MADRID “WHAT THE H*LL are you doing here?” Hinila ko siya sa may bush kung saan tago kami sa camera. “I came to see you, isn’t it obvious?” I couldn’t believe na nakakatawa pala ang isang ito. Mapapahamak kaming dalawa ni Zia kapag nalaman ng palasyo na wala rito ang prinsesa. Worst, they could throw me in jail. Bakit nga ba hindi ko naisip ’yon? D*mn it. “You’re insane,” naiiling na sabi ko. “Maybe. It’s your fault.” Ludwig is grinning like a mad man. “What do you want?” “You.” Ano? Ano naman ang posibleng maging kailangan niya sa akin? Wala akong yaman at lalong hindi niya kailangan ng maid sa bahay niya. For sure, sandamakmak na katulong ang nandoon para paglingkuran siya. Napailing ako. “I don’t have time for this. We need to leave in thirty minutes and I am not even dres