THE DAY OF the party came at the Syjuco residence. At dahil wala akong ginagawa sa bahay ay sumama ako kay Inay Mila sa paghahanda. We had a few women with us para tumulong sa paggayat at ang isa ay sadyang nagluluto. Nakilala ko ang dalawang helper na si Wendy at Jean. Ang magluluto ay medyo may edad na at ang pangalan ay si Aling Coring. Honestly, I was useless in the kitchen. Para lang akong palamuti kasama nila. I hadn’t been in the kitchen side of the palace unless I had to sneak in for some ice cream na alam kong ipagbabawal ng aking ina. Kahit ano’ng paliwanag ko sa kaniya na hindi naman ako nananaba ay ayaw niyang maniwala sa akin. Ice cream was almost forbidden. Puwede lang akong kumain ng sorbetes once a month. “Anak, ano’ng iniisip mo? Kanina ka pa nakatitig sa carrots,” nat