ANNA’S POV Sa hindi inaasahan ay biglang tumalsik si Ji at sa bilis rin ni Zem ay nasalo nya ito. Sinipa ko ang nasa harapan ko saka ko naman nilabas ang pana ko. Sinipat ko ng tingin ang dalawa at muli ko na naman narinig ang bangayan nila. “Bakit naman kasi hindi ka nag-iingat!” inis na sabi ni Zem kay Ji. “E, ano bang pakialam mo? Trabahuin mo ang iyo!” sabi naman ni Ji. “Pasalamat ka sinalo kita!” “E’di salamat tangina mo!” sabi naman ni na syang ikinatawa ni Lou at nakitawa na rin ako. Bumalik si Ji sa pakikipaglaban at gano’n din si Zem. Itong dalawa talaga ay walang napipiling lugar ng bangayan kahit pa nasa panganib na ang mga buhay namin. Mula sa gilid ng mata ko’y nakita ko ang kakaibang anino na no’n ay sasaksak sana kay Roy at agad ko iyong pinana.