CHAPTER 5

2123 Words
Napanganga ako sa laki ang ganda ng mansyon na pagmamay-ari ng bago kong misyon ito ay ang maging secret agent ng isang bilyonaryo. Hindi na ako nagtataka kung bakit kailangan nito ng body guard dahil sa sobrang yaman ng may ari. Hindi ka basta-basta makakapasok sa loob hanggat hindi ka dadaan sa security nila. Kung tutuusin mahigpit ang security pero natatakot pa rin sila sa banta ng buhay nila. "Excuse, pwede po kay Mr Romano Aragon?" tanong ko sa security. "Anong kailangan mo sa kanya?" Inilabas ko ang tsapa ko. "Po1 Cyndi Fuentes. Pinatawag ako ni Mr Romana para sa isang meeting." "Saglit lang at tatawagan ako." Tumawag ang security guard kay Mr Romano. Habang ako ay naghihintay lang sa sasabihin ng security. "Sino ang nagpapunta sa'yo?" muling tanong ng security guard. "Chief Lasor." sagot ko. Sinabi ng security guard ang sinabi ko pagkatapos ay sinamahan niya ako papunta sa loob ng mansyon. Gusto ko sanang pagmasdan ang lugar ngunit baka pag-isipan nila ako ng masama kung gagawin ko iyon. Isang malawak na living room niya ako dinala. Sinalubong ako ng matandang lalaki na nasa edad singkwenta. "Hindi ko inakala na babae ang ipapada ni Chief Lasor sa'kin." Bungad niyang sabi sa'kin. "Huwag po kayong mag-alala kayo kong higitan ang ginagawa ng isang lalaki." sabi ko nang nakaupo ako. Dumating katulong niya at pagkatapos ay binigyan kami ng kape. "Masarap na kape 'yan." wika ng matanda. Tinikman ko ang kape. "Masarap nga po." "Anyway, gusto kong sabihin sa'yo na kailangan mo ng mahabang pasensiya sa anak ko dahil may katigasan siya ng ulo." "Anak n'yo?" kunot-noo ko. Tumango ito habang seryosong nakatingin sa'kin. "Anak ko ang babantayan mo may pakiramdam akong nasa paligid lang niya ang kalaban." "Hindi nabanggit sa'kin ni Chief Lasor na bata ang babantayan ko." "No, hindi siya bata, matanda na siya." sagot nito. "Maari ko bang itawag kay Chief ang tungkol dito?" "Go ahead." Tumayo ako at lumabas para kausapin si Chief Lasor. Ang pagkakaalam ko kasi matanda ang babantayan ko at si Mr Romano 'yon. Hindi ko inisip na bata pala. "Chief Lasor, nandito ako sa mansyon ni Mr Romano. Bakit sinabi niyang anak niya ang babantayan ko?" "Iyon nga ang sasabihin ko sa'yo kanina hindi ka bumalik." Parang kasalanan ko pa tuloy ang nangyari. "Pasensiya na po Sir." "Mag-iingat ka, magreport ka sa'kin bukas." "Yes, sir!" Pagkatapos ay pinutol ko ang tawag ko. Bumalik ako sa loob ng mansyon ni Mr Romano. Habang papalapit ako sa Sala natanaw ko ang lalaki na nakasuot na kulay white na t-shirt at damit nakatingin sila sa'kin kaya nakaramdam ako ng hiya. Nang isang dipa na lang ang layo ko sa kanila bigla akong kinabahan at nagulat sa nakita ko. Siya ang lalaking naka-one night stand ko. Hindi ko alam kung lalapit ako sa kanila o lalayo lalo na't nakatitig siya sa'kin. Bigla akong namutla nang muli ko siyang nakita.Ngunit naisip kong kailangan kong gawin ang trabaho ko. "David this is Po1 Cyndi Fuentes. Nasa police intellegence unit siya. Siya ang magiging body guard mo at magiging secret agent." Pagpapakilala sa'kin ni Mr Romano. Gusto ko na lang kainin ng lupa sa mga