CHAPTER 31
AMAYA POV
Pagkatapos nilang mag-usap ni Alessandro sa cellphone ay nilapitan naman siya nang ate niya Aminah niya.
"Kinakabahan ka ba, little sis?
"A little bit, ate.. bakit naman kasi ora orada kayong nagrequest na papuntahin ang boyfriend ko dito ?", saad niya sa nakakatada niyang kapatid na hinawakan naman ang kanyang kamay.
"Nagagalit ka ba sa ginagawa namin ng mommy?", malumanay nitong tanong sa kanya
"Hindi naman po ate, ang sakin lang puwede naman natin gawin sa ibang araw para makapag handa .", paliwanag niya
"Little sis, ang lalaki kung talagang totoo sa iyo hindi 'yan magdadalawang salita na pupunta, jan mapapatunayan natin ang kanyang intension at kanyang pagka sinsiredad sa babae. ", tumango tango naman siya
"Tsaka 'Lil sis, sinisigurado lang namin ng mommy na nasa mabuti kang tao mapupunta .Dahil una kaming masasaktan kapag sinaktan ka nang kung sinong lalaki riyan..mahal na mahal ka namin ,isa 'yan sa reason kaya gusto namin makikilala ang lalaking napili mo. ", dagdag paliwanag nito sa kanya na nauunawaan naman niya
"Salamat po ate, mahal na mahal ko rin po kayo ni mommy", madamdamin niyang pahayag na niyakap niya ito
"Nagkaroon ako ng manliligaw hindi ko kaagad sinasagot hangga't hindi ko siya maipakilala sa inyo ", pahayag nito sa kanya na totoo naman
Hindi siya makapagsalita dahil guilty siya sa mga tinuran nito sa kanya. Dalawang beses niya nang naisuko ang kanyang sarili sa boyfriend niya.
"Ang advice ko lang sa iyo 'lil sis 'wag mo muna ibigay ang sarili mo kahit boyfriend mo na siya dahil hindi natin sure kung sila nga talaga ang ating makatuluyan sa future . Enjoy niyo ang pagiging boyfriend girlfriend niyo asides sa s****l aspect.", sa narinig hindi siya nakakibo daig niya pa ang natuklaw ng ahas.
"Importante sa atin mga babae ang mananatiling intact ang p********e natin na siya mong maaring mahalagang regalo sa magiging asawa mo sa araw ng inyong kasal...kahit gaano mo pa siya kamahal.. 'wag ka talagang bumigay nasa iyo ang control.", patay na talaga sa isip niya sa dami ng paalala ng ate pero huli na, hindi niya na maibabalik pa ang kanyang virginity na nawala na.
"Tara pupunta na tayo sa baba", aya sa kanya
"Mauna na kayo ate, maligo lang ako ", "Sige susunod ka ,kaagad, ha.", lumabas na ito ng kuwarto niya at siya naman ay pumasok sa kanyang banyo upang maligo.
Mabilis lang siyang naligo , nagbihis ng green floral dress may tali sa baywang na hanggang tuhod niya ang haba nito.Hinayaan niyang nakalugay ang kanyang buhok na meju basa pa.
Balak niya na sanang lumabas nang tumunog ang kanyang cellphone at ang nobyo tumatawag sa kanya. Sinagot niya ito kaagad,
"Hello baby, asan ka na?"
"Nasa tapat na ako ng gate niyo."
" Okay antayin mo ha, bababa na ako"
" okay, take your time, I'm waiting!", masaya nitong sabi
Binaba niya na ang tawag ng nobyo.
"Baby saan ang punta mo, akala ko ba ipakilala mo sa amin ang boyfriend mo ", ang mommy niya na hindi niya napansin na nasa salas pala.
"Iyon na nga po mommy nasa labas na po siya, pupuntahan ko lang po .", pahayag niya sa mommy niya
"Okay, puntahan mo na at ipahanda ko na ang lamesa", saad nito sa kanya.
"Okay 'my", tumalikod na ito sa kanya at pumasok sa kanilang kusina siya naman ay lalabasin ang boyfriend niya nasa labas ng gate.
Nasa guardhouse na siya.
"Good evening Miss Amaya .. may kailangan po ba kayo?", tanong ng guard nila na si Lucero. Nagtataka siya dito sa bagong guard nila , mukha kasing hindi guwardya ang dating nito, matikas ang pangangatawan, maputi at makinis abg balat na mukhang mayaman sa tingin niya.
"Miss Amaya may problema po ba?", natauhan naman siya sa tanong nito
"A-a wala naman, pakibuksan naman ang gate at may bisita akong dumating", pahayag niya dito na tumalima naman sa pakiusap niya.
Nakatayo siya sa gilid ng guardhouse at maya maya pumasok na ang sasakyan ng nobyo niya. Pinarada muna nito ng maayos ang dalang sasakyan. Lumapit naman siya dito kaagad ng makababa na ito ng kotse.
Binuksan nito ang compartment ng kotse at nilabas ang tatlong bouquet ng flowers ang sa kanya ang favorite niyang pink carnations, at may dalawang bouquet pa na I'm sure para sa mommy at ate niya.
"Ito para sa mommy mo, pahayag nito na tinutukoy ang bouquet of flowers, hindi niya naman maiiwasan na wag silipin. Nakita niya assorted ito may deep pink roses, white tulips and purple lily saka merun pang white aster. Na tiyak magugusruhan ito ng mommy niya. White tulips means respect , purity and honour.Deep pink rose symbol of gratitude. while the purple lily is symbolic from purity and innocent to wealth and prosperity also royalty and majesty.
"Ito naman sa ate mo, assorted yellow roses represent friendship, white lily represent purity and rebirth, blue delphinium, dignity and grace, and purple monte casino means wisdom and loyalty.", pahayag nito na ikinahanga niya ng sobra sa nobyo
"Saan mo nalalaman 'yan mga meaning ng mga flowers?", tanong niya dito
"Mama loves flowers she's fascinated with flowers, that's why I know some meaning of it!", masayang pahayag nito sa kanya
Pink carnations means gratitude, 'yan ang favorite flower niya
"May dala rin akong isang bilao ng pansit para sa guard niyo ", pahayag nito sa kanya kaya tinawag niya si Lucero na nakatayo hindi kalayuan sa kanila kausap nito ang kasamahang guard na si Pandoy. Lumapit naman ito sa kanila kaagad. Si Pandoy ay baguhang guwardiya din nila na kasabayan ni Lucero. Unang kita pa lang niya dito nakita niya na masayahin itong tao. Palabiro na hindi nakakainis matatawa ka sa mga banat niya talaga.
"Miss Amaya may kailangan pa po ba kayo?", tanong nito
Inabot naman ng nobyo ang bilao na nakabalot pa ng aluminum foil.
"Para sa inyo ng kasama mo, pahayag ng nobyo
"Salamat po ,Sir..pasalamat ng guard sa nobyo niya
"Walang anuman " at umalis na ito, isinara naman ng nobyo ang compartment ng sasakyan. Kinuha rin sa kanya ang dalawang bouquet ng bulaklak. Naglalakad na sila papasok ng main door. Nakapasok na silang dalawa sa loob dumeretso na sila sa dining room kung saan inaantay sila ng kapatid at mommy niya.
"Mommy! tawag pansin niya sa kanyang mommy na nakatalikod sa kanila at ang ate niya wala naman sa dining.
"Oh baby narito na pala kayo, siya na ba ang sinasabi mo?", tanong nito na ang mga mata sa nobyo niya
"Good evening po ,Tita.. Giovanni po boyfriend ni Amaya.. pakilala nito sa mommy niya sabay abot ng bouquet ng bulaklak sa mommy
"Wow , pogi na at napaka thoughtful pa, thank you sa flowers.", pahayag ng mommy niya
"Si Ate po mom, nasaan?", tanong niya sa mommy niya
"Tinawagan ang fiancee niya naiinggit daw kasi siya sa iyo.", pahayag nito sa kanila
Maya maya hindi pa sila nakakaupo pumasok ang kanyang ate bitbit ang malungkot nitong mukha.
"Bakit ganyan ang mukha hindi ata maipinta kahit sa magaling pa na artist. ", pahayag ng mommy niya sa ate.
"Out of coverage po si Ricky Brynt mom e", pahayag nito sabay hila ng mauupuan sa gilid ng mommy niya.
"Ate 'wag ka na malungkot, nga po pala si Giovanni ang boyfriend ko", pahayag niya sa ate na tumingin ito sa kanila
"Pasensya na , I spoiled the night ", hinging paumanhin nito sa kanila
"Okay lang po ate", saad niya
"Hi, Giovanni Alessandro Allisio" ,pakilala ng boyfriend sa sarili niya siya naman tumayo at kinuha ang bouquet ng bulaklak para sa ate niya na binili ng nobyo niya
"Aminah Margaret, ako ang ate ni Amaya ",pakilala nito sa sarili
"Ate ito para sa inyo, galing kay Alessandro", tinanggap naman nito ang bouquet at inamoy amoy
"Umupo na kayo, baby ", utos sa kanila ng mommy
"Gio right?!", saad ng mommy habang nakikinig naman siya
"Yes po madam, Giovanni Alessandro po ang buo kong pangalan ", na nilingon pa siya nito pagkasabi ng pangalan at hinawakan ang kamay niya nasa ibabaw ng kanyang kandungan.
