CHAPTER 26
GIOVANNI POV
Pagkatapos niyang maihatid si Amaya sa bahay nito napansin niya ang pulang starex van na nakaparking sa gilid ng bahay ng girlfriend niya at may lumabas ng apat na lalaki na nakaitim ang suot at nakabonnet pa na kahina hinala ang mga kilos nito ang isang lalaki pasemple naglakad sa gilid ng pader at biglang may hinagis na lubid sa ibabaw ng pader at lumambitin dito sa iglap nasa itaas na ito at tumalon sa kabilang bahagi ng pader. Dahan niyang binuksan ang kanyang pinto at bumaba bitbit ang tubo na nasa sasakyan niya palagi.
Dahan dahan siyang lumapit sa likod ng van at sumilip sa kabilang gilid, nakakatulong ang dilim ng gabi upang hindi siya mapansin ng tatlo pang naiwan. Naguguluhan siya kung anong pakay ng mga sa bahay ng nobya.
"Matutuwa sigurado si Boss nito kung makuha natin ang babae ngayong gabi ", narinig niyang sabi
"Basta ang bunos lang ang gusto ko", pahayag ng isa
"Ganun rin ako," sagot ng isa pa
"Poro pera ang nasa utak niyo, antayin niyo si Mikoy dito at iihi lang ako ", pahayag ng isa pang lalaki
"Pala ihi ka talaga, Max.. bilisan mo! umihi", utos ng isa kaya ito ang pagkakataon niya sinundan niya ang lalaki na pumunta sa isang bakanting lote. Dahan dahan siyang lumapit at hinataw ang tubo sa batok nito na ikabagsak nito sa lupa na wala nang malay. At mabilis siyang bumalik sa kinang van at hinanap nasaan na ang dalawa nang makita niya ay tahimik siyang lumapit na hindi akalain ng mga ito na naroon siya. Pero nakita siya ng isa kaya mabilis niya itong sinugod ng palo ng tubo na ikinailag nito at naalarma na rin ang isang kasama nito. sinugod niya ito at tinamaan niya sa tagiliran dahilan ikinatumba nito saka niya tinalunan na ikinaigik sa sakit habang ang isa bumunot ng kutsilyo at sumugod ito sa akin na ala jet lee inilagan niya gamit ang tubo na ginawa niyang panangga laban sa panaksak nito nang makabawi siya tinilapid niya ito at muntik ng ikinatumba na nito sa lupa.
"Ikaw pala si Giovanni, ang swerte ko naman kung ako ang makatapos ng buhay mo.", pahayag nito sa kanya
"Kung kaya mo, wag kang maraming dada, daanin mo sa gawa ulol!", pahayag niya
Siya naman ang sumugod dito gamit ang tubo na iwinasiwas niya dito at ilag naman ito ng ilag. umikot siya sabay upo na hindi nito inakala sa kanyang ginawa at hinataw ang paa nito na ikinabagsak nito at nabitawan ang hawak na panaksak na hawak. Hinataw niya ulit ito sa katawan ng ilang beses saka ito nawalan ng malay.
Pagkatapos mapatumba ang tatlong lalaki tinawagan niya ang kanyang butter na si Thaddeus para linisin ang kanyang kalat saka siya bumalik ng sariling sasakyan upang umuwi na sa kanyang pad.
Nasa sasakyan siya nang tumawag ang kanyang Papa sinagot niya ito gamit ang kanyang bluetooth earphone
"Papa, napatawag po kayo ", bungad niya
"Uuwi ako riyan sa Pinas sa lalong panahon ", pahayag nito sa kanya
"May problema po ba Papa?", tanong niya na naguguluhan siya kung bakit at ang akala niya sa Bagong taon pa ang uwi kasama ang Mama niya.
"Anak tumawag ang ating informant nasa Sicily na buhay raw ang mga kuya mo na kinuha ng mga Girutteo at nariyan raw sa Pilipinas. Kaya uuwi ako riyan at ang sabi ng informant nati may dadating na shipment nitong linggo na ito sa pier ng Batangas at ang kuya mo ang sasalubong diyan.", mahabang paliwanag nito sa kanya na ikinaigting ng kanyang mga panga niya sa narinig
"Ibig sabihin Papa ang gustong magpapatay sa akin dito ang kapatid ko?",tanong niya sa Ama
"Patawarin mo ang kuya mo anak, wala siyang alam sa nangyari dahil baby pa sila nang kinuha nila ito sa akin sa amin ng Mama mo ", pagtatanggol nito sa kapatid na ikina buntong hininga niya
"Wag po kayong mag-alala Papa , makipag coordinate ako dito sa mga taga NBI may kakilala rin akong maasahan na nasa PDEA.", pahayag niya sa Ama na narinig niya ang malalim nitong pagbuntong hininga
"Kaya tinawagan kita, Ale upang tulungan mo ako na mabawi natin ang mga kuya mo na nawalay sa atin ng matagal na panahon.", paliwanag ng Ama
"Alam na ba ito nang Mama?", tanong niya
"Wala pa siyang alam dahil kilala mo ang Mama mo, Ale ", pahayag nito sa kanya
" Mabuti nga po na walang alam ang Mama Papa.", pahayag niya dito
"Sa makalawa nariyan na ako.. at ang usapan natin ikaw na bahala sa mga kinauukulan jan sa Pinas ", pahayag ng Ama
"Makaasa ka Papa na mababawi natin ang kuya.", pagbibigay niya ng assurance sa Papa. Alam niyang sabik itong makita ang mga kapatid niya kahit siya man, masaya ang may kapatid lalo pa at kuya niya ang mga ito. Excited na siyang makita ang mga kuya.
