Chapter 30
GIOVANNI POV
Pagkatapos niyang maihatid ang nobya dumeretso nga siya sa bahay ng kaibigan na si Taemon. Ilang oras ang kanyang drive ay narating niya ang subdivision kung saan nakatira ang kaibigan.
Sumaludo pa sa kanya ang mga guwardiya na nakaduty sa oras na iyon.
Iniisip niya ano kaya ang kailangan ng mga ito at inabala pa ang kanyang masarap na pamamahinga na sana ngayon. Nasa pag-iisip siya ng tumunog ang kanyang cellphone at unknown number ang tumatawag. Kahit hindi niya alam kung sino ay sinagot niya pa rin.
"Baby si Amaya ito, " narinig niya sa kabilang linya
"Mahal, nagbago ka ba ng number?", nagtatakang tanong niya sa nobya
"Iyon na nga,nakikitawag lang ako kay ate , naiwan ko ata ang cellphone ko sa hotel na pinanggalingan natin.", paliwanag nito sa
Pagkarinig niya sa paliwanag ng nobya, nagmaniobra siya pabalik sa hotel na kung saan pinuntahan nila kanina
"Subukan kong tawagan ang number mo,mahal.. babalikan kita",pahayag niya sa nobya
"Okay, baby.. pasensya kana at naabala pa kita dahil sa kapabayaan ko" narinig niyang sabi nito sa kabilang linya
"No need to apologize mahal, as your boyfriend, I'm always here for you in every situation and everytime you need my help. I'm willing to be a servant.", madamdamin niyang sabi
"Tatawagan kita kaagad once makarating na ako", aniya
"Okay, aishitemasu watashi no ai", pahayag nito sa kanya na naintidihan niya naman (I love you, mahal ko) in Japanese
"Ti amo anch'io amore mio", pahayag niya sa nobya ( I love you too, mahal ko) in italian
Pinatay niya na ang tawag at tinawagan ang number ng nobya.
Narinig niyang nagriring ito at nakita niya ito sa ilalim bahagi ng upuan sa passenger seat. Kaya itinigil niya ang kanyang kotse sa gilid at tinawagan ang number na gamit nito kanina
Nakailang ring bago sinagot at narinig niya ang malambing na boses ng nobya
"Hello baby ,Nakuha mo na?", bungad sa kanya na ikinangiti niya dahil sa kilig na naramdaman
"Wala sa hotel mahal, andito lang sa kotse ko, siguro nahulog mo ng hindi mo namalayan kanina." saad niya
"Pakitabi na lang baby bukas ko na lang sa iyo kukunin tapos ng klase ko sa umaga ", pahayag nito sa kanya
"Okay, babalikan ko pa ang mga kaibigan ko sa bahay nila Taemon. ", paalam niya sa nobya
"Ingat ka sa pagmamaneho mo." habilin nito sa kanya
"Salamat, mahal ko.. I love you so much"
"I love you more.baby" at pinatay niya na ang tawag
Nagmaneobra siya para balikan ang mga kaibigan. Nang tumunog ulit ang kanyang cellphone,
Sinagot niya ang tumatawag na akala niya ang nobya pa rin. Pero ang papa pala niya. Paalis na raw ito sa Italy at nasa airport na ito ng Amerigo.
Nakarating siya sa bahay ng kaibigan na si Taemon. Pinagbuksan naman siya kaagad ng guwardiya nito. Pagpasok niya sa kabahayan nakita siya ng kasambahay at tinuro sa kanya kung nasaan ang mga kaibigan. Nasa likod bahay daw ang mga ito, nakarating na siya dito dati kaya alam niya kung saan ang sinasabi ng katulong. Pagdating niya sa malawak na garden ay nakikita niya kaagad ang mga ito na nagpraktis pala umasenta, dahil sa nakikita niyang mga bote nakapatong sa ibabaw ng lamesa .
"Gio , Dude sumali kana sa amin dito at turuan mo kami," saad ni Carmelo lumapit naman siya at tinitignan niya ang mga ginagawa ng mga ito.
Mukhang matagal na silang nag-uumpisa . Napapaisip naman siya sa gagawin sa linggo ng madaling araw. Sana hindi pumalpak ang gagawin ng NBI at PDEA intrapment.
"Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah, kasing lalim ng Atlantic Ocean.", nagulat pa siya sa pagsasalita ni Uilliam sa bandang tagiliran niya.
"Iniisip ko lang shipment na dadating na sa linggo ng madaling araw. ", pahayag niya na seryoso siyang nakatingin sa mga kaibigan na nagsasanay sa pagbaril.
"Ano pinoproblema mo?" tanong nito na ikinalingon niya sa gawi nito
" Nangamba lang ako para sa kapatid ko", pahayag niya
"Ikaw ba ang tatanungin tama ba na lumapit ako sa mga NBI?", tanong niya dito, tinignan siya nito sa kanyang mga mata.
"Kung ako nasa kalagayan mo, ganun rin ang maiisip kong paraan." pahayag nito na ikinabuntong hininga niya.
"Paano kong mapahamak siya na ang tinutukoy ay ang kuya niya ", pahayag niya
"Malaking problema nga 'yan", pahayag nito
"May suggestion ako sana magustuhan mo."nilingon niya ito na ang mga mata nakatutok rin pala sa mga kaibigan niyang nagburdagulan na naman.
"Ano naman ang naiisip mo?" tanong niya na hinahaplos pataas ang may kahabaan nitong buhok
"Sasama kami sa lugar kung saan ibabagsak ang shipment pero hindi kami totally lalapit sa area, kasi bawal naman kami for sure .. mag-aabang kami sa bawat perspective route puwede nilang daanan. ", paliwanag nito
"Tapos siyempre kung may tatakas kami na ang bahala. we captivated them by all means", Saad nito
"Sige pero mag-iingat kayo..Hindi kakayanin ng konsensya ko kung may masamang mangyari isa man sa inyong lima", madamdamin niyang pahayag
"Magtiwala ka lang sa aming kakayahan, dude!.. anong silbi ng pera namin kung sa ballistic vest hindi kami makakabili.", paliwanag nito may halong biro.
"Poro ka talaga biro, alam mo na seryosong bagay itong pinag-uusapan natin dito at hindi lang isang action na pelikula o drama sa radyo na kung matamaan ang bida puwede pang buhayin ng director.", pahayag niya dito na ikinapamulsa niya habang nakatutok ang mga mata apat na mga kaibigan na puspusan sa pagsasanay sa pag-asinta sa turo ni Taemon.
"Pinagagaan ko lang ang atmosphere natin, sabi nito
"Anong oras ang dating ni Tito Francesco bukas?", tanong nito na alam niyang iniiba lang nito ang usapan. sinasagot niya pa rin ang tanong nito.
"Bandang hapon ang dating na Papa sa NAIA ", pahayag niya "Si Tita Myla kasama ba pag-uwi?" inakbayan niya ito
"Kapag si Mama ang sasama kay Papa at malaman niya tungkol sa mga kapatid ko, mag hysterical lang 'yon.
Napaka impulsive pa naman ng Mama pagdating sa akin o kahit kanino sa pamilya mas lalo na siguro sa mga kuya ko kapag nalalaman niya na buhay pa ang mga ito, for sure magwawala 'yon at magti-trigger na naman ang kanyang generalized anxiety disorder , Kaya iniiwas namin ng Papà ang Mama sa mga stressful na mga bagay dahil sa kondisyon niya na nakuha niya noong ninakaw ang mga kapatid niya sa hospital kung saan siya nagsilang.
Ilang taon siyang hindi makakausap nakatulala lang palagi at laging umiiyak pagdating ng gabi, ayaw niya sa madilim nagsisigaw siya at laging bukambibig ang nawalay na mga anak.
Noong isilang na siya medyo gumaling galing ang Mama pero hindi totally dahil minsan nawawala pa rin siya sa kanyang sarili minsan.
Minsan daw itinago daw siya ng Mama sa baol at pinadlock , mabuti na at dumating ang Papà niya , nailabas daw siya kaagad sa loob ng baol na nangingitim na sa kakaiyak.
Mula noon hindi na daw siya nakakahawak sa akin. Pinagamot naman siya ng Papà sa Italy at sa awa ng panginoon gumaling naman pero iniiwas lang talaga siya sa mga bagay bagay na makapag trigger ulit ang sakit niya.
"Iba rin pala ang pinagdadanan ng pamilya niyo, dude..lalo na kay Tita Myla.Sino ba namang kasing ina ang hindi mawawala sa sarili kung mawawalay sa kanya ang anak niya na inalagaan sa loob ng siyam na buwan sa kanyang sinapupunan", pahayag nito sa kanya
"Tama ka dude, kahit hindi ko nakita ang Mama sa ganung sitwasyon pero nakaramdam din ako ng sakit.", seryosong sabi niya sa kaibigan.
"Hoy kayong dalawa jan, hindi pa ba kayo mag-eensayo?" sigaw ni Hans sa kanila
"Master na kami, kayo na lang muna!", sigaw pabalik ni Uilliam.Napapangiti naman siya sa mga ito
"Tara puntahan na natin sila ", yaya niya sa kaibigang si Uilliam na wala namang pag-aatubiling sumunod sa paglalakad niya papalapit sa apat nilang mga kaibigan na sina Hans, Carmelo , Radli saka si Taemon .
Since andito na kayong dalawa makipagpustahan daw itong si Taemon sa ating lahat.
Never daw siyang mainlove sa kahit kanino pang babae jan, lalabanan niya raw ang batang nakatapis ng puting lampin at may dalang pana. Sisikapin niya daw na hindi siya maasinta ng batang iyon.", sa pahayag ni Hans napatingin naman silang dalawa ni Uilliam kay Taemon.
"Talaga lang ha, makakaiwas ka kaya.. baka hindi ka pa nakahakbang nasapol ka na sa batang lumilipad .", pahayag ni Uilliam ang mga mata nakatuon kay Taemon
"Magaling akong umiwas, dude..wala kang alam", buwelta
"Magaling your face, ulol " si Carmelo na kinuha ang shotgun at kinasa saka tinutok sa target nilang mga bote .
"Parang may narinig na akong ganyang linyahan sa ating anim ah! at tignan mo ngayon baliw na baliw sa mahal niya..at nauuna pa ang honeymoon kaysa pakasalan ang babaeng minamahal daw niya", si Hans na binalingan pa siya ng tingin.
"Parang wala akong alam niyan ah, sino ba sa atin?", si Radli na umiikot pa sa kanilang lima ang paningin nito.
"Tssk tssk.. paano mo malalaman kung wala ka rin naman sa sarili mo dahil sa naka one night stand mo sa Italy", sagot ni Taemon, hinubad naman ni Radli ang kabaak ng sapatos nito at hinagis kay Taemon na mabilis naman nitong nailagan
"Hoy Radli, Tangna mo ah, muntikan mo na matamaan ang guwapo kong mukha ah!", singhal ni Taemon
"Napaka nosy mo kasi dinaig mo pa ang manok na kabababa lang sa pugad, putak ng putak", si Radli
"Emotional Damage!", si Hans
"Double Kill!", si Uilliam na nakikisali na rin
"Sabog!", si Carmelo na kakatapos lang mag- alis ng protection gear sa katawan, ngayon ay nagbuhos ng alcohol sa kamay
Kapag ganito na ang mga kaibigan, nakikinig lang talaga siya sa mga ito. Nature na nila ang asaran minsan umabot pa sila sa sakitan.
Ang ikina believe niya sa mga ito hindi nagkakapikon ng sobra sobra at hindi umabot sa sobrang physicalan.
Siguro dahil sa magkaasama na sila simula kindergarten pa , na naging teacher naman nila ang Mama niya kaya sinali siya ng mga ito dahil sa Mama niya.
"Balik nga tayo sa pustahan hindi kasi ako nakikinig dahil pokos ako sa pagbabaril ko", si Carmelo na lumapit na sa kanila nakaupo lang naman sila sa isang pahabang upuan.
"Ano bang ipopusta niya? si Carmelo ulit
Ipopusta niya daw ang kanyang latest model 2024 Maserati Levante.", si Hans ang sumagot
"Aba matindi nga!", si Carmelo na hindi makapaniwala sa narinig
"Sasali kaming lima ", pahayag ni Carmelo sa harapan namin
"Okay, wala nang atrasan 'to ha ", si Uilliam
"Ang umatras, siya ang mababayad ng tig lilimang milyon sa limang natira", nakikisali na rin ako bilang lider ng gropo.
