ZANDRO'S POV
Sinabihan ko si Zandra na hindi muna kami dadaan sa parlor dahil may gagawin muna ako. Kailangan kong pumunta sa opisina.
Ang tagal pa naman niya kung tumambay pero nagsabi ako sa kanya na sa gabi na lang kami pupunta para yayain ang kanyang Ninang na kumain sa Kenny Roger's na favorite ni Patriz ayon kay Zandra.
Matinding paki-usapan pa at naniguro pa siya na totohanin ko ang pangako ko sa kanya.
"Baby, promise we'll go out tonight with your Ninang Patriz again."
Mabuti napapayag ko ang kapatid ko na hindi muna kami dumaan sa parlor ni Madam Lucila. Diretso kaming bahay pagkalabas niya sa kanyang klase. Importante lang talaga ang meeting ko. Hindi na kasi ito pwedeng i-cancel dahil naka-ilang re-schedule na ito.
Hindi ko rin masabi kung anong oras ang tapos nito kaya naman pinaka – safe na ang sabihin kong oras kay Zandra ay gabi. Para mag-aral din siya at matulog sa hapon. Pag natapos naman ang meeting at ilang pipirmahan ko sa opisina ay uuwi na rin ako sa bahay. Wala na namang dahilan para magtagal ako.
Alas kwatro na nang umalis ako ng opisina. Aabutan ako ng traffic kaya malamang mga alas singko na ako maka-uwi. Sana ay matagal ang tulog ni Zandra para may energy pa ito mamaya.
Makikita ko na naman ang dalaga mamaya. Sana naman ay pumayag ito sa aming invitation. Hanggang ngayon ay wala siyang idea na dadaanan namin siya mamaya. Pwedeng sumama siya at pwede rin na hindi dahil late na ang invitation namin sa kanya.
Pagdating ko ng bahay ay tulog pa rin ito. Sabi ng kanyang yaya na alas dos pa ito natulog. Kailangan na rin niyang gumayak para hindi kami gabihin masyado. Hindi ko pa naman alam kung anong oras ang uwi nina Patriz sa parlor.
Kahapon ay alas sais namin siya pinuntahan at may costumers pa sila sa parlor. Paano kung maaga at wala ng magpapa-ayos, baka umuwi agad ang dalaga.
Ako na ang gumising kay Zandra. Niyakap ko pa ito bago ko ginising.
“Baby, gising na. Nandito na si kuya, pupuntahan na natin ang ninang mo. Baka magsara na ang parlor.” Bulong ko dito. Kumilos naman ang aking kapatid at umikot ito para harapin ako.
“Kanina ka pa po?” tanong niya sa akin.
“Hindi po, kadarating ko lang po.” Sagot ko naman sa kanya.
“Aalis na po tayo?” tanong niya sa akin.
“Yes, baby. Pero need mo munang mag-wash at magpalit po ng damit.” Sambit ko dito at bumangon na ako para gumaya na rin siya.
Bumangon na rin ito at niyaya na ang kanyang yaya para siya ay samahan sa bathroom at magbihis after siyang malinisan.
Ako naman ay nagtungo muna sa aking kwarto para magpalit din ng damit. Maghapon ko ng suot ang damit ko sa labas. Baka amoy pawis o di kaya ay amoy usok kaya mas maganda na magpalit ako ng damit.
“Ang gwapo naman ng aking kuya!” sabi pa ni Zandra pagkakita nito sa akin.
“Bolera ka po,” natatawang sagot ko dito.
“Gusto mo po bang malaman kung totoo ang sinasabi ko?” tanong pa nito sa akin na hindi ko na sinagot.
Pinapasok ko na siya sa sasakyan at ikinabit ko ang seatbelt niya.
Medyo ma-traffic pa. Baka dumating na kami ng parlor ng mga alas siyete. Sana lang ay abutan namin si Patriz at kapag hindi namin siya nakita ay baka magtampo na naman ang aking kapatid. Sumisingit na ako at hindi na ako nagbibigay sa mga gustong sumingit. Kung nagmamadali sila ay ganoon din ako. Nagmamadali baka hindi ko makita ang dalaga.
Pagkakataon na ang paglabas labas namin para makilala ko ang dalaga. Gusto kong mas lalo pa siyang makilala at makipagkaibigan sa kanya.
Akala ko ay alas siyete kami darating naging seven thirty pa dahil sa sobrang traffic. Sumingit pa ako nito. Pagkatigil ng sasakyan ay muli na namang mabilis na lumabas si Zandra at pumasok sa loob ng parlor. Nagulat pa ang mga tao sa loob na dumating kami.
