CHAPTER 27
GIOVANNI POV
Kinabukasan nagkikita silang magkakaibigan sa kanilang kompanya. Pinatawag niya ito sa mahalaga niyang sasabihin.
"Anong agenda ng meeting na ito?", tanong ni Carmelo
"Oo nga, anong merun ?", segunda ni Hans
Narito sila sa conference room ng Grutch
"Bakit ayaw niyo na lang pakinggan ang sasabihin ni Giovanni sa atin, kesa naman poro kayo tanong ", pahayag ni Taemon
"Basta kami safe lang dito ni Radli ", singit ni Uilliam sa usapan
"Pinatatawag ko kayong lahat dahil sa may mahalaga akong sasabihin sa inyong lahat ", pauna niyang sabi
"Sabihin mo na ang gusto mo'ng sabihin", sabi ni Hans sa kanya na ikinahinto niya sa pagsasalita
"Okay...gusto ko nang magbitaw bilang president ng kompanya", pagtatapos niya
"Sa anong dahilan?", tanong ni Uilliam
"Masyadong komplikado ang pamilya ko, naharap ang pamilya ko sa gulo..hindi lang basta gulo. ", pahayag niya
"Hindi naman dahilan yan para umalis ka sa iyong posisyon", si Carmelo
"Oo nga magkakaibigan tayo dito, mauunawaan ka namin dude!", pahayag naman ni Radli
"Ngayon ka pa ba namin iwanan ", si Taemon
"Laban mo laban natin lahat," si Hans
"Iniisip mo siguro mga lampa kami, kaya rin namin makipag bogbogan kung kinakailangan", si Radli na tumayo pa upang lapitan ako sa aking kinauupuan.
"Hindi lang basta bogbogan ang ibig kong sabihin dito ", pahayag niya sa mga kaibigan
"Ipaliwanag mo nang sa ganun mauunawaan namin", si Uilliam
Huminga siya nang malalim bago nagsasalita.." Isang capo ang Papa ng isang Mafia .Pero bago siya naging Capo ay isa muna siyang assassin. Napunta siya ng Pilipinas at nakilala ang aking Mama dahil sa isang mission niya. Pumapatay ang Papa , kung sino ang gustong ipapa assault ng Boss ng gropo kailangan sundin ng assassin. Minsan dahil sa utos ng elders napatay ng Papa ang isa sa boss ng isang Mafia rin na galing sa Sicily, isang Silican Mafia at noong panahon na iyon ay buntis ang mama sa anak nila ng Papa, pinili ng Papa ang umalis sa gropo pero hindi ganun kadali ang mag quits sa isang malaking organisation. Matagal nawala ang Papa dahil pinahirapan siya ng husto ng mga bosses sa kanilang organisation. Kabuwanan nang Mama nasa hospital siya nang dumating ang mga nakalaban ng Papa at kinuha nila ang kambal na sanggol na isinilang ng Mama,
Ilang linggo ang lumipas dumating ang Papa at nalaman niya ang nangyari sa mga sanggol kaya umalis siya ng hospital at hina hunting ang mga kumuha ng mga sanggol...
