CHAPTER 6

2142 Words
NAGISING ako sa malakas na tunog na nagmumula sa cellphone na nasa ibabaw ng table malapit sa kama ko. Nakapikit ako habang kinakapa ko 'yon. Pagkatapos ay sinagot ko ang tawag nang mabasa ko ang pangalan sa screen ng cellphone ko. "Hell, Good morning, Chief," paunang bati ko sa kanya. "Po1 Cyndi Fuentes, where are you? Kinusot ko ang mga mata ko. "Nandito po sa condo, bakit Chief?" "Akala ko nagkakaintindihan na tayo kahapon, bakit nandiyan ka pa rin sa condo mo?" Na-imagine ko ang salubong na kilay at paglaki ng butas ng ilong ni Chief Lasor habang kausap niya ako sa cellphone. Kung kaharap niya ako baka tumatalsik na ang laway niya dahil galit na galit. "Sorry, Chief, nag-impake ako kahapon ng gamit ko kaya lang nakatulog ako." alibi ko. Hindi ko kasi pwedeng sabihin na naiinis ako kay David kaya ayokong mag-stay in sa mansyon nila. "Ibigay mo sa'kin ang address mo para masundo ka diyan." "Hindi na Chief, papasok na lang po ako ng maaga." Sinipat ko ang relong pambisig ko at nakita kong alasais pa lang ng umaga. Bumangon na ako ng tuluyan. "Okay," wika ni Chief Lasor. Kinuha ko ang towel na nakalagay sa likod ng pinto ng kuwarto. Pagkatapos ay dumiretso ako sa banyo upang maligo at gawin ang daily routine ko. Kapag ganitong oras ay hindi pa dumarating si Veronica, kung kaya't nag-iwan na lang ako ng sulat sa kanya at dinikit ko sa salamin kung saan madali niyang nakikita. Bukod do'n nagtext na rin ako sa kanya upang ipaalam na magstay in ako sa mansyon ng binabantayan ko. Dalawang oras ang nakalipas ng umalis ako ng condo unit ni Veronica at sumakay sa motor ko. Nakita ko si David na nakaupo sa sofa habang nakatingin sa'kin. Hindi ko mapigilan ang mainis kapag nakikita ko ang pang-asar niyang ngiti. Nakasimangot ako habang papalapit sa kanya. "Ikaw ba ang nagsumbong kay Chief?" Inis kong tanong sa kanya. Kinuha niya ang tasa na may lamang umuusok na kape pagkatapos ay dahan-dahan niya itong hinigop ngunit hindi niya inalis ang tingin sa'kin. "Sinabi ko lang kung anong oras ka papasok." "Gano'n na rin 'yon nagsumbong ka pa rin." "I'm just asking nothing more beyond that." "Whatever!" sabay irap ko. "Psh! Have you eat your breakfast?" he asked me. Umiling ako. "Not yet, hindi ako nagugutom." "Hindi pa rin ako kumakain ng breakfast, sabayan mo ako pagkatapos ay pupunta tayo sa kumpanya. Magkakaroon kami ng meeting mamaya." "Bakit hindi ka kumain mag-isa? Hindi pa ako nagugutom lalong hindi ko dala kaldero n'yo." Nangunot ang noo niya. "Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Kaya ang payat mo hindi ka kumakain." Namaywang ako sa kanya. "Why are you interfering in my personal life? It's not part of my job, so you don't care if I want to eat or not." sabay irap ko sa kanya. Tinaas niya ang kamay niya bilang pagsuko. "Okay, Fine!" Pumunta siya sa kusina para kumain. Hinintay ko naman siya sa sala ng kanilang mansyon. Habang nakaupo ako sa malambot na sofa napansin ko ang malaking family picture nila. Natukso akong tingnan iyon. Mula sa larawan ay nakita ko ang pamilyar na mukha ng matandang babae na asawa ni Romano Aragon. Nakasuot ito ng pulang damit kung saan bumagay ang malaking pendat nito na kasing laki ng limang piso na barya. Tinitigan ko rin maigi ang lalaking kapatid ni David. "Parang nakita ko na ang lalaking ito." Pinagmasdan kong maigi ang lalaking katabi ni David. Ngunit hindi ko maalala kung saan kami nagkita. "That's my brother." Napalingod ako ng marinig ko ang boses ni David. "Parang nakita ko na siya." sagot ko. Nakatitig pa rin ako sa larawan niya. "Baka nakita mo siya sa mga charity or fun raising. Mahilig si Kuya Rowell na tumulong sa mahihirap." "Siguro nga " pagsang-ayon ko. "Let's go!" wika ni David. Tumango ako sa kanya pagkatapos ay umalis na kami sa kanilang mansyon. Habang binabagtas namin ang daan papunta sa Laguna kung saan naroon ang kanilang kumpanya. May isang isang bagay akong napansin habang binabasa ko ang list ng member ng kumpanya ni David. Napansin kong hindi magka-apelyido si David at kapatid nitong lalaki. "Akala ko ba kapatid mo si Rowell, bakit magkaiba ang