Pagkatapos nila mag-usap at inalis niya na ang earphone at inilapag sa sa kanyang mini box na nasa loob ng kanyang kotse.
Nakarating na siya sa harapan ng building kung saan ang kanyang kanyang condo pad.
Naisip niya na kailangan ng surveillance ang lugar to entrap the shipment at naisagawa ng maayos intrapment operation upang mabawi ang kanyang kuya at the same time makuha ng otoridad ang kargaminto upang hindi madistribute ang laman ng cargo na malamang mga kontrabando ito at illegal.
Kailangan niya ng tulong ng lima nilang tauhan upang magmanman sa lugar na pagbagsakan ng shipment. Kailangan niyang makausap si Thaddeus at ito lang ang puwede niyang malapitan at mahingan niya ng tulong. Matagal na nilang butler ang Papa nito noong nagretired na ang Ama nito si Thaddeus ang ipinalit sa naiwang puwesto .Isang Morrocan ang ama ni Thaddeus na nakapag-asawa ng taga Albania na nagtratrabaho din sa pamilya ng Ama niya.
Pagkatapos nilang mag-usap ng Papa tinawagan niya si Thaddeus, Naka ilang ring rin ito bago sinagot.
Thaddeus: Buona sera, Signore Alessandro ( good evening Sir Alessandro
Me: C'è una spedizione che sta venendo in questa settimana al molo di Batangas, parli con il nostro personale.(May shipment na dadating ngayong linggo sa Batangas pier at gusto ko pamanmanan mo sa mga tauhan natin.)
Thaddeus: Signore Alessandro cosa abbiamo questa spedizione?(Sir Alessandro anong kinalaman natin sa shipment na iyon?)
Me: Abbiamo appena parlato con il Papa e ha detto che questa nave proveniva dalla Sicilia e dal Papa apprese i miei fratelli e sorelle tenuti dalla mafia, e uno di mio fratello ha fatto quello che ha ordinato di governare la spedizione. Papà vorrebbe recuperare il fratello maggiore tenuto dalla mafia per molto tempo. (Katatapos lang naming mag-usap ng Papa at ang sabi niya na ang shipment na iyon ay galing sa Sicily at nalaman ng Papa ang mga kapatid ko na hawak ng Mafia ay buhay pa at isa sa kuya ko ang inutusan nila ang mamahala sa shipment. Gusto ng Papa na mabawi ang kuya na hawak ng Mafia sa matagal na panahon)
Thaddeus: Capisco che Signore, vado avanti con il nostro personale. (Nauunawaan ko na Signore, sige papuntahan ko ang sinasabi mo na lugar)
Me: Grazie molte, Thaddeus! ( Maraming salamat, Thaddeus)
Thaddeus: Io onorevo che servi Signore Alessandro, ( walang anuman Sir Alessandro, karangalan ko na pagsilbihan ka)
Me: Addios Thaddeus
Thaddeus:Addios Signore
At pinatayan niya na ito ng tawag
Pagpasok niya nang kuwarto nakita niya ang blood stain na nasa kobre kama niya.Tanda na virgin niya itong naangkin.
"Pumasok siya ng banyo at naglinis ng katawan. Pagkatapos inalis ang sapin ng kami at pinalitan ng bago, dadating naman ang kanyang tagalinis kinabukasan kaya ipalaundry niya na ang ang kobre kama pero ang unan hindi niya pinalitan. Inaamoy amoy niya ang unan na ginamit ng nobya niya namimiss niya ito kaagad at gusto niyang mayakap ito ng buong magdamag.
Humiga siya sa kanyang kama at naisipang tawagan ang nobya. Inabot niya ang kanyang cellphone na nasa bedside table. Hinanap ang number saka dinial. Ilang ring ito bago sinagot
"Hello baby, bungad nito sa kanya narinig niya ang malamyos nitong boses
"I miss you already and I love you so much baby ", saad niya dito
"Magkasama lang tayo kanina ah", narinig niyang sabi
"Namimiss kasi kita kaagad dahil mahal na mahal kita," pahayag niya sa nobya na totoo naman ang naramdaman niya
"Mahal din kita Alessandro. Hindi ko ibigay sa iyo kung hindi kita mahal, " pahayag nito sa kanya
"Anong ginagawa mo ngayon, mahal ko ", tanong niya sa minamahal na kasintahan
"Ito nakadapa sa kama kasaup ka ", sabi nito sa kanya gamit ang malamyos nitong boses
"Parang nagseselos na ako sa unan mo baby, Sana ako yang nasa ilalim mo hindi ang unan na 'yan", biro niya sa kasintahan na may kasamang katotohanan
"Ang halay mo baby, sabi nito na narinig pa niya ang mabini nitong pagtawa
Nagrequest siya ng video call, at ilang segundo binuksan naman nito ang sariling camera. Tumambad sa paningin nito ang kabuuan ng nobya na naka indian sit sa ibabaw ng kama. Bagay na bagay dito ang pajama na bulaklakin at nakalugay na buhok
"Sobra kitang namimiss mahal, kung puwede lang na pumasok dito sa cellphone papunta sa iyo kanina ko pa ginawa", seryoso niyang sabi na ini-imagine ang nangyari sa kanila kanina lang dito sa kuwarto niya.
Nakita niyang natigilan ito sa kanyang sinasabi
"May iniisip ka ba mahal ko, kasi ako merun you can share it with me baby", pahayag niya dito na ikina blush ng pisngi nito
"Iniisip ko lang tungkol sa nangyari kanina ", pahayag nito na mas lalo ikina blush ng mukha nito
"We're the same thoughts mahal ", pahayag niya
Marami pa silang napag-uusapan dalawa hanggang nagpaalam na ito dahil may pasok pa ito kinabukasan.