NANG MAKAUWI AKO sa bahay ay tulugan na silang lahat maliban kay Maya. Matiyaga niya akong hinintay sa salas. Nasilip ko siya mula sa may bintana at papasok na sana ako sa loob ng pigilan ako ni Aaron. “Ano na naman?” tanong ko sa kaniya. “Don’t I get a goodnight kiss?” nakangiting sabi niya sa akin. Goodnight kiss? Nakailang halik na siya sa akin ngayong araw na ito, may goodnight kiss pa rin? ”Seryoso ka?” Napakamot siya sa batok. “One kiss so I can get a goodnight’s sleep.” Magsasalita pa lang ako nang unti-unting lumapit ang mukha niya sa akin at ang kamay niya ay sumapo sa may batok ko. As he leaned over to kiss me, all I could do was close my eyes and wait until his lips touched mine. And then I heard him whispered. “Are you waiting for my kiss?” tudyo niya. Mabuti na lang at