MYSTY’S POV Bumaba ito sa harapan namin at saka nya ako binigyan ng ng ngisi. “Muli na naman kitang natalo, Phoebe.” Nginisihan ko rin sya dahilan para sumeryoso ang mukha nya. “Hindi ako si Phoebe,” sabi ko at saka ako umayos ng tayo at pinunasan ang labi ko na may dugo pa. “I think kilala mo kung sino ako.” Nangunot ang noo nya sa sinabi ko at muli akong napainda dahil sa pagkatagos ng espada. B’wisit talagang buhay ‘to. Inis na sabi ko sa sarili ko at napahawak sa ulo ko. “Hindi mo ‘ko maloloko!” Muli sana syang susugod ng tinapat ko ang kamay ko sa kanya dahilan para mapahinto sya. Hindi sya makagalaw sa kinalalagyan nya at saka ako bumuntong hininga. Kahit na nahihirapan ay kailangan kong kayanin. “Hindi ako iyong tipo ng taong manloloko. Pero ako iyong tipo ng