Mukhang naglilinis na sila at wala na ring costumers sa loob. Nakita ko si Patriz mula dito sa loob ng sasakyan. Hindi naman niya ako kita dahil tinted itong sasakyan.
Masaya itong kausap ng aking kapatid at itinuro pa ni Zandra itong sasakyan o ako. Baka sinasabi niya na nandito ako. Nang wala na dito ang atensyon nila ay lumabas na ako ng sasakyan para naman hindi ako sabihang bastos.
Nakita ako ni Mommy Art kaya binuksan n anito ng todo ang glass door at pinapasok ako sa loob.
“Papa Zandro, bawal sa labas. Buntis ako, baka mahirapan akong manganak. Ikaw pa naman ang papa nito.” Biro sa akin ni Mommy Art na tinawanan ko lang. Nakigaya pa ang mga tao sa loob at inasar si Mommy Art.
“Sigurado bang si Papa Zandro ang papa niyan o yung gwapo sa inyong kanto?” sabi ng isa nilang kasamahan.
“Huwag kang maingay, baka maniwala sa iyo ang papa Zandro ko at abandonahin kami ng aming magiging baby.” May action pa ito na akala mo ay may sanggol sa kanyang tiyan.
“Mommy Art, tigilan mo iyan baka maniwala si baby Zandra sa joke mo. Akalain ay totoo na magkakaroon ng anak sa iyo ang kuya niya.” Ani Madam Lucila na nakikitawa rin sa kalokohan ni Mommy Art.
“Hindi po ako maniniwala, Madam. Parehas po silang boy ni kuya.” Sabi ni Zandra kaya naman nagtawanan ang lahat.
“Baby Zandra, girl ako kaya nga Mommy Art ang tawag ninyo sa akin.” Apela ni Mommy Art sa kapatid ko.
“Ninang Patriz, dumaan po kami ni Kuya para i-invite ka po uli namin na kumain po sa labas.” Hindi na pinansin ni Zandra si Mommy Art at ang ninang na niya ang kinausap.
“Ha? Ngayong gabi?” parang nag-aalangan ito at tumingin pa kay Mommy Art.
“Opo, ninang ngayon po. Hindi pa po kasi kami nag-di-dinner ni kuya.”
“Baby, may lakad kami ni Mommy Art. Sasamahan ko siya, nakasagot na ako sa kanya.” Saad ni Patriz.
“Okay lang ako Patriz. Pwede pa naman iyon bukas. Hindi naman iyon nagmamadali. Sumama ka na sa kanila.” Sagot sa kanya ni Mommy Art.
“Ayan po ninang, pumayag na po si Mommy Art. Gusto mo isama natin si Mommy Art para hindi po siya magtampo. Di ba kuya pwede po natin isama si Mommy Art.” Ani Zandra.
Pakiramdam ko ay hindi sasama si Patriz kung hindi kasama si Mommy Art lalo na at may lakad silang dalawa ngayon.
“Oo naman, pwedeng pwede na sumama si Mommy Art.” Sagot ko kay Zandra.
“Narinig po ninyo, kayong dalawa na po ni Mommy Art ang sasama.”
“Huwag na, nakakahiya naman.” Sambit ni Mommy Art at inayos pa ang buhok na akala mo ay mahaba. “Tara na papa Zandro, kaya pala hindi kami maka-alis dahil susnduin ninyo kami ni Patriz. Girl tara at isasama ka namin sa date namin ng aking Papa Zandro.” Kinuha n anito ang kanyang bag at humawak pa sa aking braso.
“Madam, aalis na po kami. Isasama na po namin sina Patriz at Mommy Art.” Paalam ko kay Madam Lucila na agad naman pumayag.
“Okay lang Zandro. Uwian na rin naman namin nang dumating kayo. Nagkukwentuhan na lang naman. Sige mag-ingat kayo.” Sagot sa akin ng may-ari nitong parlor.
Narinig ko na nagpaalam din si Patriz at pati na rin ang kapatid ko.
Yung si Patriz sana ang katabi ko ay si Mommy Art ang naupo. Kaya sa likod na lang si Zandra at Patriz. Ayaw ko naman paalisin si Mommy Art baka magtampo. Alam ko na maganda itong maging tulay kaya dapat ko rin siyang pakisamahan.
Sa Mall naman pala ang punta nila kaya magagawa pa rin nila ang plano nilang dalawa, kasama nga lang kaming dalawa ni Zandra.
Itutuloy,,,,