AARON. I WAS RIGHT, it was him. Kung gaano kaguwapo ay ganoon din kaantipatiko. Asar na asar ako sa kaniya. No one had called me stupid since the day I was born. I’m a freaking princess for Pete’s sake. But you’re not a princess here, Zia. Right now, you’re not even using your real name. Your name is Len Abellana. “Kuya, you might want to change your clothes. Come with me, Len. What brings you here? May kailangan ka ba?” tanong ni Andrew. Lumapit ako sa kaniya at iniwan namin si Aaron sa may washroom. Sabi nga ng maraming fans ni Jacob, super yummy ito. Pero kahit anong super yummy pa ang sabihin ng utak ko sa akin, nadadaig ito ng inis ko sa kaniya. “Kasama ko ang nanay ko.” “Ha? Grabe naman, hindi pa nga ako nakakadalaw sa inyo, namamanhikan ka na?” “What’s that?” Ano iyong namama