‼️‼️‼️ WARNING ‼️‼️‼️
NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. READ AT YOUR OWN RISK.
"Good morning beautiful people!” ani ng bibong bata na si Antonia Alexandria.
“Good morning, beautiful princess Zandra!” sagot dito ni Art ang beki dito sa parlor.
“Where’s my Ninang Patriz?” ani Zandra.
Kung ano ang enrgy ni Art kanina ay bigla itong nalungkot nang tanungin siya ni Zandra tungkol sa Ninang nito.
“Princess Zandra, come here.” Yaya nito sa bata na limang taong gulang. Halos lumaki na ito dito sa parlor. Anak ito ni Madam Sonia at Sir Anton, mga suki nila dito.
“Mommy Art, where’s my ninang ganda?” sambit muli dito ni Zandra.
“Nandoon si Ninang Patriz mo sa pantry. Malungkot siya at kanina pa umiiyak.” Sabi ni Art dito sa malungkot na boses.
“Why she’s crying?” tanong pa nito.
“Zandra, let’s go back another day, okay?” ani Antonio Alexander o mas kilalang Zandro.
“Okay po.” Sambit naman ng batang maganda dito.
Nagpaalam si Zandra kay Art at umalis na ang mga ito.
Samantala si Patriz ay nasa pantry at nagngunguyngoy. Inaalala pa ang nangyari kahapon, kahit masama ang loob ay pumasok pa rin ito. Katwiran niya at least sa parlor ay may makakausap siya. Nandito si Art na lagi silang pinapatawa. Pero ngayon ay hindi umeepekto ang pagiging kenkoy nito sa dalaga.
Nakaraan:
Third year anniversary nina Patriz at Edward ngayong araw. Hindi sinundo ni Edward ang nobya niya ngayong araw, na madalas naman nitong ginagawa. Kung kailan pa anniversary nila saka ito hindi nagpakita. Akala pa naman ni Patriz ay sosorpresahinn siya nito ngayon dahil kagabi ay hindi rin ito naligaw sa parlor kung saan nagtatrabaho ang dalaga.
Nagkaroon sila ng pagtatalo noong isang gabi. Gusto ni Edward na may mangtari na sa kanilang dalawa ng kanyang nobya. Tatlong taon na silang mag-boyfriend pero hanggang halik at yakap lang ito sa dalaga.
Kailan lang din pumayag ito na magpahalik sa binata. Takot si Patriz na ibigay ang kanyang sarili. Pangarap niya na maikasal sila ni Edward na nananatili siyang birhen. Ito ang hindi matanggap ng binata.
“Mag-tatatlong taon na tayo, pero ayaw mo pa rin pumayag sa gusto ko. Yung iba nga kahit walang relasyon ay okay lang na makipag-s*x. Tayo matagal na, ayaw mo pa rin. Wala ka bang tiwala sa akin? Papanagutan naman kita saka kung ayaw mo naman magbuntis pwede kang uminom ng pills. Sige na sweetie, pumayag ka na.” saad nito kay Patriz.
“Sweetie, saglit na lang naman ang ipaghihintay mo. Kailangan ko lang munang pagtapusin ang kapatid ko. Siya na lang ang kasama ko sa buhay kaya gusto ko munang okay siya. Pagkatapos niyang mag-aral pwede na tayong magpakasal.” Sagot ni Patriz sa kanyang boyfriend.
“Ilang taon pa ang ipaghihintay ko? Pwede naman nating gawin kahit nag-aaral pa ang kapatid mo. Pills lang ang katapat niyan sweetie. Magagawa mo pa rin ang obligasyon mo sa kapatid mo at para sa pagpapatibay ng ating relasyon.” Ani Edward.
“Sweetie, ayaw mo naman akong pakinggan eh. Gusto kong ikasal sa iyo na buo pa ako. Pwede ko naman ipakita sa iyo na mahal kita kahit hindi ko ibigay sa ngayon ang katawan ko.” Paliwanag pa ni Patriz sa binata.
“Sige pagbibigyan pa kita ngayong araw. Pag-isipan mong mabuti. Hihintayin ko ang sagot mo hanggang bukas. Kung hindi ka sasagot, pasensyahan na lang tayo.” Umalis si Edward na galit sa dalaga.
Ipinagwalang bahala naman ni Patriz ang sinabi ng kanyang boyfriend dahil madalas naman itong ganito pero ilang oras lang ay susuyuan na nitong muli ang kanyang kasintahan.
Lumipas ang isang araw pero wala pa rin itong message sa kanya. Hindi ito dumating ng oras ng uwian nila.
Kinaumagahan ay umaasa pa rin ito na may magpapadala ng bulaklak sa kanya o di kaya ay chocolate pero humapon na ay wala pa. Hindi pa rin siya nawalan ng pag-asa. May gabi pa kaya naman nag-ayos pa ito bago lumabas. Nag-extend pa siya ng time para bigyan pa ang kanyang boyfriend ng sapat na oras. Baka na-traffic lang ito, sambit ni Patriz sa kanyang isipan.
Alas-otso na wala pa rin si Edward.
Sa isip ni Patriz ay baka nagtatampo pa ang kanyang nobyo. Dahil anniversary nila ay siya na lang ang susuyo sa nobyo. Payag na siya sa gusto ni Edward huwag lang itong magtampo sa kanya.
Nag-grab na siya papunta sa tinutuluyan nitong apartment. May susi naman siya sa apartment ni Edward dahil minsan ay nagpupunta siya dito para ipaglinis at ipaglaba ang boyfriend sa araw ng kanyang day off. Para kay Patriz ay okay lang na gawin niya ito sa binata dahil naniniwala siya na silang dalawa rin ang magkakatuluyan. May crush kasi siya noon pero imposibleng magustuhan siya. Hindi tulad ni Edward na nagpahayag talaga sa kanyan ng feelings.
Wala siyang regalo sa kanyang boyfriend kaya naman ang regalo na ibibigay niya ngayon ay ang pinaka-aasam asam ng binata. Ang kanyang katawan. Handa na siyang isuko dito ang bataan. Susundin na lang niya ito na iinom siya ng pills. Nangingiti pa ito dahil nakikinita niya ang masayang mukha ni Edward kapag nalaman nito na payag na siya.
Bumaba siya ng kotse sa tapat ng inuupahang apartment ng binata. Bukas na ang gate kaya malamang nasa bahay na ang kanyang nobyo. Sarado pa ang ilaw sa sala, kita sa labas na madilim pa ang loob. Naka-lock ang pinto kaya kinuha niya ang sus isa kanyang bag. Binuksan niya ang pinto pati na rin ang ilaw na ang switch ay nasa pagpasok ng bahay. Kumalat ang liwanag sa sala. Nagulat siya dahil may nagkalat na damit. Nakita niya ang polo shirt ng binata pati ang pants nito. Pero bakit may damit na pambabae. Isang dress ito at hindi naman nagsusuot ng ganito ang kanyang boyfriend. Pwera na lang kung bading ito. Ngunit, may damit din dito ang boyfriend niya.
May naririnig siyang mahihinang tinig. Dahan dahan niyang pinuntahan ang pinanggagalingan ng mga tinig na iyon. Sa kwarto ni Edward nagmumula ang mga munting tinig. Hindi nakasarado ang pinto sa kwarto. Hindi ito nakalapat kaya bukas ito.
Hindi makapaniwala si Patriz sa kanyang nakikita ngayon. Walang suot na anuman ang kanyang boyfriend at may babae na nakahiga sa kama nito habang si Edward ay nasa ibabaw nito at gumagalaw. Hindi man ito ginagawa ni Patriz, may idea siya kung ano ang ginagwa ng babe at ng kanyang boyfriend.
“Harder, sweetheart. Faster, sige pa. Isagad mo pa ng todo. Malapit na ako, faster lalabas na.” sigaw ng babae na sarap na sarap sa ginagawa nil ani Edward.
Hindi na makakilos si Patriz sa kanyang nakikita. Parang nabaon na ang kanyang mga paa sa kanyang kinakatayuan. Patuloy ang pagdaloy ng kanyang mga luha. Hindi niya matanggap na nagawa ito sa kanya ni Edward. Minahal niya ito, pero bakit ganito ang isinukli ng binata sa kanya? Ang pagluha niya ay nagkaroon nang tunog. Ang iyak niya na nauwi sa paghagulgol kaya naman natigil bigla si Edward sa pagbayo sa babaeng nakahiga sa kama dahil naramdaman ni Edward na may ibang tao na sa kwarto niya.
Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita. Nandito ang kanyang girlfriend na si Patriz at umiiyak. Agad na hinugot ni Edward ang kanyang alaga sa babaeng katalik at isinupt ang kanyang boxer para lapitan si patriz na hindi makagalaw sa kanyang pwesto.
“Sweetie,” sambit ni Edward paglapit kay Patriz.
Isang malakas na sampal ang pinakawalan dito ni Patriz at hindi lang isang beses kundi dalawa pa.
“Simula ngayon ay kakalimutan kong nakilala kita. Tatlong taon Edward pero ito lang ang isusukli mo sa akin? Mabuti pala at hindi ako pumayag sa kagustuhan mo. May ginagawa ka palang kalokohan kapag wala ako sa tabi mo. Mabuti na lang at nalaman ko agad ito. Huwag ka nang magpapakita pa sa akin! Nakakadiri ka!” isa pang sampal ang ibinigay ni Patriz dito. “Tatlong sampal para sa tatlong taon natin.” Galit nitong wika at saka lang ito nakakilos sa kanyang kinakatayuan.
“Sweetie, magpapaliwanag lako. Pakinggan mo naman ako, please.” Habol dito ni Edward pero walang lingon lingon ang ginawang paglalakad ng dalaga. Agad itong sumakay sa kotse na pinara nito. Walang tigil ito sa pagluha.
Bumaba siya ng sasakyan at wala pa rin siyang tigil sa pagluha. Pagdating niya sa bahay ay nandoon ang kanyang kapatid na naghihintay sa kanya. Nagulat ito nang makita na umiiyak siya.
Kahit anong tanong ng kanyang kapatid na si Perla ay hindi nito nasagot. Patuloy ang pagdaloy ng mga luha nito.
Nagtaksil ang kanyang boyfriend.