THIRD PERSON’S POV ***HUNDRED YEARS AGO*** Ilang araw ang lumipas at hindi sya pumasok ng esk’wela. Hindi rin sya nagpapa-istorbo sa k’warto at mas lalong ayaw nya ng may bisita. Hindi nya gustong lumabas lalo’t nakasakit sya ngayon ng tao na wala sa lugar. Isa pa ay hindi nya alam paano haharapin ang iba sa nangyare. Nawala na naman sya sa kanyang kontrol at may taong nadamay dahil do’n. Mula sa pinto ay may kumatok at saka sya napatingin do’n. “Mysty,” tawag iyon ng kanyang kapatid. “Buksan mo ang pinto,” utos nito. Bumangon sya saka sya tumingin sa pinto at nagdadalawang isip kung bubuksan ito o hindi. “Wala ba silang magawang matino sa mga buhay nila?” inis na sabi nito sa sarili nya. “Mysty ano ba?” galit na sabi ng kanyang kapatid kaya naman agad na nya itong binuks