“Naglalasing ka na naman?” Naging sunud-sunod ang pag-iling ni Alpheus nang madatnan si Nazaron na nasa Club Axis at umiinom mag-isa. He had been drinking for three days straight! Pero kahit gaano karaming alak ang ubusin niya ay hindi pa rin mabura ang imahe ng asawa sa kanyang balintataw at paulit-ulit niyang naririnig ang mga sinabi nito. My having s*x with you does not give you the right to tell me what to do! Gagawin ko ang gusto ko! So, we did it, ano naman ngayon? Nagawa na natin iyon noon bago pa man tayo ikinasal. Us having s*x did not stop you from flirting with other girls before. Kaya huwag kang aarteng napaka-sagradong bagay sa iyo ngayon ng pakikipagtalik. It was just s*x for her! Dapat ay wala lang iyon sa kanya. He had pleasured so many women in the past. s*x for him use