Naglambing si Eutropia kay Nazaron na samahan itong magtungong SCC. Kailangan daw nitong makausap ang punong tagapamahala ng Santa Catalina College. May mga estudyanteng pinag-aaral ang pamilya nila. Kung tutuusin ay isa si Anemone sa mga pinag-aral ng kanyang mga magulang na matagumpay na nakapagtapos. "Ma, mag-iikot lang ako. Just call me after your meeting with Mr. Villazur." "Alright, bambino." Habang nag-iikot ay pinipilit niyang umaktong normal kahit nakakailang na ang mga humahangang tingin ng mga estudyante sa kanya. A pair of straight cut jeans and white shirt. Iyon lang ang suot niya. But the fabric of the shirt hugged the broadness of his shoulders. And he couldn't exactly tell if it was his nose or sunglasses that made him look like a Hollywood star. "Nazaron?" Napalingon