HINDI KO PINANSIN ang sinabi niya tungkol kay Aaron. I didn’t care if he liked sticky rice or not. Sa kakanin ko ibinaling ang inis ko. That kiss was almost perfect if not for his—for his—I don’t even know what to call it! Nahihiya ba siya na hinalikan niya ako at nakita kami ng Daddy niya? I am pretty sure it wasn’t the first time he had seen kissing a woman. Ah, alam ko na. Nahihiya siya na ang hinalikan niya kanina ay isang katulong lang ang trabaho. That must be it. Imposible naman na hindi niya alam na ’yon ang trabaho ko bago ako umuwi. “You’re lost in your thoughts again. Ano ang problema? I’m a good listener. Hindi halata dahil madaldal ako but I am willing to listen,” sabi ni Andrew. “I don’t think you’re the right person to talk to about what’s going on in my mind,” wala sa