oras na ito. Ilang segundong nakatingin sa'kin si David ng i-extend niya ang kanyang kamay para makipag shake hands sa'kin. "Nice to meet you Po1 Cyndi Fuentes." Sir." Nanginginig ang kamay kong tinanggap ko ang kamay niya upang magshake hands kami. Naramdaman ko ang malambot niyang palad na pumipisil sa palad ko. Napalunod ako na tila matutuyuan ng labi sa ginawa niya. "Po1 Cyndi Fuentes. Ikaw na ang bahala sa anak ko. Umaasa akong malulutas ang problema namin sa lalong madaling panahon." wika ni Mr Romano. "Yes, Sir!" sagot ko. "Maiwan ko na kayong dalawa." Pagkatapos ay umalis na si Mr Romano. Pagkaalis ni Mr Romano ay bigla akong hinila ni David palapit sa kanya. Sumubsob ako sa dibdib niya. "Bakit n'yo ako hinila?" sambit ko habang ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Salubong ang kilay ni David. "Ikaw ang body guard ko? Hindi mo nga nagawang protektahan ang virginity mo." Inapakan ko ang paa niya at pagkatapos ay tinuhuran at pinilipit ang kamay niya. Napadaing siya sa sakit. "Ouch! Damn it!" sigaw niya. I don't care if you don't like me. I will do my job, whether you like it or not. You got my virginity for free, and you are still complaining. f**k you!" sabay tulak ko sa kanya. Napalakas ang tulak ko kaya muntik ng tumama ng mukha niya sa may kanto ng hawakan ng upuan. "b***h! I'm your boss." Inis niyang sigaw. Umarko ang kilay ko. "Hindi ikaw ang susundin ko." Matalim ko siyang nakatitig sa'kin. "Stupid!" "Shame on you!" sabay talikod ko sa kanya. "Cyndi, Kilala mo si Arabella Fuentes?" Bigla akong natigilan sa sinabi niya. Kahit pala sa mga mayayamang tao ay kilala si Ate Arabella. "Hindi, Bakit?" "Nothing." sagot niya. Umupo ako sa malambot na sofa habang nakahalukipkip ang kamay ko "Anong plano mo ngayong araw?" Tinitigan niya ako. ""Hintayin mo ako diyan at magbibihis lang ako dahil may pupuntahan tayong dalawa." sabay talikod niya at umakyat sa second floor ng mansiyon. Habang naghihintay ako sa kanya. Hindi naman ako ginugutom ng katulong nila dahil may dala naman itong cheese cake at mango graham. Gusto kong matuwa dahil parang nahulaan nila ang paborito kong meryenda dahil nakahain na sa harapan ko. SABIHIN nating gwapo si David pero mas gwapo ang kotse niyang mas mahal pa yata sa buhay ko. Paanong hindi siya pagtatangkaan ang buhay niya sa mahal ng kotse. Porsche 911 grey ang sasakyan ni David. "Get in." sabay ngiti niya sa'kin. Poker face akong sumakay at pagkatapos ay mabilis ko siyang pinasadahan ng tingin. Naka-black polo siya na sinadyang buksan ang tatlong botones sa taas upang dumungaw ang mabalahibong dibdib. At nakasuot siya ng shades. Ilang beses tuloy akong napalunok dahil parang nakikita ko sa kanya ang crush kong si Michele Morrone. "Where we are going?" tanong ko sa kanya. "Pupunta tayo sa kumpanya para ipakita ko sa'yo ang loob at labas ng kumpanya baka may makuha kang impormasyon ." wika nito. Tumango ako sa kanya pagkatapos ay inilagay ko sa tenga ko ang AirPods para hindi ko marinig ang sinasabi niya. "Hey! Saan tayo talaga pupunta? Hindi ito ang daan sa papunta sa kumpanya nila." Kahit naman kasi hindi ko alam kung saan