JI’S POV Tumingin ako sa gawi ni Zem at saka sya pasimpleng kumain. Ayaw nya talaga akong tigilan, ah. Binato ko ng kapangyarihan ko ang pagkain nya dahilan para tumalsik ito. Hindi ko mapapatawad ang ginawa nya. Kanina nya pa ako iniinis. Mula naman sa itaas namin ay may hindi kami inaasahan na bisita. Biglang nasira ang bubong at saka kami tumalsik lahat. May humawak sa bandang t’yan ko at napa-cross ako ng braso ko. Tinignan ko kung sino ang biglang bisita at nanlaki ang mata ko ng makita sya. Mula naman sa likuran ko’y naro’n pala si Lou na sinalo ako. Agad naman akong tumayo at saka ko sya tinulungan. Tumayo na ang lahat ay saka tumingin sa hindi inaasahang bisita. “Bakit naman hindi mo sinabing bibitsita ka pala?” sarkastikong tanong ni Anna. “Wala pa kami sa wish