'I left my briefcase. Bring it to my office before 10AM.' Umalsa ang mga kilay ni Anemone nang mabasa ang text message ni Nazaron. Ang kapal talaga ng mukha. Ano ang akala nito sa kanya? Alalay? Tumingin siya sa wall clock. Alas nueve na ng umaga. Kung aalis siya ngayon ay makakarating pa siya ng opisina nito bago mag-alas diyes. "Tss!" palatak niya pero napilitan ding hablutin ang briefcase ng asawa na naiwan nito sa kuwarto. She wasn't being good to him. Ihahatid niya lang iyon dahil iyon ang tamang gawin. Walang kinalaman ang kompanya sa personal nilang hindi pagkakaunawaan ni Nazaron. The Company still belonged to the Altieri's, at hindi solong pag-aari lang ng kanyang walang hiyang asawa. Pagdating niya nang main entrance ay hinarang pa siya ng guards. "Tawagan niyo si Mr. Altier