ang kumpanya nila ay alam kong maling daan ang tinatahak namin. "Gutom na ako kaya kumain muna tayo bago dumiretso na sa kumpanya." wika niya. Hindi ako kumibo. Wala akong karapatan magreklamo sa kanya. Huminto ang sasakyan namin sa isang mamahaling restaurant. Bago ko pinaupo si David ay tiningnan ko muna ang paligid "Bakit hindi ka umupo?" tanong niya. Nakatayo lang kasi ako sa harapan niya habang hinihintay niya ang pagkain in-order niya. "Trabaho kong maging ligtas ka hanggang sa matapos kang kumain." sagot ko. "Umupo ka sa harapan ko, nagmumukha kang tanga diyan." sagot niya sa'kin. "Hindi ko susunundin ang utos mo." Salubong ang kilay niyang tumayo at sapilitan niya akong pinauupo. "Sit!" utos niya. "No, I don't!" pagmamatigas ko sa kanya. "Uupo ka o hahalikan kita?" Nakipagtitigan ako sa kanya. Hindi ko lubos maisip na ganito katigas ng ulo ng babantayan ko masyadong hambog. Nanggigil ako sa kanya gusto ko siyang suntukin o sipain ngunit hindi ko magawa. Huminga ako ng malalim upang pakalmahin ang sarili ko. "Fine!" inalis ko ang kamay niya. Humahaba ang nguso kong umupo sa harapan niya. Pang-asar siyang ngumiti sa'kin. "Susunod ka rin pala ang tigas ng ulo mo." "f**k you!" inis kong sambit. Nabaling ang tingin ko nang dumating ang order ni David. "Let's eat." anito. "Hindi ako nagsasayang ng oras sa ganitong bagay. " diretsang sabi ko. "Alam ko pero hindi ba masamang kumain bago pumunta sa kumpanya?" Inis na inis ako habang pinapapanood ko siyang kumain. Sinadya niya kasing tagalan ang pagkain dahil alam niyang naghihintay ako. Unang araw ko pa lang sa trabaho na ito ay nauubusan na ako ng pasensiya. "Nanadiya ka ba?" hindi ko mapigilang tanong sa kanya. Tumingin siya sa'kin na parang hindi alam ang nangyayari. "Bakit naman?" "Mahigit isang oras na tayo rito sa restaurant hindi ka pa rin tapos kumain?" "Hindi ko ito mauubos agad kung hindi mo ako tutulungan ubusin." "Bakit ka nag-order ng ganyang pagkain kung hindi mo naman pala uubusin?" "I order for two." "Kasalan ko pa?" nakataas ang kilay kong sabi sa kanya. Tumango siya. "Kasalanan mo kung sumuka ako dahil sa sobrang busog dahil hindi mo ako tinulungan ubusin ang mga ito." Nanggigil ako sa inis parang tatanda ako ng sampung taon sa lalaking ito. Napilitan akong kumain para maubos na ang order niya. Mukha kasing walang balak si David na umalis hangga't hindi nauubos ang mga pagkain. Sunod-sunod ang pagsubo ko halos lunukin ko na nga lang para maubos. "Hinay-hinay lang sa pagkain baka mabilaukan ka." Pang-asar niyang sabi. Sa halip na sagutin ko siya ay inirapan ko siya at pinagpatuloy ang pagkain. "Tell me about yourself?" Basag niya sa katahimikan namin. Pailalim ko siyang tinitigan pagkatapos ay pinagpatuloy ko ang pagkain. "Siguro wala kang boyfriend kasi hindi tatagal sa kasungitan mo." sabay tawa niya. Tumaas ang kilay ko."Anong pakialam mo?" Nagkibit-balikat ako. "Gusto ko lang sabihin sa'yo para alam mo." "The hell you care." tugon ko sa kanya pagkatapos ay pinagpatuloy ko ang pagkain. Inubos ko ang pagkain para makaalis na kaming dalawa sa restaurant. NALULA ako sa laki ng kumpanya nila ang produkto