Chapter 43 -ikakasal-

3103 Words

Raymond's POV "Apo, ito si Jessica Mondragon, ang apo ng kaibigan namin ng Lola Frannea mo. Siya ang babaeng sinasabi namin sa iyo na pakakasalan mo this month. Sila naman ang lolo at lola ni Jessica, sana ay magkasundo kayong dalawa dahil nakatakda na ngayong buwan ang inyong kasal." ani ni lolo. Nandito na kami ngayon sa Milan, walong buwan na rin naman ang nakaraan mula ng umalis kami ng Pilipinas. Hindi na talaga ako bumalik pa ng Pilipinas dahil ayoko ng maalala pa ang lahat ng sakit na dinanas ko, ayoko ng maalala pa ang mga nakaraan ko. Hindi ko na rin inalam pa kung ikinasal na nga ba si Ariana at si Jayson, ang naaalala ko lang ay sinabi ni Isaac nuon na buntis si Ariana at sigurado ako na nakapanganak na siya sa mga oras na ito, maybe, hindi ko alam at wala akong balak na alamin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD