EVERYONE PITCHED IN. Gusto ni Aaron na mag-hire nang magpipinta at maglilinis ng nabili kong puwesto para sa spa at catering. Ang sabi ko sa kaniya, mas damang-dama kapag kami mismo ang mag-aayos no’n. Kaya heto, nagtulong-tulong kaming magpinta at maglinis. Si Andrew at Maya ang nakatoka sa pangalawang palapag. Pumili siya ng mga neutral colors at sa isang araw ang dating ng mga kagamitan. Next week ay magsisimula ang interview niya sa ibang masseuse na nag-apply. Tumulong din ang dalawang kaibigan ni Andrew. By the way, sila na ni Maya. Hindi rin marunong magpakipot, eh. Kami naman ni Aaron at Jun sa baba. Ang dalawang kaibigan ni Aaron pati ang dalawang barkada ni Jun ay tumulong rin. Si Inay at Tatay ay hindi namin pinagawa at baka mapagod. Isa pa ay masama ang amoy ng pintura sa kan