Blaire Mackenzie’s POV Hindi ko akalain na makakatulog ako. Pagtingin ko sa labas ng unit ko, madilim na at hinanap agad ng mga mata ko si Douglas. Sakto naman na bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si Douglas na tinutupi ang manggas ng dark blue niya na polo button down. Halata rin na bagong ligo pa siya dahil sa buhok niyang medyo basa pa at bago na rin ang suot niya. “Saan mo nakuha ‘yang suot mo?” tanong ko. Dahan-dahan akong naupo sa kama ko at sumandal ako sa head board. Mabuti na lang kasya kami ni Douglas sa single kong kama at hindi ko talaga inaasahan na makakatulog din ako. “I ordered Axel to bring my clothes here," he replied. Dahan-dahan akong tumango sa kanya at inalis ang comforter sa katawan ko. Tumayo ako at napatingin sa study table ko. “Hala!” Nataranta