nila ay mga Air bags na ginagamit sa sasakyan pang-export ang mga ito. "Ikaw ang nagpapatakbo nito?" tanong ko sa kanya. "Yes, I'm the Ceo of this company." Pagyayabang niya sa'kin. Inirapan ko siya upang ipaalam sa kanya na hindi ako interesado sa sinabi niya. "Ang vice president ko rito ay ang kapatid ko." sagot niya. Umarko ang kilay ko. "May kapatid ka?" Tumango siya. "Yes, si Kuya Rowell ampon siya ni Daddy at Mommy noong hindi pa ako pinapanganak." Tumango ako isa na ang kapatid niya ang babantayan ko sa kumpanya niya. "Pwede ko bang mahingi mga pangalan ng mga tauhan mo mula sa vice presidente hanggang sa Sales n'yo." "Okay," sagot niya. Umikot pa kami sa buong kumpanya pagkatapos ng dalawang oras ay bumalik kami sa kanilang mansiyon. Nasa sala kami ng mansyon at nakaupo. Kakatapos lang kasi namin kumain. "Sir, David, babalik ako bukas bago mag-alas siyete ng umaga." wika ko. "Bakit ka aalis?" Kumunot-noo ako. "Uuwi na ako tapos na ang buong araw kong trabaho sa inyo." "Hindi ba sinabi sa'yo ng chief mo na mula ngayon dito ka na titira sa mansyon para kahit anong oras ay pwede kitang tawagan." "Hindi sinabi sa'kin ni Chief Lasor ang bagay na 'yan. Kinukimpira ko bukas kapag nagreport ako. " pumihit ako patalikod at pagkatapos ay humakbang ako palabas. "Good Afternoon, Chief Lasor." narinig kong sabi niya. Huminto ako sa paglalakad at pumihit ako paharap sa kanya. Namaywang ako habang nakataas ang kilay kong nakatingin sa kanya habang pinapakinggan ko ang pinag-uusapan nila. Sinadya kasi nitong i-loudspeaker ang pag-uusap nila. "Chief Lasor, hindi alam ng bodyguard ko na stay in siya." wika ni David. "Pasensiya na Mr. Aragon, hindi ko nasabihan si Po1 Fuentes sa pagbabago ng plano. Tatawagan ko na lang siya pagkatapos nating mag-usap." Hindi na maipinta ang mukha ko sa inis habang pinakikinggan ko si David. Nakakainis! Nandito si Po1 Fuentes, gusto n'yo ba makausap?" "Yes, please." sagot ni Chief. Pang-asar na iniabot ni David sa'kin ang cellphone niya. "Ang sarap ibato ng cellphone niya sa mukha niya" "Hello, Chief." sagot ko. "Po1 Fuentes. Nag-request si Mr Aragon na mag stay ka diyan sa kanila para mabantayan mo siya ng maigi." Kung nakakamatay ang mga matalim kong tingin sa kanya ay kanina pa patay si David sa sobrang galit ko. Humugot ako ng malalim na paghinga para pigilan ang galit kong gusto ng kumawala. "Yes, Sir." iyon lang ang tanging sinabi ko. "Good." sagot ni Chief. Inabot ko kay David ang cellphone niya pagkatapos ay lumabas ako at pumunta sa berenda ng mansyon. "Grrr! Bwiset ka! Nakakainis!" sigaw ko. Huminto ako nang marinig ko ang malakas na halakhak ni David na halos lumupasay sa kakatawa. "Letche!" Nagmartsa akong lumapit sa kanya habang tikom ang kamao ko. "Bakit ganyan ang itsu— Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil sinuntok ko ang mukha niya sa galit ko. "Ouch! Damn it!" sigaw niya. Wala na akong pakialam kung isumbong niya ako mas mabuti nga 'yon para ilipat ako ni Chief sa ibang misyon. Tumalikod ako sa kanya at pagkatapos ay lumabas ako at sumakay sa motor ko para umuwi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD