Blaire Mackenzie’s POV “She has retrograde amnesia, Mr. Parker. Hindi natin alam kung kailan siya makakaalala sa lahat-lahat. Pwedeng mamaya, pwedeng bukas o sa mga susunod na linggo. Ang kailangan mo rito ay mahabang pasensya.” Pinapanood ko si Douglas at si Dok na mag-usap at rinig na rinig ko rin ang pinag-uusapan nilang dalawa dahil nasa gitna nila ko. Nakaupo ako sa kama habang nasa magkabilang gilid ko silang dalawa. “Ang tungkol naman sa tanong mo kung pwede ng umuwi si Ms. Blaire—” “Mrs. Blaire,” Douglas corrected him. “She’s married and a Mrs., not a Ms.” Inabot ko agad ang kamay ni Douglas dahil masyado na naman siyang seryoso. Kaya para tuloy natatakot sa kanya si Dok. Bumaba ang tingin sa akin ni Douglas at ngumiti agad ako sa kanya ng matamis. Napansin ko sa asawa ko na