Blaire Mackenzie’s POV “What?” Titig na titig sa akin si Douglas at halatang naghihintay ng isasagot ko sa kanya. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at pinisil. “Anong what?” natatawang tanong ko. “What did you say?” he asked. Para siyang nakakita ng multo dahil parang tulala lang ang mga mata niya habang titig na titig sa akin. Ano bang nakakagulat sa sinabi ko sa kanya? “Mahal kita, Douglas,” pag-uulit ko. “Kaya hindi mo na kailangan makinig sa sinabi ng mummy mo. Sabi mo nga, ‘di ba, don’t mind her,” panggagaya ko pa sa kanya. Hindi siya nagsalita at nanatili siyang nakatitig sa akin. Pinisil-pisil ko pa ang pisngi niya pero wala pa rin kaya nawala na ang ngiti sa labi ko. “Douglas, ayos ka lang ba?” “You love me?” he asked. Parang naninigurado pa. “Oo,” sincere n