuko at napahigpit ang hawak ko sa paper bag bago ko siya muling tingnan. Ang nakakunot niyang noo ang natanawan ko habang nakatingin sa akin. "Anong ginagawa mo dito?" tanong pa niya na humila ng isang sando sa sampayan na agad isinuot, nadepina ko ang labi sakanyang ginawa. Sana ay hindi nalang siya nagdamit, usal ko sa sarili. "Anong ginagawa mo dito?" Ulit pa niya sa kanyang tanong. "Ah, may ginawa kasi akong graham para kay Lolo Yolly, nakalimutan kong ibigay kanina sa simbahan kaya.. Idinaan ko nalang ngayon." Pigil ko ang paghinga sa kaniyang sasabihin. "Pasok ka, tatawagin ko lang si Lola." Malamig niyang sinabi na tinalikuran ako agad at pumasok sa loob ng bahay. Atubili naman akong sumunod sa kanya at naupo sa silyang naroon na inilapag ang paper bag sa lamesita. "Audrey, apo!" Tila nagulat pa ito pagkakita sa akin. "Magandang umaga po lola, dinaan ko lang po itong ginawa kong graham para sa inyo." Tumayo ako at sinalubong siya para alalayang maupo sa solong silyang katapat ko. "Ahm, nakalimutan ko ho kasing ibigay kanina sa simbahan." Nahihiya ko pang sabi habang inaabot ang paperbag sa kanya. "Salamat apo, nag abala kapa, halika kainin natin, teka't kukuha ako ng platito." Agad itong tumayo para tungohin ang kusina. Tumikom ang labi ko nang si Matteo naman ang pumasok galing sa likod bahay na ngayon ay pawis na pawis, habang may hawak na itak. "Hindi pwede kay lola ang matamis, diabetic siya." Malamig niyang bigkas at hinila ang bimpo sa kanyang balikat na pinunas sa kaniyang noo. "Ah ganon ba, sorry hindi ko alam." Yumuko ako at humigpit ang kamay sa aking kandungan dala ng matinding hiya. "Teo,  halika kumain ka ng dala ni Audrey," si Lola Yolly na may dalang platito. "Busog pa ho ako lola," anito na tumalikod na sa amin. Dahil doon ay mas lalong napahigpit ang pagsalikop ko sa aking mga kamay. Kung ganoon ay walang kakain ng gawa kong graham dahil bawal pala kay Lola Yolly. "Pagpasensyahan mo na ang apo kong iyon, talagang suplado iyon," sabi  nalang nito na pinaglagay ako sa platito. "Dalhin mo sa kanya iyan, hindi pa nag aalmusal iyon dahil maaga siya sa simbahan kanina." Nag-angat ako ng tingin kay lola na tangkang babalik sa kusina. "Lola baka po hindi niya tanggapin." Nahihiya kong sinabi. "Naku, tatangapin iyan, sabihin mong ako ang nagpapabigay." Pagdaka'y tinalikuran na ako nito. Ilang minuto pa akong nakaupo lang doon, dahil hindi ko alam ang gagawin. Kung ibibigay ko ba ito sakanya, oh kakainin nalang. Pero sa huli ay pinili kong tumayo at mag-ipon ng hangin sa dibdib para ihakbang ang mga paa palabas sa likod bahay nila. Gusto kong umatras nang makita siyang nakatalikod sa akin habang nagsisibak ng kahoy. Hinubad nitong muli ang kaniyang damit habang sige sa pagtulo ang pawis niya sa likod. Napalunok pa ako bago ako tumikhim na siya niyang ikinalingon sa akin. "Ah.. pinabibigay ni lola, hindi kapa daw kasi nag-aalmusal." mahina kong bigkas. Napa-atras pa ang paa ko dahil sa pagharap niya sa akin. Binaba nito ang itak matapos ay nagpunas ng pawis sa aking harapan at muli sinuot ang kaniyang sando. Sumulyap ito sa akin na mabilis ko naman iniwasan. "Alam mo ba ang ginagawa mo?" Panimula niyang sabi bago ihakbang ang paa palapit sa akin. "A..anong ibig mong sabihin?" "Hindi ka naman pupunta dito ng walang dahilan, at pati sa simbahan, hindi mo naman gagawin iyon ng wala lang." Malamig pa rin ang tinig niya pero bakit ang init ng hatid nito sa akin? "Hindi ko alam ang sinasabi mo." Nagbaba ako ng tingin sa platitong hawak ko. "Alam mo iyon, Rose." mahina niyang bigkas. Tumaas ang tingin ko dito na puno ng pagtatanong. "Umpisa palang sinasabi ko na saiyong wala kang mapapala sa akin, kaya habang maaga pa itigil mo na." Ramdam ko na gumuhit sa puso ko nang ilang ulit ang kanyang sinabi. Ramdam ko ang sakit sa lantaran niyang pagtanggi sa akin. Hindi ko nakuhang sumagot dahil pakiramdam ko ay nanginginig na ang mga tuhod ko dahil sa matinding kaba. "Umuwi ka na," aniya bago ako talikuran. Pero tila ayaw gumalaw ng mga paa ko sa sobrang hiya kaya nanatili lamang akong nakatayo habang madiing hawak ang platito. Napasinghap ako ng lingonin niya ako, saka kinamot nito ang kilay gamit ang kanyang hinlalaki. "Okay." Narinig kong sinabi niya saka inilang hakbang ang pagitan namin na lubha kong ikinabigla. Mabilis niyang kinuha ang kutsara at pumiraso ng graham bago iyon sinubo. Napalunok ako sa klase ng pag nguya niya, habang titig na titig sa mga mata ko. Kumuha pa ito ng isa pa na agad sinubo. Ang huli ay tangka niyang isusubo sa akin na lubha kong ikinakaba. "Try it, masarap." Ngumiti pa ito ng bahagya habang nakatitig sa mga mata ko, nilapit pa nito ang kutsara sa akin kaya wala akong ginawa kundi isubo iyon. "Masarap nga," wika ko habang ngumunguya. Sandali niya pa akong pinanood habang ngumunguya. Nagtira ang mata niya sa labi ko pero bigla napawi ang ngiti nito sa labi at umayos ng tayo. "Makakauwi ka na." Bigla itong lumayo sa akin at umiwas ng tingin. Bumagsak na nang tuluyan ang balikat ko sa kaniyang sinabi at yumuko. "May trycicle d'yan paglabas mo ng Iskinita. Kilala ka naman nila kaya walang mang a-ano saiyo dito," wika niya pa na tumalikod na sa akin bago pinulot muli ang Itak saka itinuloy ang pagsisibak ng kahoy. Dala ng matinding pagka pahiya sa ginawa niya ay agad akong lumabas ng bahay na walang paalam. Hindi ko rin napigilang pamulaanan ng mata dahil sa nagbabadya kong pag-iyak. Wala na akong pakialam kahit pagtinginan man ako ng mga tao na nakatambay sa daraanan ko. Nang makalabas ako ng iskinita ay ganon nalang ako kinabahan dahil sa mga tingin ng mga tao sa akin. Hawak ko ang dibdib na nilingon ang mga lalaking umiinom sa may mini store na nasa kanto, maging ang mga trycicle driver ay ganoon nalang suriin ang kabuoan ko. Kaya imbes na magtanong ako sa kanila ay pinasya ko nalang na maglakad, tutal maliwanag naman at isa pa wala akong dalang pamasahe pasakay ng trycicle kaya pinili kong tumawid ng kalsada. "Miss sasakay kaba?" tanong ng isang lalaking tadtad ng tatoo sa mga braso na siya kong ikina-iling ng sunod-sunod. "Hahatid ka na namin, diba taga Villa Silvia ka?" Tanong pa ng isang lalaking bungi ang ngipin. "Hindi po salamat nalang po." Mabilis na akong naglakad palayo sa kanila, dala ng takot ay mabilis kong nilakad ang mga paa ko paalis sa lugar. Nakaka ilang hakbang na ako, pero pakiramdam ko ay malayo pa ang amin. Akala ko ay ganoon lang kalapit iyon pagtitingnan mo mula sa itaas ng aking silid pero hindi pala dahil malayo pa pala ang iikutan bago pa marating ang gate nang aming rancho. Napabuntong hininga ako, sana pala ay sa bukirin nalang ako dumaan para kahit paano ay alam kong safe ako. Lumingon ako sa paligid pulos kotse at mga naglalakihang sasakyan ang makikita ko sa daan. Hindi ko maiwasang bumangon ang galit para kay Matteo, hindi tamang gawin niya ito sabakin. Nasa ganoon akong pag-iisip ng may humintong trycicle sa harapan ko, at ganoon nalang ako natigilan dahil lulan nito si Matteo na agad bumaba habang salubong ang mga kilay sa akin. "What are you doing?" Mataas agad ang boses niya sa akin. Naglalakad pauwi." Humalukipkip ako matapos ko iyon sabihin. "I mean, bakit ka naglalakad? Diba sinabi ko saiyong may trycicle sa kanto? Kilala ka naman nila bakit mas pinili mong maglakad?!" Halata sa boses nito ang iritasyon sa sinasabi. "Kasi ano.." Natigilan ako nang sulyapan ko ang mamang nag da-drive ng trycicle. Siya iyong nag-alok sa akin kanina para sumakay. "Kasi ano? Akala mo pagsasamantalahan ka nila? Hinusgahan mo agad sila?"bmadiin niya iyong sinabi sa akin na parang nakatitiyak siya sa kanyang pantaha. "Wala naman akong dalang pamasahe, ang alam nila mommy ay ihahatid mo ako pauwi." Nakayuko kong sabi, Doon na nag-ulap ang mga mata ko, hindi ko na naiwasan pang maging emosyonal sa harap niya. Sandali pa itong natigilan, bago marinig ang marahas niya buntong hininga. "Sumakay ka na." Mahinahon na ang kaniyang boses nang muling magsalita. Mabilis naman akong pumasok sa loob habang sapo ang dalawang pisngi, hindi ko lang talaga maiwasan umiyak dahil sa sakit na nararamdaman. Agad itong tumabi sa akin dahilan para umayos ako ng upo. "Mang Bert tara na po," sabi nito sa driver. Habang daan ay hindi ko maiwasang mapasinghot dahil sa nagdaang pag-iyak. "Ayosin mo ang sarili mo, baka isipin ni Don Eduardo na may ginawa ako saiyo," he said lowly. Totoo namang may ginawa siya, ginawa niyang saktan ako. Ukil ko sa sarili habang nagpupunas ng natirang luha. Hanggang sa huminto ang sasakyan sa tapat ng malaking gate na agad namang bumukas para papasukin kami. "Mang Bert dito nalang po kami." Inabutan nito ng singkwenta pesos ang driver. "Salamat Teo," sabi pa ng driver. Bigla akong nakaramdam ng pangliliit dahil sa panghuhusga ko sa kanya kanina, akala ko ay hindi ito gagawa ng mabuti dahil sa itsura. Bumaba na kami at nilakad ang daan papasok sa loob ng mansyon. Nagtataka man ay kung bakit pinili niya ang maglakad samantalang malayo-layo pa ang mansyon mula dito ay hindi na ako nagtanong pa dahil pabor sa akin na matagal pakaming magsasama. "Ayosin mo ang sarili mo, ayokong makita ng daddy mo na ganyan ang itsura mo pag-uwi mo," Utos niya. Agad ko namang inayos ang buhok ko, matapos ay tahimik lang na naglakad sa tabi nito. "Huwag kanang pupunta sa amin nang mag-isa ka lang, paano kung wala ako doon sino nalang ang titingin saiyo? Hindi ka naman mahahatid ni lola." Narinig ko pa ang buntong hininga niya sa aking tabi. "I'm sorry." I whispered. Ramdam kong yumuko ito para ako sulyapan, "Bakit ka nag so-sorry? Wala ka namang masamang ginawa. "Hayaan mo hindi na ako pupunta pa sa inyo," Diretso kong sagot. Huminto siya sa paglalakad matapos ay ginagap ang aking palapulsohan. Kinakabahang nilingon ko siya dahilan ng pagsalubong ng mga mata namin. "Hindi ko naman sinabing 'wag ka nang pumunta," he said lowly and look straight to my eyes. "Baka sa akin naman magalit si lola kapag nalaman niyang pinagbawalan kitang bumisita sa amin." Dugtong pa niya. Marahan lamang akong tumango. Akala ko wala na siyang sasabihin kaya hinakbang ko na ang mga paa ko, pero pinigilan niyang muli ang aking palapulsohan. "Rose.." Tumigil ako at dahan-dahang bumaba ang tingin sa kamay niya sa akin. Umangat ang tingin ko dito na siyang bakas ang pagtatanong sa mga mata. "May gusto kaba sa akin?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD