SANDRA VILLA AMOR Tinulungan ko si Ken sa pagluluto dahil parang naiingget ako sa ginagawa niya. At isa pa, hindi ko kayang umupo na lang at walang gagawin. Kaya ang ginawa ko, sinamahan ko na siya. Habang masaya kaming nagluluto, may pakanta-kanta pa siya. Ako naman dito, palihim na nakikinig at kinikilig. Umaarte ako na kunwari wala lang iyon sa akin. Pero ang totoo, sobrang kailangan ko ng oxygen. Pinigilan ko na lang ang sarili ko at tinanong si Ken kung ano ang isusunod na ilagay. Gusto ko lang maiba ang usapan at matapos na ang niluluto. Nagugutom na kasi ako. "Iyong tomato sauce, Sandra," sagot niya sa tanong ko. Pagpapatuloy niya, "Sige, magbihis na muna ako sa itaas. Hintayin mo lang na kumulo, ha? Bago mo ilagay." "Noted, Ken." Habang mag-isa ako rito sa kusina, napa-isip n