MYSTY’S POV Nagising ako na may sikat na nang araw at nang makita ko ang paligid ay napangiti ako. Para syang boy version ko. Tumingin ako kay Dark at saka ako sumampa sa kanya. Sa gulat nya ay halos tumalon na ito. “Sabi na sa ‘yo, mabait din ‘yon, e,” sabi ko habang nakangiti. “Prinsesa ano ba naman kita mong natutulog pa ako, e,” sabi naman nito na may nguso. Tumayo ako at saka ako tumingin sa bintana. Ang ganda ng paligid at sobrang nakakamangha ang bawat halaman at puno. Lalo na ang mga bulaklak. Napalingon ako sa may pinto ng may narinig ako na kumatok. Agad naman na tumayo si Dark at nang makita kung sino ‘to ay agad akong umayos. “Maayos ba ang tulog mo?” bungad na tanong nya sa ‘kin. Tumango lang ako sa kanya at mula sa likuran nya ay naro’n ang mga katulong na no’n ay