"Ibig sabihin may kapatid ka pa ,dude?", nahinto siya sa pagkukuwento dahil sa tanong ni Radli na ikinalingon niya dito
"Merun akong mga kuya ,dahil ang sabi ng Mama kambal sila na poro lalaki at iyon nga natonton ng mga tauhan ng Papa ang kinaroroonan ng mga kumuha sa mga kuya ko, at nagkaroon ng matinding habulan at nang bumangga ang sinasakyan ng mga kuya ko sa isang poste sanhi ng pagsabog ng sasakyan. May tatlong sunog na sunog na bangkay ang natagpuan sa loob ng kotse. At ang akala nila Mama at Papa sa mga kuya ko ang natagpuan na mga sunog na bangkay na iyon pero nitong huli ibinalita ng isang informant ng Papa na nasa gropo nang Mafia na yon ay buhay raw ang mga kuya ko. Kaya gusto namin na mabawi sila na ginagamit sila sa organisation.", mahabang paliwanag niya
"Kaisa mo kami sa pagbawi sa kanila", pahayag ni Hans
"Tama dude hindi ka namin iiwanan, mukhang magagamit ko na ang itinuro sa akin ng aking Daddy kung paano humawak ng katana", pagbibigay assurance naman ni Taemon at ibinida pa ang katana
"Kailangan kong magsanay ulit sa shooting range ah", si Uilliam naman
"Mga dude hindi ito isang biro, totohanan ito", pahayag niya sa mga kaibigan
"At sino bang bagbibiro rito," si Radli
"Kaya nga, magtiwala ka sa amin sa pagkakataong ito Gio, Si Carmelo
"Makakatulong ako sa iyo , kakausapin ko ang Tito kong General sa Philippines Airforce", pahayag ni Hans
"Wag na dude hindi trabaho ng Airforce ang ganitong sitwasyon, kailangan ko ay ang NBI at PDEA dahil sa linggong ito may dadating na shipment galing Italy at mga illegal na kontrabando 'yun. Mamaya makipag usap ako sa kakilala kong puwede makatulong sa problema namin. Bukas na rin ang dating ng Papa ", mahabang pahayag niya
"Radli, di ba ang kapatid ng Papa mo director ng PDEA ngayon. ", pahayag ni Hans
"Oo nga 'no, ano Gio kakausapin ba natin ang Tito ko mamaya?", tanong ni Radli
"Hindi sa wala akong tiwala dude ha, pero ayoko lang pumalpak ang gagawing intrapment", pahayag niya dito
"Ayos lang Gio, pero ang Tito ko straight 'yon , hindi maging director ng Pdea kung baluktot sa batas ang isang 'yon. Appointed ng president natin ang Tito ko ", paliwanag ni Radli sa kanya
"Sige kakausapin natin mamaya at sasamahan mo ako.", pahayag niya dito
"Tatawagan ko muna, para sure na makausap natin, busy kasi 'yun.", na ikinasang-ayon niya
"Ano bang plano, Martes na ngayon..sa linggo na ang dating ng shipment", si Carmelo
"Nagpadala na ako ng tauhan sa location upang magmanman at kumalap ng impormasyon sa eksaktong oras ng dating ng barko na magdadala ng shipment", paliwanag niya
Natigil sila sa pag-uusap ng may kumatok sa labas ng pintuan ng conference room.
Binuksan ni Carmelo.
"Mga Sir, ipapasok ko lang po ang mga meryenda niyo ", pahayag ng kanyang PA
"Levi no problem ", pahayag niya sa kanyang personal assistant na hindi lang pala ito nag-iisa may kasama pa.
"Excuse me po ,ito na po ang meryenda niyo ", pahayag ng kasama ni Levi
"Anong pangalan mo Miss?", tanong ni Hans dito
"Arriella po Sir", sagot nito na nakayoko ang ulo nito na tinatakpan ang mukha.
"Si Arriella po mga Sir, bagong hired po sa Marketing department. Assistant po ni Mrs Lagdameo", pahayag ni Levi
"Welcome to the Grutch Financing Corporation Miss Arriella!", pahayag naman ni Uilliam na akmang tatayo sa kinauupuan at lalapit kay Arriella nang biglang tumayo si Radli at inunahan si Uilliam sa paglapit kay Arriella. At hinawakan ang kamay ng dalaga at hinila ito palabas ng conference.
"Nasasaktan ako, ano ba ang ginagawa mo?", narinig pa niyang reklamo ng dalaga kay Radli, naguguluhan naman ang lahat na mga naiwan.
"Anong nangyari doon?", tanong na naguguluhang si Taemon
"Clueless tayong lahat sa drama ni Radli, na may pahila pa na ganap ", saad ni Hans
"Huwag niyo nang intindihin si Radli, magkuwento rin 'yon", pahayag niya sa mga kaibigan.
Nagpatuloy sila sa pagkain ng kanilang meryenda.
"Mauna na ako sa inyo mga dude , " paalam niya sa mga kaibigan makita niya kasi malapit na ang tanghalian at labasan na ng nobya sa University.
"Ingat ka dude ", si Taemon
"Salamat!", pahayag niya at tumayo na siya at naglalakad palabas ng pinto ng conference room. Dumeretso siya sa private elevator nila at pinindot ang B na ibig sabihin ay basement.
Pagdating niya sa basement, lumapit kaagad siya sa kanyang Maybach, pupunta siyang UP sa university kung saan nag-aaral ang nobya.