apelyido n'yong dalawa?" "Hindi ko siya tunay na kapatid." tugon niya "I know you're already told me. Nagtataka lang ako kung bakit hindi binigay ng Daddy mo ang apelyido niya sa kanyang ampon?" Hindi kumibo si David sa halip mabilis nitong pinaharurut ang kanyang kotse. "f**k! Slow down." Muntik na kasi akong lumusot sa salamin dahil sa biglaang preno niya at mabilis na pinaharururt ang sasakyan niya. "May sumusunod sa'tin. "wika nito. Mula sa side mirror sinilip ko ang kasunod naming sasakyan. Itim na kotse at motor ang sumusunod sa'min. Nag-over take ang motor sa kasunod na sasakyan upang sundan kami. Nakita kong nakatakip na bonet ang mukha ng mga ito. Bigla akong kinutuban sa nakita ko. "Bilisan mo ang pagpapatakbo." utos ko kay David. Binilisan naman ni David ang pagpapatakbo ng kotse niya. Kinuha ko ang baril ko at inihanda sa pwedeng manyari. Nakasunod pa rin ang itim na kotse sa"min dalawa ni David. "Yuko!" Bumunot kasi ng baril ang angkas ng motor at pinaputukan kami. Kinuha ko ang baril ko sa bag ko at pagkatapos ay binuksan ko ang bintana ng kotse at nagpaputok ako ng baril. Nakipagpalitan ako ng putok ng baril habang si David ang nagda-drive ng kotse. "Bilisan mo pa ang pagpapatakbo kung ayaw mong mamatay!" utos ko sa kanya. Sumunod naman siya sa'kin ngunit tinamaan ang gulong ng kotse namin. "s**t! Mamatay na tayo!" sigaw ni David. "Ako na ang magda-drive!"sigaw ko sa kanya. Tumango si David pagkatapos ay mabilis kaming nagpalit ng upuan. Kahit butas ang isang gulong ay nagawa kong paikutin ang kotse paharap sa daan ng gustong pumatay sa'min. Sasalubungin ko sila kaysa makipaghabulan sa kanila. "What the hell are you doing?!" wika ni David. "Trust me." sagot ko sa kanya. Hininto ko ang kotse at madiin kong inapakan ko ang silinyador hanggang sa mag-two hundred ang speed nito. Halos umangat na ang kotse dahil halos isagad ko ang speed niya. "Gusto ko pang mabuhay." wika ni David. "Yumuko ka at ayusin mo ang seatbelt mo." sambit ko sa kanya. Pagkatapos ay pinaharurut ko ang kotse pasalubong sa humahahol sa'min. Delikado itong gagawin namin at swerte na lang kung makakalusot kaming dalawa. Kung hindi namin ito gagawin baka mamatay na lang kami sa kakatakbo sa kanila. Habang sinasalubong ko sila ay sinasalubong naman kami ng putok ng baril. Naramdaman ko ang hapdi sa mga braso ko ngunit hindi ko iyon pinansin nakipagsabayan ako sa pagpapaputok ng baril hanggang sa matamaan ko ang driver ng motor tumalsik ang mga ito. Buong lakas kong binangga ang kotse pagkatapos ay pinaputakan ko sila kaya natamaan ang driver ng kotse kaya nawalan sila ng balance. Tinulak ko ang kotse nila papunta sa tulay, bago ito tuluyang maglaglag sa ilog ay sumabog na ito. Bumaliktad naman ang kotseng sinasakyan namin ni David. "Are you okay?" tanong ko sa kanya. "I'm okay, " sagot niya. Nakahinga ako ng maluwag. Bagamat may galos si David ang mahalaga ay ligtas na siya. "Ang daming dugo sa katawan mo?" tanong niya. Kanina ko pa nararamdaman ang kirot sa braso ko ngunit hindi ko iyon alintana. "Lumabas ka na dali!" naamoy ko na kasi ang gasolina sa sasakyan niya. Itinulak ni David ang pinto ng kotse para makalabas siya ako naman ay hindi makalabas dahil naipit ang paa ko. "Hindi ako makalabas lumayo ka na at iligtas mo ang sarili mo." utos ko sa kanya. Kung magtatagal pa si David doon baka sumabog na ang kotse niya at madamay pa siya mahalaga ang buhay niya kaya mas maiging makaligtas siya. "No!" Sinikap niyang buksan ang pinto ng kotse ko para makaalis ako. Nang mabuksan niya ay hinila niya ako palabas at lumayo kaming dalawa sa kotse niya. Ilang segundo lang ay sumabog na rin ito. "My favorite sports car." sambit ni David habang pinapanood niyang nagliliyab ang sasakyan niya. Nakayakap ako sa kanya habang naghihintay kami ng magre-rescue sa'min dalawa. "Don't sleep, Cyndi." narinig kong sabi niya. Ngunit kahit anong pigil kong huwag pumikit ay hinihila ako ng antok dahil nararamdaman ko ang pagka-hilo hanggang sa tuluyan na akong pumikit. "Oh, s**t! Cyndi, wake up!" huli kong narinig bago ako tuluyang mawalan ng wisyo. MUKHA ni Veronica ang