CHAPTER 34

2244 Words

MYSTY’S POV   Magkaharap kami ngayon at yumuko sya sa ‘kin. “Kinagagalak kong makilala ka, Prinsesa Mysty.” Ngumiti ako sa kanya at saka rin ako yumuko.   “Gano’n din ako sa ‘yo, Phoebe,” sabi ko naman.   “Pasensya na at may bagay akong hindi nagagawa sa mga nasasakupan ko. Ngunit ang sabi sa ‘kin ay maari mo ‘kong matulungan.”   “H’wag kang mag-alala. Ako na ang gagawa ng bagay na hindi mo magawa at nagpapasalamat pa akong pinahiram mo ang katawan mo sa ‘kin. Pero kailangan mo parin akong tulungan ” Tumango sya sa ‘kin at saka ko nilatag ang kamay ko. “Limitado ang oras ko, Phoebe, kaya kahit na ako ang nasa katawan mo ay gagawin natin ito ng magkasama.”   Tumingin sya sa mga mata ko at saka sya ngumiti. Nagkamay kaming dalawa at saka naman ako nagpaalam na.   **********

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD