Blaire Mackenzie’s POV “Wow! Ang ganda!” Tuwang-tuwa na nilapat ko ang daliri ko sa salamin ng chopper habang pinagmamasdan ko ang magandang dagat sa ibaba namin. “I told you, iha. Maganda rito.” Napatingin ako kay mummy na nakangiti sa tabi ko dahil siya ang katabi ko. Tumango ako sa kanya at napatingin ako kay Douglas na nakaupo sa kabilang tabi ng bintana at nakasimangot dahil hindi kami magkatabi. Nasa gitna namin si Mummy at Daddy. Sa dulo siya pinaupo ni Daddy dahil ayaw rin naman ni Daddy na hindi katabi si Mummy. “Hayaan mo na ‘yan si Douglas,” ani sa akin ni Mummy dahil nakatitig ako sa boyfriend ko. “Tignan mo ‘yon.” Napatingin ako sa kanya at sinundan ko ang daliri niya kung saan nakaturo. Nakita ko ang isang floating cottage sa gitna ng dagat. Kalmadong-kalmado ang da