"David?" takang tanong sa'kin ni Wilbert. Hindi ako kumibo bagkus ay dumiretso sa table niya at nagsalin ng alak sa baso at in-straight kong inumin. Naging sunod-sunod ang pag-inom ko ng alak dahilan para mapansin ni Wilbert. "Dude, Tama na 'yan inom mo Baka Hindi na kita kayang ihatid pa kapag pareho tayong lasing,” wika ni Wilbert. Kinuha niya sa'kin ang hawak kong bote na may laman na alak. "Tama na 'to." anito. Pilit kong kinuha ang bote ng alak sa kanya. "I need it. Gusto kong malasing para pansamantala kong makalimutan ang problema ko." He sighed. "Anong ba ang problema?" Nakasubsob ang mukha ko sa lamesa at hawak ang baso. "I'm getting married to someone i don't love." "You don't love? So ibig sabihin hindi si Arabella ang pakakasalan mo?" tumawa siya. "Putcha! Hanggang ngayo