SANDRA VILLA AMOR Ibinuka ko na ang kaliwang mata ko at papalapit na talaga ang mukha ni Ken sa akin. Sa totoo lang, nanginginig na ang katawan ko sa kaba. Alam kong hahalikan niya lang ako, pero nandito kami sa kuwarto niya. Baka saan pa iyon mapunta at hahayaan ko lang siya sa gagawin niya sa akin. Nang malapit na talagang lumapat ang labi niya sa labi ko, bigla itong tumawa. At dahil doon, nahampas ko siya nang malakas. "Ouch!" sigaw niya sabay hawak sa balikat niya. Makikita naman sa mukha niya ang iniindang sakit. Nakalimutan ko tuloy na masakit ang katawan niya. Ang sama kong kasintahan. "Sorry, Ken. Ikaw kasi," paghingi ko ng paumanhin. Hinawakan ko ang balikat niya at likuran para himasin. "Pero masakit pa ba talaga ang katawan mo?" "Oo, masahiin mo naman ako, oh?" hiling niy