"Game ako!", saad ni Radli
"I'm in", si Carmelo
"Magpapahuli ba ako ", si Taemon
"Approved sa akin!", si Hans
"Isama niyo na ako ", saad ni Uilliam
"Ganoon silang estado sa pag-uusap ng dumating ang isang katulong nila Taemon at handa na raw ang hapunan at pinatatawag na raw sila ng mommy ni Taemon.
Hindi na sila nagpadalawang tawag pa tumayo na sila at dala na nila ang mga ginagamit sa pagsasanay . Bukas ang hand to hand combat training naman. Sumunod na silang anim sa katulong na nagtawag sa kanila. Pagpasok nila nakahanda na nga mga pagkain sa ibabaw ng presidential table. Nakita niya ang mommy at daddy ni Taemon . Binati sila ng mga magulang ni Taemon at maging sila ay ganun sa mga ito. Pero ang kambal ni Taemon bihira lang nagpapakita sa kanila kapag naririto sila. Mailap ito sa mga tao na nasilayan niya ito noong birthday nila ni Taemon ay maganda naman ito may hawig nga itong artista sa Hollywood na si Keira Knightley na gumanap bilang bidang babae sa Pirates of the Caribbean.
Tahimik lang siyang kumakain unlike sa mga kaibigan niya poro pa bida bida. Nasanay na siya sa mga ito. Pagkatapos nilang kumain nauna na siyang nagpaalam sa at may asikasuhin pa siya.
"Tita, Tito..Salamat sa napakasarap na hapunan na hinanda niyo sa amin . Pero kailangan ko na po na umuwi may asikasuhin pa po kasi ako", pahayag niya dito
"Mag-iingat ka sa pagmamaneho hijo ", ang mommy ni Taemon
"Thank you po Tita!", masayang pahayag niya
"Mauuna na ako sa inyo mga dude, paalam niya sa mga kaibigan
"Sige dude, mamaya pa kami, may dadaanan pa kasi din kami", si Hans na tumayo pa at nakipag secret hand shake sa kanya sumunod naman ang iba.
"Mag-iingat ka Gio ", ang daddy ni Taemon
"Salamat po Tito ", at naglalakad na siya papalabas ng main door hanggang makarating sa gate at binuksan naman siya ng guwardiya nila Taemon pagkalabas ay lumapit siya sa kanyang sasakyan at pumasok sa loob at nagdrive na paalis sa lugar.
Nasa highway na siya ng tumunog ang cellphone niya at ang number na ginamit ng nobya ang lumabas sa kanyang screen. Sinagot kaagad niya ito at narinig niya kaagad ang boses ng nobya na sa totoo lang namimiss niya ito ng sobra.
"Mahal mabuti nahiram mo ulit ang cellphone ng ate mo. ",pahayag niya dito
"Baby puwede mo bang ihatid ngayon ang phone ko,"
"Sure mahal, advantage sa akin at makikita kita ngayong gabi",
"Pasensya ka na baby, natrap ako sa dalawang babae dito sa bahay e, ang ate at si Mommy , kaya inamin ko na sa kanila na may boyfriend na ako. Ang sabi ng mommy at ate gusto ka nilang makita..pinapapunta ka nila dito ngayon", sa narinig niya itinigil niya sa tabi ang kanyang sasakyan.
"Okay mahal give me thirty minutes ", tinignan niya ang oras seven twenty pa lang ng gabi may oras pa siya para bumili ng madadala sa bahay ng nobya.
"Ingat ka baby, banggit nito gamit ang malambing nitong boses ", pahayag nito
"Okay mahal, I love you ", saad niya
"I love you too, at pinatayan na siya ng tawag ng nobya.
Kumuha siya ng blue polo longsleeve at light brown trousers.Pagkatapos niyang naisuot ang damit na napili ay inayos niya ang kanyang spiky hair, hindi naman masagwa dahil hindi mahaba ang kanyang buhok. Pagkatapos nagspray ng pabango na gusto ng nobya niya para sa kanya.