Blaire Mackenzie’s POV “Good morning, baby.” Si Douglas agad ang bumungad sa akin pag gising na pagising ko. Hinalikan niya agad ang labi ko at nagsumiksik pa sa leeg ko. “Wait…” Hinawakan ko ang braso niya at tinulak siya paalis sa ibabaw ko. Umalis naman agad siya kaya bumangon ako ng kama at naglakad papunta sa bathroom ng master bedroom niya. Nandito na naman ako sa bahay niya. Ilang araw akong puyat at walang maayos na tulog kaya hindi na ko nagulat na umaga na kong nagising nang makatulog ako sa sasakyan niya. Pagod na pagod ako sa lahat ng bagay na nangyayari sa paligid ko. Basta nagising na lang ako na nakasuot ng malaking t-shirt ni Douglas at short niya. “How’s your sleep, baby?” I heard Douglas ask. “Maayos,” tipid na sagot ko. Humarap ako sa sink ng bathroom niya