HINDI LANG KAMI sa Batangas tumigil. Pagkatapos naming makita ang Taal Volcano at makakain ng… bilalooh,I mean bulalo because Aaron corrected me -- ay nagdrive kami papuntang Quezon. I wanted to taste their pansit Lokh-benh. Itinama ako uli ni Aaron at sinabing pansit Lucban 'yon. Bahagya pa siyang nagtaka dahil nahirapan akong bigkasin. Palaging nasa commercial sa Filipino channel ang iba’t ibang pagkain so I made a mental note of them. Ang sarap talaga ng mga pagkain dito at kung hindi ako mag-eexercise nang regular, siguradong lalapad ako at hindi na magkakasya sa mga inuwi kong damit. Naging masaya ang dalawang linggo naming pagliliwaliw. Kung saan saan kami nakarating. Mula sa Quezon ay pumunta rin kami ng Marinduque. May isang magandang resort doon, mukhang pang-Maharlika at pag-ma