Raymond's POV Ngayon ang araw ng kasal namin ni Jessica, ilang oras na lamang ay kinakailangan na naming magtungo ng simbahan. "Bro sigurado ka na ba? Ako nakahanda na lahat, pagkatapos ng lahat ng ito ay alam na nila ang gagawin nila." ani ni Zitri. Huminga ako ng malalim at tumitig ako sa kanya. "Gulo ito kapag nalaman ng lahat. Paano ninyo maipapaliwanag 'yon? Ang mga kaibigan mo wala kang balak sabihin sa kanila?" ani pa ni Zitri. "Alam ko ang ginagawa ko, huwag kang mag-alala wala kang magiging problema." wika ko naman. Maayos kaming nakapag usap ni Zitri, nagpaalam na rin siya upang mauna na dahil susunduin pa niya si Shane at sabay silang pupunta sa simbahan. Hindi maalis ang ngiti sa aking labi ng marinig ko ang panunukso sa akin ni Isaac habang papalapit naman ito sa akin