Linggo. Two weeks at isang araw na nananatili si Salem sa Bicol. Ang bilis ng panahon at sa susunod na buwan sa huling linggo nito ay uuwi na siya sa Maynila. Sulit na sulit ang pananatili niya rito sa probinsya lalo na at marami s’yang bagong nalalaman at nararanasan. Gumising talaga siya ng maaga dahil ngayon sila aalis para magsimba at pumunta sa Quituinan. Ano kaya ang susuotin niya? Magde-dress na lang kaya siya. Kinuha niya mula sa cabinet ang isang fitted sleeveless dress at isang cardigan bago pumasok sa banyo at maligo. “Ang lamig!” sigaw niya. Bakit hindi siya nag-heater at agad-agad bumuhos? Ganito ba siya ka-excited at hindi man lang inalam kung ano ang temperatura ng tubig? Dali dali s’yang lumabas at nagbihis. Maya maya ay may kumatok sa pinto niyabhabang naglalagay siya