Abala si Anemone sa pagtakbo sa treadmill nang umilaw ang screen ng phone niya na nakapatong sa lamesa. Inabot niya iyon at tiningnan kung sino ang tumatawag. Luther calling… “Teryo, napatawag ka? M-may problema ba sa Santa Catalina?” nababahala niyang tanong. Marahan itong tumawa. “Walang problema, Aneng. Problema lang ba ang dahilan para tawagan kita? Hindi ba puwedeng na-miss lang kita?” Napangiti siya. Hindi pa rin talaga nagbabago si Luther, malambing pa rin ito at napakabuti sa kanya. “Ikaw naman, pinakaba mo ako. Pero na-miss din kita. Kumusta na kayo riyan?” “Kung ang tinatanong mo ay ang mga bagay-bagay sa Santa Catalina, ang sagot ko ay hindi ko alam. Nasa Maynila rin ako ngayon. In-appoint ako ni Papa na pansamantalang asikasuhin ang isa sa mga negosyo ng pamilya.” “Talaga