ANNA’S POV “Bea... mabuti pa ay tigilan mo na ‘to. Nakikiusap ako,” pakiusap na sabi ni Ash kay Bea. Bigla namang umamo ang mukha ni Bea kay Ash at napataas ako ng kilay ko. Tumabi sa ‘kin si Ji at saka kami nagtinginan dalawa. “Ang demonyita naging anghel,” sabay naming sabi dalawa. Hawak ni Ji ang kaliwang braso nya dahil sa malakas na hampas ng ugat ng puno kanina. “Masakit ba?” tanong ko sa kanya. “Malamang? Ikaw kaya mahampas ng ugat.” “Hehehehe.” Binaling ulit namin ang tingin kay Crystal at saka naman kumilos sila Lou at Zem. “Alam mo ang katotohanan na si Crystal ang mahal ko at hindi ikaw, Bea,” pagpapaintindi ni Ash sa kanya. Bigla naman nag-iba ang mukha nito’t naging bitter. Muli kaming nagtinginan ni Ji at saka ulit tumingin sa gawi nila. Hindi inaasahana ng bigla