“Where are you going? Iiwan mo ako ritong nag-iisa? Ano ang gagawin ko rito sa loob ng bahay n’yo?” Nagpupuyos si Phoebe. Pinukol niya ng malamig na tingin ang dalaga. “Do whatever you want.” “Hindi ba talaga ako puwedeng sumama sa iyo?” sumamo nito. “Kung gusto mong mamasyal, magpasama ka na lang sa mga tauhan ng villa. I’m sure Papa wouldn’t mind. Malamang na ipagamit pa sa inyo ang sasakyan niya.” Pumadyak si Phoebe na tila batang naaasar. “Ikaw ang gusto kong kasama sa pamamasyal at hindi kung sinu-sino lang diyan!” “Please, stop acting like a needy girlfriend, dahil wala tayong relasyon. From now on, I will not tolerate you kissing me in front of my family.” Hindi niya alam kung bakit biglang lumitaw sa gunita niya ang magandang mukha ng kanyang asawa. Kasabay niyon ay ang pagrig