"Oh I see.. what did you do for a living?", tanong nito ulit
"Ahh I have my own business to run and a corporate business together with my circles of friends not just a friend but best friends of mine.", paliwanag nito sa mommy
"Mommy puwede po ba kakain muna po tayo, mas maganda kasi mag- uusap tayo sa garden over coffee in front of us!', masiglang pahayag niya
"That's good idea 'yan little sis ", segunda ng ate
"Si mommy kasi, over excited", dagdag pa ng ate niya na ikinangiti niya
"much better , later sa garden tayo. ", ang mommy na nakabawi sa pagka awkward nito. Daig pa kasi ang imbistigador kung makatanong .
Tahimik lang silang kumakain at tanging tunog lang nang kanilang kobyertos ang naririnig. Panaka naka namang sinusulyapan siya ng kanyang nobyo.
"Try mo itong specialty ng mommy at paborito naming magkapatid ang mechado, alok niya sa kanyang boyfriend. Nginitian naman siya ng boyfriend.
"Diba mechado ang paorito naming magkakapatid,at naging specialty niyo nang lutuin, naghahanap siya ng kakampi.
"Yes ,exactly baby!, Hijo you must try it!", ang mommy na bumalik na talaga ang sigla habang ang ate naman ay ganun pa rin tahimik lang na mukhang may iniisip
Nilagyan niya ng mechado ang plato ng nobyo siya rin ang sumandok sa kanyang kutsara upang ipatikim dito ang ulam, tinanggap naman ng bibig nito ang isinubo niya.
"What's the taste, hijo?", ang mommy niya na excited na malaman ang opinion ng nobyo , nilunok na nito ang pagkain bago sumagot sa mommy niya
"Very perfect po madam! .. I think this is my favorite food now", flattered naman ang mommy niya sa sagot ng boyfriend.
"Baby masarap diba?", mahinang tanong niya sa nobyo
"Mas masarap ka dito, mahal.. pinamulahan naman siya ng mukha dahil sa narinig.
Sinalinan na lang niya ito ng water sa baso.
"Madam thank you sa napakasarap na pagkain po", pahayag nito sa mommy
"Wag mo na akong tawagin na madam , call me Tita much better!", ang mommy niya na tapos na rin sa pagkain.
"Mom can I go up to my bed?", ang ate niya
"Okay ka lang ba Aminah? ", ang mommy niya na nakitaan niyang may pag-alala para sa ate.
"Yes mom, naalala ko kasi maaga akong papasok sa office bukas.", pahayag nito sa mommy at tumayo na ito sa kinauupuan, naglalakad paalis sa dining.
"Mag- enjoy kayo riyan at susundan ko lang" ang mommy niya na sinundan nito ang ate.
"Tara sa garden tayo, baby ", tumayo naman ito at nagtungo sila sa garden ng mommy niya. Pinabuksan niya ang gate. Nakalock ang gate papuntang garden dahil restricted area ito dahil sa mga tanim ng mommy niyang mga bulaklak .
Pagkabukas ng kasambahay ng gate ay iniwan na sila , pumasok naman sila loob, sa loob nito makikita ang isang open na kubo na may lamesa sa gitna .
Binuhay niya ang ilaw at kaagad lumiwanag ang buong paligid. Kitang kita ang mga tanim ni mommy na rosas na iba't ibang varieties ang iba jan galing pa sa ibang bansa.
Hindi naman siya dito madalas pumunta, ang madalas nagpupunta dito ay ang mommy at ang kasambahay na nakatokang maglinis dito.
Humahanga siya sa ganda ng mga bulaklak na nakapa paligid parang nasa paraiso sila. Nasa estado siya ng pag-iisip nang maramdaman niya ang mga braso ng nobyo nakapulupot sa baywang niya.
"Ang ganda ng hardin ng mommy ,diba?", pahayag niya
"Mas maganda ang mahal ko riyan!", sabi nito na ikinalayo niya mula dito.
Naalala niya ang sinasabi ng ate kanina sa kanya. Naging awkward tuloy ang pakiramdam niya sa sarili.
Napalingon naman sila sa pagbukas ng gate at iniluwa ang kasambahay na may dalang tray.
"Ano po 'yan ate?", tanong niya sa kasambahay
"Pinadala po ni Ma'am ang merienda niyo , hindi na daw po siya dito makakasunod, magpahinga na daw po siya ng maaga", pahayag nito
"Ah ganun ba?', sabi niya
"Opo Miss Amaya ",
"Pakilapag na lang sa lamesa ate ", sabi niya at naglalakad na ito papunta sa kubo kung saan naroon ang lamesa.