nakita ko nang magising ako. Pinagmasdan ko ang paligid ko at nakita kong nasa loob ako ng hospital. May benda ang mga braso ko at kanang paa ko. "Buhay pa ako." Ngumiti sa'kin si Veronica. "Gago ka! Akala ko paglalamayan ka na mabuti na lang at nagising ka na. Isang linggo kang walang malay." Bigla kong naisip si David. "Kumusta ang boss ko?" "Yung boss mong guwapo? Kakauwi pa lang niya buong magdamag siyang nagbantay sa'yo. Hindi lang siya gwapo ang bait pa niya." "Dinalaw ba ako ni Ate at Daddy?" Bakas sa mukha ni Veronica ang lungkot. "Baka hindi nila alam na ikaw ang super hero ng bilyonaryong gwapong lalaki na 'yon kaya hindi ka nila dinalawa rito. Ang sabi sa'kin ng boss mo, hindi na raw nila sinabi kung sino ang tumulong sa kanya para manatili pa rin ang kaligtasan mo at malaya kang mgawa mo ang misyon mo." paliwanag ni Veronica. Pilit akong ngumiti kay Veronica. Kahit hindi sinabi sa balita kung sino ang naglitas kay David. Malalaman pa rin ng mga ito na nasa hospital ako ngayon dahil iisa lang naman ang mundo na ginagalawan namin. "Dumalaw rin ang partner mo si Dario. Gwapo rin si Dario. Mukhang napapalibutan ka ng mga gwapo. Bigla ko tuloy gusto kong mag-aral ulit ng criminology para makasama ko ang mga gwapong pulis." kilig na kilig na sabi ni Veronica. "Maraming salamat sa pagpunta mo rito naabala ka pa." "No problem. Hanggat hindi ka gumagaling hindi ako aalis sa tabi." "Huwag na kaya ko na ang sarili ko." Masyado na kasing abala kung iistorbohin ko pa si Veronica may trabaho siya na dapat unahin. "Huwag kang mag-alala doble ang bayad sa'kin sa pagbabantay sa'yo. Kinausap na ng boss mo ang pinagtatrabahuhan ko kaya wala ng problema. Ang sarap nga magbantay sa'yo bukod sa libre na pagkain doble pa ang sahod hindi pa ako pagod." Napangiwi ako. Akala ko pa naman ay concern siya sa'kin kaya gusto niya akong bantayan doble pala ang bayad niya. Nang sumapit ang hapon ay dumating si Chief Lasor para kumustahin ako. Pagkatapos ay bumalik si David at siya ang pumalit kay Veronica. "Hindi mo ito kailangan gawin." sabi ko kay David. Nakaupo kasi siya sa gilid ng kama ko habang bini-blood pressure ako ng nurse. "You save my life. Naniniwala na ako sa kakayahan mo." wika niya. "Tungkulin kong bantayan at iligtas ka." Ngumiti siya. Thank you." sagot niya. Tumayo si David at kinuha ang dalang malaking puting plastik bag nilabas niya ang mga naka-sealed na baunan. Umalis naman agad ang nurse pagkatapos niyang makuha ang blood pressure ko. "Kumain ka na susubuan kita" sabi niya. Tumango ako sa kanya pagkatapos ay sinubuan niya ako ng pagkain. Hindi ko maintindihan bakit nag-iba ang pakiramdam ko habang ginagawa niya 'yon. "Thank you, but you don't have to do this anymore. " "How many times can I tell you that I'm doing this in return for saving my life." "It's my obligation to save you even if my life is in exchange. I can eat alone. I am used to being alone." He took a deep breath. "Okay." Inilapag niya sa table ang pagkain at pagkatapos ay tumalikod siya at lumabas ng kuwarto ko. Masakit ang braso ko habang ginagalaw ko ito dahil namamaga pa ang tahi niya. Ngunit kailangan kong igalaw para makakain ako. Kailangan kong gawin ito dahil ayokong magkaroon ng utang na loob kay David. Ngunit kapag pinipilit ko ay masakit pa rin. Kaya hindi na lang ako kumain. "See? you will not be able to eat in that condition. "said David when he returned. Umiwas ako ng tingin sa kanya. "Busog pa kasi ako kaya hindi sinubukan." alibi ko. Kinuha niya ang pagkain ko at sinubuan niya ako. Tiningnan ko lang ang pagkain ea kutsara. "Huwag kang mahiya sa'kin nag-s*x na tayo, remember?" Namula ang mukha ko sa sinabi niya. Bakit ba niya kailangan ulit-ulitin ang kasalan ko na 'yon. "Shut up!" inis kong sabi. "Then, eat or I will eat you." Nakipagtitigan pa siya sa'kin. Mabuti na lang at kaming dalawa lang sa loob ng patient room nakakahiya ang sinasabi niya. Wala akong nagawa kung hindi ang kumain habang sinusubuan niya ako. Baka kasi kung ano-ano pa kasi ang sabihin niya at marinig pa ng nurse kapag pumasok rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD