MATAMIS ang mga ngiti ko habang pinagmamasdan ko si David na nakahiga sa kama habang nababalot ang hubad niyang katawan ng puting kumot. Pagkatapos ay dahan-dahan kong pinagapang ang kamay ko sa kanyang dibdib patungo sa kanyang mukha. Marahan kong hinaplos ang mapula niyang labi na kanina ay nalasap ko. "Kahit hindi ako ang mahal mo, sisiguraduhin kong ako naman ang pakakasalan mo." ngumisi pa ako sa kanya habang patuloy kong pinapagapang ang kamay ko sa dibdib niya. Nang mapagod ako sa aking ginagawa ay tumayo ako at nagtungo sa banyo para maligo. Warm water ang naka-set sa shower ko para hindi ako pasukin ng lamig. Hindi ko kayang matulog na naglalagkit ang katawan pagkatapos ay nagpatuyo ako ng buhok gamit ang blower ko. Habang nakaharap ako sa salamin at nagbo-blower ay napansin ko a