Blaire Mackenzie’s POV “Ouch!” Napamulat agad ako ng mga mata at ang mukha agad ni Douglas ang bumungad sa akin. Nakayakap ako sa unan ko at patagilid ng higa habang may hawak na bulak si Douglas at ginagamot ang sugat ko. “Sorry, sweety. I need to clean it.” Hinalikan niya ang noo ko at napapikit muli ako. “Sorry, hindi ako nakapunta sa office mo. Nakatulog ako,” nakangusong saad ko. Pagkatapos akong tulungan ni Aubrey sa pag-shampoo at conditioner ng buhok ko, nahiga na ko sa kama ko at hindi ko naman akalain na makakatulog agad ako. “It’s okay, sweety. I am already here,” he gently uttered. He always soft to me kaya kahit nakapikit ay ngumiti ako sa kanya. Habang nararamdaman ko ang maingat niyang paglilinis sa sugat ko. “Anong oras na pala?” mahinang tanong ko. “Three