ZANDRO’s POV
Confirmed na single and available na si Patriz. Pwede na siyang ligawan. Nakapagsimula na naman ako. Dahil pinadalhan ko na siya ng bulaklak kaninang umaga. Nakita ko itong nasa lamesa nila at naka-display.
Simpleng babae lang si Patriz, walang arte sa katawan kaya naman hindi siya mahirap pakisamahan. Ramdam ko na naiilang siya sa akin o nahihiya. Hindi pa siya palagay sa akin at iyon muna ang dapat kong trabahuhin. Kapag palagat na siya saka ko na lang siya liligawan.
May advantage na ako pagdating sa panliligaw. May tulay na akong magagamit at iyon ay ang nag-iisa kong kapatid na si Zandra. Pakiramdam ko naman ay okay kay Zandra na ligawan ko ang kanyang ninang. Ngayon muna ay aalamin ko ang mga bagay na nagpapasaya at paborito ni Patriz. Tiyak alam ito ng kapatid ko.
Yung lakad namin kanina para kaming isang pamilya. Kahit matanda ako kay Patriz ay pwede ko pa rin naman siyang maging asawa. Five years lang naman ang age gap naming dalawa. Talagang asawa na agad.
Kanina manliligaw pa lang ako tapos ngayon naiisip ko na pwede ko pa rin siyang maging asawa. Sana nga.
Pwede siguro na yayain namin siyang muli ni Zandra sa Friday. Pwedeng mapuyat si Zandra dahil walang pasok kinabukasan. Pwede rin ituloy ko na ang bakasyon namin sa weekend. Kausapin ko na lang si Madam Lucila para payagan nito si Patriz na umabsent. Kung may kailangan na bayaran ay babayaran ko na lang,
Minsan lang naman kaya maaaring pumayag si Madam Lucila. Bukas ko na lang kausapin si Zandra para siya ang magyaya sa kanyang Ninang. Tulog na siya pag-uwi namin. Masyadong napagod kanina sa paglalaro.
Kailangan ko na rin magpahinga at maaga na naman akong gigising bukas.
= = = = = = = = = = = = =
PATRIZ’s POV
Magkasabay kami ni Mommy Art na pumasok. Nagkasalubong kami nito kanina. Siya papunta sa amin para daanan ako at ako ay ganoon din.
Nakasakay agad kami sa tricycle kahit naramdaman ko na may gusto pa siyang itanong. Sa likod kasi siya nakaupo at ako dito sa loob. Mahaba pa ang maghapon para sa kanyang katanungan. At saka mamaya kaming dalawa lang ang tao sa parlor dahil tanghali pa sila magsisipasok.
Sa tapat ng parlor ang aming baba kaya mas maganda na sa loob na ng parlor kami mag-usap ni Mommy Art.
Pagpasok namin ng parlor ay medyo magulo. Hindi siguro naglinis ang mga kasamahan namin kagabi. Baka mga napagod na rin sila.
Paglilinis muna ang hinarap namin.
“Patriz, anong nangyari sa lakad ninyo kagabi?” tanong nito na halos bumulong na. Akala mo naman ay may ibang tao na makakarinig sa aming pinag-uusapan. Kami lang dito at kahit magsigawan kaming dalawa ay kami pa rin lang ang makakarinig.
Sasagot na ako dito nang makita ko na may delivery man na naman na nasa labas ng parlor. May dala itong muli na bouquet ng bulaklak.
Si Mommy Art ang lumabas at nakita kong ni-receive na rin niya ang bulaklak. Kanino kaya galing ang bulaklak. Pangalawang araw na ngayon na may nagpadala sa akin.
“Sigurado ako na hindi ito galing sa ex mo, mamahalin ang mga bulaklak na ipinapadala sa iyo. Walang pangalan na nakalagay sa card. Ay sorry, sa iyo pala ito. Tiningnan ko pa ang card. Akala ko ay akin.” Ani Mommy Art. Natawa naman ako dito na akala mo ay nakuryente.
“Okay lang po Mommy Art, walang problema. Wala nga pong nakalagay na pangalan sa card.” Sambit ko.
“Aba, nakipag-break ka lang sa ex mo mukhang madami nang naka-abang sa iyo ha. Iba rin ang pakiramdam ko kay Papa Zandro. Kumusta pala ang lakad ninyong tatlo kagabi? Nagtapat na ba? Dapat na ba akong umiyak? Wala na ba akong pag-asa?” sambit ni Mommy Sandro na may kasama pang acting na pang FAMAS award.
“Anong nagtapat na ba? Walang gano’n Mommy Art. Alam mo naman ang dahilan kung bakit ako kasama. Si Zandra ang may gusto noon at hindi ako ang tipo ng babae na gugustuhin ni Zandro. Saka tingin mo magugustuhan ng kumare ko? Baka ipasauli sa akin ang kandila na ginamit noong binyag ni Zandra.” Sagot ko kay Mommy Art.
“Kumusta ang lakad ninyo sige wala na yung tanong tungkol sa inyo ni Zandro. Pero kung sakali at gusto ka talaga niya at gusto mo na siya, handa mo bang ipaglaban ang pagmamahalan ninyong dalawa?” ang gulo talaga ni Mommy Art.
“Sasagutin ko lang yung tungkol sa lakad kagabi dahil yung karugtong ay walang gano’n. Okay naman yung lakad kagabi. Kumain lang kami at pagkatapos ay naglaro si Zandra. Pagkatapos umuwi na kami at inihatid nila ako sa harap ng bahay.” Sagot ko dito. Hindi ko na sinabi na pinapasok pa ako nito kagabi dahil baka iba na naman ang isipin pa.
Hindi ko sinagot ang iba niyang mga tanong pero ang isip ko ay pinoproseso ito at sinasagot. Sa palabas lang kasi sa TV ko napapanood na ayaw ng magulang ng mayamang lalaki kapag mahirap ang nagugustuhan ng anak nila. Laging ang gusto ay kasing-yaman nila o di kaya ay mas mayaman pa.
Gwapo si Zandro at walang itatapon sa kanya. Wala naman itong sinasabi sa akin kaya bakit ko ba kailangan pang isipin iyon.
Dumating ang oras na kadalasan ay dumadaan si Zandra dito sa parlor. Magtatanghalian na ay wala pa ang aking inaanak. Nakakapagtaka na hindi siya dumaan. May sakit kaya siya? Ang alam ko ay kuya pa rin niya ang maghahatid at susundo sa kanya kaya tiyak na masaya pa rin ang inaanak ko.
Pero bakit kaya hindi ito dumaan. May nagawa ba akong mali kagabi? Bakit bigla na lang walang paramdam. Okay lang sa akin kung may iba pa siyang dahilan kung bakit hindi siya dumaan, huwag lang na may sakit si Zandra. Pwede rin na nagmamadali si Zandro kaya hindi pwedeng idaan si Zandra dahil alam na ni Zandro kung gaano ito katagal tumatambay dito sa parlor.
O kaya ay baka bukas ito dumaan dahil Friday na bukas. Basta okay lang sila masaya na ako kahit dumiretso sila ng uwi.
Okay lang daw pero malugkot naman ako.